Nagsimula ang kwento sa tapat ng tindahan ng buy one take one na burger. Marami kaming nakapila at lahat umaasa. Lahat nagbabakasakali.Matagal akong nakatitig sa hawak kong bente pesos. Iniisip ko kung tama bang itaya ko ito sa lotto o ipangbabayad ko na lang sa tricycle na sasakyan ko pauwi.Pero dahil malapit lang naman. Ipinasya ko na maglakad na lang pauwi na ang tanging dala ay ang isang pitaka na ang tanging laman ay isang pirasong papel na may kumbinasyon ng mga numero.
Hindi ko na napanood ang resulta. Masyado na kasi akong napagod sa trabaho kaya bagsak ang katawan ko. Kaya siguro maaga akong nakatulog. Kinabukasan sa trabaho. nakita ko si boss nagbabasa ng diyaryo. Xerex. Tumitirik ang mata.Hindi ko alam kung bakit.Tapos umiling siya.Hindi nanaman daw nanalo ang inaalgaan niyang numero sa lotto. Hindi daw siya titigil hanggat hindi siya nanalo. Kaya matapos niyang basahin hiniram ko ang binabasa niya. Try ko lang patirikin ang mata ko. Pero nagnakaw ng attensiyon ko. Ang headline, May nanalo na daw sa lotto na nagkakahalagang 600 000 000 Php ang jackpot. Tinignan ko ang kumbinasyon ng numero at parehas na parehas din iyon ng kumbinasyon ng numero na tinayaan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Napatalon. "Nanalo ako! panalo ako" ang mga salitang sinisigaw ng utak ko pero hindi maibigkas ng aking mga labi. Baka kasi may makarinig. Baka kasi hindi na ako makauwi ng buhay at pag-intirisan ang winning ticket ko.
Maaga akong umuwi sa bahay. Nagpalusot na lang ako sa boss ko na hindi maganda ang pakiramdam ko at kelangan kong magpahinga. Pagdating sa bahay wala pa rin akong pinagsabihan. Palihim kong binuksan ang internet at pumunta sa tube8. (wag mo na puntahan yan!!) at nagpalipas muna ng sandali. tapos hinanap ang website ng PCSO. Inalam kung paano magcclaim ng jackpot. At kinabukasan nagclaim ng palihim.
Akala ko okay na ang lahat. Hanggang sa lumabas ang balita na taga sa taga amin ang nanalo sa lotto. Kinabahan ako, Natakot. Ayoko na may makaalam na nanalo ako sa lotto.Hindi nagtagal may dumating na na media sa aming bahay. Hindi ko alam kung papaano nila nalaman pero halatang may alam sila. Hinahanap nila ako. Nanghihinge ng statement kung ano ang gagawin ko sa napanalunang salapi. Kumalat ang balita. Parami na ng parami ang mga tao sa labas ng aming bahay. Nangyari na ang kinakatakutan ko. Alam na ng lahat. hindi lang sa bayan namin kundi sa buong Pilipinas.
Hindi na nawalan ng tao sa harap ng bahay namin, Hindi na rin ako makalabas. Maraming tao. Mas marami pa sa mga pumila nung kasagsagan ng mataas na pa ang premyo sa lotto. Ma mga maysakit, may mga nasunugan, may mga nagugutom, merong mga ibait ibang problema. Araw araw, Ibat ibang mga tao pero iisa ang pakay. Ang maambunan ng konting swerte mula sa biyayang napagkaloob sa akin..Naisip ko, Premyo ba talga ito? o parusa? Kaya para matapos na ang lahat. Humarap na ako sa public. Sinabi ko ang plano kong pagdodonate ng aking napanalunan sa (http://www.blackpencilproject.org/) at (http://isangminutongsmile.blogspot.com/). Magtitira lang ako ng konti para sa akin mga 50 million. Ramdam ko ang paglakas ng mga bulungan. Nagkislapan ang mga kamera ng mga taga media. Naguluhan ako kaya bumalik sa loob ng bahay.
