Sunday, October 31, 2010

sulong nurses

Simula ng ipinanganak ako hanggang sa bago ako pumasok sa kolehiyo. Kahit  minsan hindi pumasok sa isip ko na magiging nurse ako. Isang araw nagulat na lang ako, Pagtingin ko sa salamin nakita ko ang aking sarili. Tama si Mama. Ang kyut kyut ko nga pala talaga. Parang puwet lang ni Scooby Doo na nagcostume ng  kulay puti. At  ayun Isa na pala akong ganap na nurse.


Pero hindi ganun kadali.  Maraming mga kwento, Ibat ibang mga storya, at mga hindi kapanipaniwalang mga pagsubok ang aking napagdaanan. haha kelan ba may naniwala sa kwento ko? bwahahaha.

Mahirap ang naging kalagayan ko ng studiyante pa lang ako. Madalas nga hindi na ako nagbbreak dahil sapat lang ang baon na binibigay ng mama ko. Sapat lang para sa pamasahe sa taxi at pangkompyuter ng open time . Kaya kapag nagugutom ako pumupunta na lang ako sa aleng nagtitinda ng mani. Makita ko lang ang mani ni ate nabubusog na ako. haha


 Dahil isa akong anonymous blogger. Hindi po ako magpapakita ng mga letrato ko ng sobra sobra. 

BABALA ANG MGA SUMUSUNOD AY MAGPAPAKITA NG AKING MGA LARAWAN.

NAKAKASUKA.
Eto ang itsura ko ng studiyante pa lang ako. haha. gwapo pa ako niyan. Kung tatanungin niyo ako kung ano nangyari at bkit nagkaganito ang itsura ko ngayon. hindi ko din alam. pugelshit talaga. haha
                                                     



wala lang sinama ko lang to , parang ang kyut kyut ko kasi dito eh. bwahahaha mukhang may mga hepa ang kasama ko dito.

 


hindi naman halatang  nasa bilyaran kmi?


matapos kong magtapos sa pagaaral at maakapasa sa board exam. akala ko magiging madali na ang lahat. pero nagkamali ako.Umpisa lang pala ito ng bagong yugto ng aking buhay. Wala akong mapasukang trabaho. hindi kasi ako nagaapply. haha. kaya nga pumasok ako ng trainning sa isang hospital.  duon







BAWAL ANG PATXT TXT LANG




siyempre kelangan itxt si soulmate. haha




BAWAL ANG PAKAIN KAIN LANG
minsan sa sobrang busy hindi k na nga makakain



BAWAL ANG PATAMBAY TAMBAY LANG
BAWAL UMUPO SA JEEP
xensa walang maisip eh. hahaha






BAWAL ANG MARUMI ANG SAPATOS

OK fine. sa akin na ang madumi
Sa kabila ng maraming bawal, mas masarap gawin ang bawal kapag Sama sama.

Dahil holloween ngayon, merong ring Syempreng nakakatakot na storya sa hospital ito po ang katibayan

Kapg nasa ward ako at night duty madalas ako nakakaramdam ng kakaiba. 












hindi sinasadyang makunan ng camara ang isang white lady. Tignang mabuti ang larawan sa itaas na may arrow na kulay pula.

eto pang isa



Muling masdan ang babaeng may arrow na pula







Nakakagimbal hindi ba? Huwag kang mag alala. Masama lang talga ang ugali ko.Nagiimbento lang ako ng kwento. Patient lang siya. Nahospital kasi sinisinok.


tama na ang paligoy ligoy. hahaha. kung umabot kayo dito malamang nakaisang baldeng suka na kayo sa mga pics ko. hahahaha. pero eto ang importante


kanina habang nagiikot ako sa mundo ng facebook, may nakita akong isang event.  isa po siyang fun run para sa mga nurse tulad ko. at ito po ang knilang layunin.


http://www.facebook.com/home.php?#!/event.php?eid=104828959570252
http://www.facebook.com/home.php?#!/event.php?eid=104828959570252


STOP MAKING NEW NURSES PAY HOSPITAL FEES!