Hindi nagtagal at ginawa ko na nga ang pagdodonate. IBat ibang reaksiyon ang aking natanggap. Merong mga palakpakan galing sa mga taong humanga sa desisyon ko. Marami ang natuwa. Isa daw akong anghel na nakatawang tao. Lalo akong sumikat. Umani ng maraming papuri, local at international. Nabansagang bagong bayani ng henerasyon. Nabigyang nagbreak sa showbiz, Niyaya na sumali sa susunod na eleksiyon. Kung hindi endorser ay kandidato. Marami ang umidolo.
Tanggihan ko man, Marami rin ang hindi natuwa. Hindi ko alam kung bakit. Marahil siguro hindi nakaabot ang tulong ko sa kanila. Marami na rin akong natanggap na pagbabanta. Kikidnapin daw ako. Nagtataka ako paano mangyayari yun? matanda na ako dapat adultnapping na okaya naman rated r-napping na. Kaya naman nagpakalayo layo ako. Ginamit ko ang natitirang 50 million Php para makapagsimula ulit. Namuhay ng simple at malayo sa talim ng kuko ng gulo ng kasikatan.
Dalawang dekada ang lumipas. Muli akong nagbalik. Maraming pagbabago. Maliban sa dinikit kong kulangot sa pader nung bata pa ako. Nag-iba lang ng kulay pero matibay pa rin ang pagkakadikit. Maliban dun. Nagbago ng lahat. Nakita ko ang school na ipinangalan sa akin. Dun siya nakatayo sa street na ipinangalan din sa akin. Malapit dun , napansin ko ang isang pulubi na may hawak na bente . Nakapila at mukhang tataya sa lotto. Tinitigan kong mabuti. Parang pamilyar kasi. Tapos kinausap ko. Napag-alaman kong siya pala yung dating boss ko na mahilig magbsa ng xerex.
Napatulo ang aking luha. May mga taong swerte at meron din minamalas. Nagkataong ako yung sinuwerte at si boss ang minalas. Kinabukasan bumalik ako, Para magbigay ng konting tulong sa boss ko. At duon sa lotohan ko siya nakita.
Habang hawak hawak ang lotto ticket at tumutulo ang luha. napasigaw siya ng
" SA WAKAS NANALO NA RIN AKO"
48 comments:
beys.. teka, bihira itu.. hehehe
akala ko same story siya ng lottery ticket nung high school ako.
di din ako naniniwala sa swerte at malas eh
pero madaming nagbabakasakali talaga na sa pamamagitan ng 20 pesos ay pwedeng maging milyonaryo.
ikaw na, ikaw na ang sikat at may sariling kalye na nakapangalan
seryoso na, maganda pa rin na samahan ng pagsisikap ang bawat laban sa buhay, di naman araw-araw lotto ang buhay eh.
be blessed sir marvs
@ len- yehey base ka
@ kuya pong- meron nmn eh. mapagduda ka.hhahaha
hays, after a year natapos din.. grabeh, sana ako yung nanalo, badly needed.. hahaha
galing pa rin talaga magkwento, ang bait talaga :)
at ang tagal kong absent dito., ang dmai kong namiss na magagandang kwento.
@ len- oo nga mahaba? haha titignan ko kungmay magbabasa b? bwhahaha
@ ate leemi- miss n nga kita eh. ok lng po yun ang mahalaga friends tayo. hehe. salaat po sa papuri
Maganda yung flow ng story a... Akala ko may punchline sa dulo... nakakakilabot--hindi usual post. hehe... pero binasa ko buo... akala ko nga talaga kasi may twist na joke pero ibang twist pala. pero maganda :)
hindi masamang maghangad ng kaginhawaan kaso minsan yun din ang nagiging mitsa ng buhay... siguro alam naman ni Bro kung kanino niya ibibigay ang pinapangarap nating lahat na jackpot...
Sana nga ate joyo marinig ni Bro ang pangangailangan ko sa jackpot. Lol
nakakatakot yan. Iniisip ko, pano kung yung pcso official ay magka-interes sa napanalunan ko? Edi isang sniper lang todas na ako.