Join the FIRST and BIGGESTNURSE FUN RUN Para sa Kinabukasan ng mga NARS! December 5, 2010, CCP Complex, Manila

The event aims to:

1. Promote good health and wellness through a fun activity among nurses (students, graduates, licensed nurses)

2. Foster camaraderie and the spirit of helping each other in the quest for good opportunities in the nursing career

3. Raise awareness on the “challenges” facing nurses in the country:

- Not enough jobs for thousands of registered nurses (approximately 300,000 unemployed licensed nurses)

- The volunteering and unpaid on-the-job training for nurses where instead of being paid for work, they instead pay hospitals to gain experience

- Low salaries of nurses.

tatakbo po ako diyo. see yahh. ^_^


45 comments:

EngrMoks said...

Mabuti naman tol at hindi ka nagtrabaho abroad kahit na mas malaki nag kita dun...papaunti na kasi ang nurse dito sa Pinas... saludo ko sayo (bolero) hehehe

Masarap maging nurse, 2nd option ko yan dati nung nag-aaply ako ng college...kaso walang nursing course sa school namin

Anonymous said...

walangya, nagzoooom talaga ako sa pic, wala namang white lady! lol!

i admire nurses and doctors. kase ako alam kong hindi ko kaya yon. kaya cheeeers to all the nurses in the whole wide world!

=)

2ngaw said...

kagandang white lady nman nun :D

khantotantra said...

akala ko talaga may sighting ng white lady :p

Trainer Y said...

sabi ko, TAO naman un eh! hahahaha adik ka!
natutuwa ako sa mga petyurs mo nuon, mukha ka pang matinong tao hahaha..
PGng-PG ang dating nung lumalamon. hahahahaha
cgeh na nga anonymousE blogger ka na! :P

Pong said...

Fun Run pala ito,
bakit fun run ang tawag?hihihihi
great advocacy
Sulong Nurses!

be blessed sir marvs!

YOW said...

Gusto kong sumali kahit student nurse palang ako para naman pag RN na me, wala ng bayad ang pagvolunteer. Malay mo umepekto tong fun run na to. Hahahaha.

BatangGala said...

wahahaha:)) ang kulet! si manang buhay na buhay pa ginawang ghost. haha:)) at dahil po sa entry na 'to, nalaman kong, pwede palang ipaospital ang sinisinok. LOL!:))

Anonymous said...

mantakin mo un! nurse ka pala haha.. well I despise nurses kasi lalo na yung mga nagpupunta lang sa abroad.. medyo nakakadegrade pero naalala ko hindi lang pala lahat gusto mag-abroad. swerte mo nakapasok ka sa mga ospital dito.. medyo.. lamo na.. feeling kasi ng mga ospital dito high-class kaya pahirapan cguro makahanap ng trabaho mga nurses dito.

yun lang naman po tingin ko. *bow*

happy halloween :) ayos mga pix

Pordoy Palaboy said...

nakakarelate ako sa kwento mo dahil isa din akong nurse.

totoo na mahirap na maging student nurse dahil bawat maling galaw mo ay may katumbas na "IR" or "extension."

marami din akong mga kakilakilabot na experience habang nagtatrabaho sa ospital...

Anyways, gusto ko sanang sumali sa fun run kaya lang andito ako sa cebu. kaya Sulong Nurses nalang

Jepoy said...

Ang payat mo pala dati. Lagot ka! Kahit hindi nurse pwede naman siguro sumali sa fan run diba? LOL kelangan ko kasi mag run pero wala akong fun sa pag run. Run lang ng run...

Ungaz said...

wwwooooaaahhh!!!Imba picture.ung pngalawa prang imba sa patilya!o headset un?hahaha!mukang patilya e.

Gusto ko man sumali jan at isa ko sa mga nurse na inaalipin ng libre(bitter?) e kalayo ko...langya!hahaha!Itakbo mo nlng ako.MABUHAY ANG MGA NURSE!!!!

gillboard said...

imperness sa white lady mo ha. maganda siya. hehehe

Anonymous said...

medyo nakacenter stage ka nga ngayon... wahehehe

glentot said...

Ikaw na! Napaka-anonymous mo talaga sa blog kakainggit.

Pao said...

Wow. butihing nurse. hehe. Will pray for every nurse around the Philippines. hehe

Anonymous said...

Nice work Mr. Nurse! I admire nurses. Most of my high school friends are now RNs and I'm so proud of them. Way to go sir! :]

Traveliztera said...

bawal nakaupo.
lahat nasa may station charting2x... kalat ang drug handbook at nanda kung san2x
casepre
research
sige lang. bring it on!!!

at ansama mo sa kaklase mo. buti d kita naging kaklase.

p0kw4ng said...

super anonymous mo nga...hihihi pupusta ang na makikilala na kita pag nakasalubong kita sa daan sa sobrang anonymous mo,hihihi

John Bueno said...

Hahahah tama si glentot napaka anonymous mo nga hahah

Keep it up! LOL

salbehe said...

Nakadalawang baldeng suka kaya ako. :)

Anonymous said...

kay kyut mo naman pag nakaputi..sariwang sariwa!hahah

Renz said...

WAHAHAHA
ANONYMOUS na pala ngayon ang ganyan. Sige . HAHA
kawawa naman yung manang giinawa mo ng multo XD

Axl Powerhouse Network said...

whahha totoy na totoy ka pa ha hehe...
ang daming bawal ha.. pero sabi nga nila masarap ang bawal di ba heheeh :D pasaway ka na bata ha "D

Rico De Buco said...

kelan tau tatakbo kumpadre? hehehe.. wow, namis ko naring mgpractice ng profession ko.namis ko narin magputi..

babalik na ko lol abangan.hehehe

Yna said...

nurse ka pala. congrats sa pagpasa sa board. isa ka ng ganap na RN. although takot ako sa nurses kasi usually hindi nagkocollapse ung veins ko pag nilalagyan ako ng dextrose. be the best you can be! :) go marvin!!!!

Hikikomori said...

haha ampogi a!

Khateharlii said...

aning k tlga.. run marvin run!!! aus to aus.. magic magic ng vital signs

kayedee said...

pansin kolang. bkit puro babae ang mga ksama mo bestfren? ahahaa
yup alm ko nman n npakasipag mong bata e kya naman thumbs up ako sayo :))
hamishu! ingat plge!

Madz said...

kawawa naman si ate ginwa mong multo... hahahaha hindi ka rin pasaway ano. lahat ng bawal ginagawa :))

ayun oh tatakbo siya, abangan na lang kita sa finish line..hahaha kapagod eh

krn said...

sulong nurses! gusto ko post mo na ito, di ko alam kung bakit.. lol

darklady said...

totoy na totoy ka sa picture mo ah! hehehe. buti hindi nagawi si dark lady dyan sa hospital, si mareng white lady lang.lol

bulakbolero.sg said...

so ikaw na ang nurse?

Diamond R said...

laman ako ng ospital nitong nakaraan araw dahil sa isang aksidente.

masyado akong thankful sa mga nurses doon lalo na ng mga pinoy.

pinaramadam nila ang kanilang pagmamahal hindi lang trabaho.

thanks for all the nurses. at sayo.

darklady said...

hoy may award ako sayo sa blog ko. paki visit na lang. ^_^

Anonymous said...

hindi nman nakakasuka eh. ew... hahaha. joke. nagenjoy ako. buwisit yung pic sa multo kala ko totoo ako pa man din magisa dito sa opis ngayon. badtrip. hhehee

Dhianz said...

mas wafu kah nung nde ko pa nakikita pix moh.. lol... nde na kelangan sabihin u know u look pretty wafu urself... anyhoo... nde koh tinignan last pix... fake man or real.. don't wanna scare myself... well.. hmmm... gudlak hope u'll get a job as a nurse pretty soon... nd congatz kc nurse ka nah... tc parekoy... Godbless!

jec mendiola said...

ganda naman nung white lady :D

Jag said...

hahaha hndi nmn white lady un hahah adik! bagets na bagets ah hehehe...

goyo said...

masama nga pala talaga ang ugali mo. hahahaha. gawin ba namang white lady ang walang kamalay-malay na tayo..

ang masarap sa nursing ay kapag istudyante, ang daming chiks! syet!

maraming salamat sa pagbati parekoy.. :)

Tsiremo said...

Ayan binasa ko na amp, natutuwa ako sa mga nurse, lalakas ng loob..sanay na kase ako makuhanan ng dugo, like when having blood, cbc etc wala lang,so matagal ka na palang nurse as in years na? hehe :)

Mabuhay!

zebzeb said...

nice my first time here pare... nice nice... i also have the same concept like your post... pls visit me back...

by the way i'll add you up on my blogroll... i hope you do the same :D

Arcee Busy said...

wow i love nurses hehehe. gogogo nurse!

L.Torres, RN said...

naks may nars. hehe.
(oo napo matagal nang post ito, e ngaun lang ako napadpad dito kasi...)

i-stalk nga kita... hihi.


:)

Daemonite said...

napadaan lang... at im sure dadaan uli ako hehe...