Pero hinde, OA ng iniisip ko. Haha. May nanalo na nga ba?
natuwa naman akong kasama ang isang minutongsmile sa magiging beneficiary mo pag nagkataon hahahaha..
galing galing talga.. :P
Salamat kiki sa post na to...Ayoko na pala manalo sa lotto!!!Hahahaha!
balang araw mananalo din ako. kala mo ikaw lang. tse! LOL!
pag ako nanalo sa lotto, papagawa ko ng clubhouse ang ublog. hehehehe
alam ko one time may nanalo ng lotto na pinatay, di pa niya nakukuha yung premyo niya.
may nanalo na ba?
nakakatakot pala manalo sa lotto lalo na ganito kalaki ang jackpot...nakakatakot ang mabuhay...delikado pala...
weee.. and they live happily ever after the end... ganda ng fairy tail nato... kala ko may nanalo na talaga.. wahehehe....
@traveliztera- weeehh? promise? binasa mo talga? hahaha. nang aaway eh noh? ahahaha. salamat sa papuri ^_^
@ate joyo- hahaha. maraming salamat po sa pagbabasa. gusto ko lang mapagod yung mga readers eh. hahaha. sumakit ulo ko sa pagawa nito kagabi. haha
@lababo- welcome sayo lababo nas sikat na sikat salamat at napadalaw k dine. hehehe
@yanah- oo naman. hehehe. totoo ang kwentong ito ay ang iniisip kong mangyayari sa akin kung sakaling nanalo ako. hahahaha..
@ungaz- wahahahaha. oo kaya wag n kayo tumaya ng lotto bigyann yo n lng ako nag tagbebente. hahaha
@chikletz- bwahahahahaha.. ate chikletz welcome back ^_^
@ bino- hehehe. magnda yan. tapos may bayad ang entrance? negosyante?
@gillboard- hahahah. yun lang.. wag nmn sana maulit un.
@moks- oo nga eh. kala natin magiging madali . lalo na may kasabihan ang perang nakuha ng mailisan mabilis ring mawawala
@kikomaxx- hahaha. oo nga. bitin ang kwento dahil pagkatapos nun. inatake siya sa puso
I thought totoo tlga ang post na 'to! Kung ako ang nanalo, wala tlga me plano anong gagawin sa pera,! Pero kung ganyang cases, na yan na kalaki ang premyo, I prefer 5mil lang kunin ko, pde ba un? Ahehehe
Pero upon reading, you did well! A nice output indeed pareng Mharvz! May matutunan ka tlga!
shocking ang malaman ng buong bansa na manalo ka ng limpak na pera. kuyog to the bones ang mangyayari.
moral lesson ito para sa mga taong mahilig tumaya sa lotto....tulad ng nanay ko!sana nagkatuluyan na lang sila sa huli, para tlagang mayaman na ung boss..may konting dugyut pa?haha
in reply sa post mo sa site ko,i'm only 18. wag naman. hahaha. and, palagi akong nakahanda. hahaha, so bring it on!
Haha ano ba yan kayo-kayong magkakailala ang nananalo! Hahaha namulibu ang boss mo kakabili ng Xerex!!! At naku, pinayaman mo lalo si Lord CM!!!
may 5 ka pang di nirereplyan
tandaan mo mapaparusahan ka
@jhiegz- talga sir? ano pong lesson? bwahahahaha. joke. hahaha. cge na. maraming salamat
@ khantotantra- yap hnd natin masasabi kung ano mangyayari
@greta- waaaaaaaahhh. pano mo nasabi na magkakatuluyan sila? eh pareho silang lalaki. hahahaha. sabagay wala akong nasabing kasarian. hehe
@ester enaje- wahahaha. talga lang ha? hehehe
@glentot - hahahaha. natawa ako s acomment mo ah? hehe
@ kuya pong- bwahahahaha. nagbabantay? hahahaha.
yong comment ko kay leah na sana may instant yaman. ito ang sagot. nakakatakot naman kung ang lahat ay biglang magbabago at magiging complicated. parang makuntento na lang kung ano ang meron though wla namang masama kung manalo ka at ipamahagi mo ito sa lahat for example sa lahat ng folower mo ng blog. ang saya.
natuwa naman ako dito... sana manalo ka nga sa lotto!!! balato ko ha! =) bayad sa mga ninanakaw mo na pics haha
@ dianmond r- hehehe. tamaaaaaaaaaa. astig po. welcome back sir ^_^
@ roanne- bwahahaha. may bayad b talga? huhu magiging mahirap pala ako nito..haha
-kikilabotz
naks umiikling kwento ka na!hahahah!
ewan ko ba, sa totoo lang kahit mag-isang bilyon pa yang lotto na yan, hindi pa rin ako tataya! walang amor sa akin ang instant money!naks!
Ingat
Paalala lang po, Wala pang natatanggap ang Isang Minutong SMILE na donasyon mula sa inyo lolzz
@drake- isang maikling mahabang kwento. hahahahaha
@lordcm- pakicheck nga po ulit? bwahah
Hello Kiki! Pang ilan na ba ako? Hehe.. Absent asko kahapon kasi merong pinuntahang bday party. Tsk! Panghuli yata ako.. Ayan kasi, ayaw maging unang commenter, naging panghuli na lang.
Fiction tong story mo diba? Pero mukhang meron na tlagang nanalo. Hmm.. Andaming kwarta. inggit nako. Hahaha...
AT nang dahil lang sa isang bente pesos, ay nagkaroon na nag limpak limpak na salapi.. 700 plus milyong piso. Waw! At nang dahil din dun, ay napilitan kang magpakalayo layo at magtago nang 2 decades. Waw ulit!
Ganun siguro talaga ang buhay.. meron talagang naaambunan ng swerte, meron naman inuulan ng malas. Pero sana nga lang, hwag tayong umasa masyado sa swerte. Though it's okay to know na meron tayong mga options na INSTANT, eh mas mabuti pa rin yung pinaghihirapan.. =)
P.S.
Matanong ko lang Kiki, diba aabutan mo ng tulong ang dati mong boss.. eh since nanalo sya sa lotto, bibigyan mo pa rin ba? hehe..
patuloy na nagmamasid
may isa ka pang di nareplyan.
magbabantay ako 24 oras
bwahahahahaha
adooooy!
@ ate leah- bwahahaha. salamat po sa napakahabang comment. . wahahaha nagkwento lang po ako nito para wala ng tumaya sa lotto para ako n lng hehehehehe. salamat po ulit
@ kuya pong- ayan wala na. hehehe
nalito ako sa pangalan niyo ni kikomax. tsk tsk. yah! 18 pa lang ako.
whaha grabe naman to....... pero ang laki ng price ha 700+m grabe...... inggit ako sa nanalo :D
Hindi ko binasa, makaganti man lang ako sa iyo. Bwahahahhahahaha!
3 pa ang hindi narereplyan
nagbabantay 24 oras
bwahahahahaha
Pambihira! Ang dami naman dinonate sa mga foundation. Dadalawa lang? Haha. Dapat sa mas marami pa. Tapos ibinalik mo sa simbahan yung iba. Blessing un eh, dapat ipagpasalamat. Tinotoo? Haha. Joke lang.
Nice post. Keep it up. Blog on!
balato naman dyan pre hahaha
taga olongapo ka ba? baka nagkukunyari ka lang pero totoo pala. :D
swerte ng makakakuha non!!! malamang maloko yun sa dami ng pera na hawak..ahahaha useless din!!!
isang beses pa lang ako tumaya nyan..nong nag jackpot ng €65 milyon sa Italy...sus tumaya pa lang ako eh para na akong maloloka kakaisip kung saan dadalhin ang pera kung sakaling manalo ako...ahahaha
nakakatuwa naman to..:)
kagaling naman ng kwento, naghintay ako ng punch line sa dulo pero wala. serious? haha!
@ester- hnd po ako yun. sikat po si kikomaxx samantalang ako musmus lang. hehehe
@axl- oo grabe. nice nice salamat sa pagbabasa. hehe. tama po b? hehe
@salbe- wahahaha sikat k na
@yow- hahaha. nagpromote lang ako ng dalawang foundation. affected?
@simplysaychees- hahahaha. cg cg. abangan
@pokwang- wahahahaha. iniisip ko kung nasan n yng nanalo talga eh. hehe.
@renz- uu nga nakakatuwa
@dhang- wahahahahaha. naubusan ako ng punchline eh. hahaha. dapat yung hindi expected.
-kikilabotz
Post a Comment