Wednesday, October 20, 2010

Balikbayan box

Naalala ko. Batang bata pa ako nun. Naglalakad pauwi galing eskwela,  Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kapag akoy napapatingin sa nakatatak na star sa aking kamay. Kahit simple lang para sa akin nagnining-ning ito sa ganda. Gayang gaya ko nga yung  star ng clasmate ko na nakaperfect ng quiz. Ok lang kahit peke basta may star. Ayos na. 


Pagdating ko sa may gate, Andun si mama. Nakatayo at nag-aabang sa aking pag uwi.Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya at nagmano. Tapos, Tinanong niya ako " anak kamusta ang eskwela?"

Siyempre mayabang ako kaya sinagot ko siya " Ma, Ang galing ko po, Sa aming magkakaklase ako lang po ang nakasagot sa tanong ni teacher. Galit na galit na nga si teacher wala pa rin makasagot."

Napangite si Mama, at sinundan ako ng tanong "Ang galing naman ng anak ko. Ano ba yung tanong ng teacher mo?"

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinabi ko na ang tanong " Kung sino daw po ang walang assignments."

Matapos nun. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakakapagtaka kasi maraming tao, Marami ring handa. Lahat nagkakasiyahan. Kaya tinanong ko si mama.

" Ma, sino pong may birthday?"
"wala naman anak" sagot ni mama
"eh ano pong nanyanyari" makulit kong tinanong ulit
"Si Ninang mo, Yung ate ni Papa mo? aalis na pupunta ng amerika" tugon ng aking mama
"pwede po ba akong sumama" aking tinanong
"Hindi pwede anak, Matagal pa siya babalik" sagot ulit ni Mama

"Matagal? Eh bakit po kayo masaya?"

Hindi ko na masyado maalala ang sinagot sa akin ni Mama. Basta ang naalala ko lang. Masarap yung handa naming spaghetti. Wala ng iba


Habang kumakain ako ng spaghetti naisip ko, Kaya siguro pupunta si Ninang sa Amerika kasi single siya ng mga panahong iyon. Mas malalaki daw ang sa mga Amerikano kesa sa mga Pilipino. Mas malalaki magpasahod.

After ilang months, Tinawag ako ni Papa. Bilisan ko daw kumuha ng ballpen at malinis na papel na pang grade4. Susulatan daw namin si Tita ninang.Kaya nagmadali akong iabot kay papa ang dala dalang ballpen at papel na panggrade4.

PAPA: Bilisan mo, hubarin mo na yang tsinelas mo at ilapit mo na dita yang paa mo.
AKO: Hala? bakit po PAA? kelan pa po naging legal magsulat gamit ang paa?
PAPA: basta.

Sabay inilapit ang papel.Ipinatong ang paa ko dito at sinimulan na gumuhit. Ginawang pang-gabay ang paa ko para maipadala ang eksaktong laki nito. Huwaw! Nakakaamoy ako ng isang bagong sapatos.

Ilang mahaba habang hintayan ulit ang naganap. Sa wakas dumating na ang inaabangang balikbayan box. Natural masaya nanaman ang lahat. Tumingin ako sa kaliwa, Si Ate may bagong bag. Huwaw!!. Tumingin ako sa kanan. Si kuya may Gameboy. Huwaw!! Tapos tinignan ko yung para sa akin. Huwaw!! Muntik na akong magmura. Isang tumpok ng medyas. Huwaw na huwaw talaga! Tapos tumingin ako sa likod. Yung isa ko pang kuya. may bagong relo, may bagong baseball cap at isang bagong kontrobersiyal na rubber shoes. Hanggang ngayon pakiramdam ko may anumalyang nangyari.

Lumipas na ang maraming taon. Matanda na ako. Pero kyut pa rin daw. Nakapag-asawa na si Tita. Nakapagpatayo na rin siya ng sarili niyang bahay dito sa Pilipinas.Marami na rin siyang napagtapos ng pagaaral sa aming magpipinsan. Taon taon umuuwi siya dito sa amin para magbakasyon at magpakasaya.At masasabi ko Tagumpay ang journey niya sa ibang bansa

Marami sa atin ang nagsasabing mahirap mangibangbayan at magtrabaho dun. Mapalayo sa pamilya at mapalapit sa tukso. Madalas makakaramdam ka ng pangungulila. Lalo mo mararamdaman ang pagod. Iiyak ka, luluha, masasaktan. At darating sa  point na gugustuhin mo ng sumuko

Ang totoo. Mahirap naman talaga. Wala naman nagsasabing madali. But the good thing is. Marami tayong magagawa para matulungan natin ang ating mga mahal sa buhay na nangibang bayan. Para makalagpas sa pagsubok ng kanilang mga pangarap. Kapamilya natin sila. At iparamdam natin ito.

Kapag nangungulila sila? Be there.Makipag SOP (Singing On Phone) Makipag-usap sa telepono o kaya naman mag internet. Iparamdam mo sa kanila na hindi sila nagiisa.Magkwento ng mga kaganapan sa buhay mo.  Malayo man tayo sa kanila. Nandun  naman ang presensiya natin. Nakaalalay. Sumusuporta.

Kapag nagbigay o nagpadala sila. Be happy. Ngumiti at magpasalamat. regardless of what  or how much it is. Dont make them feel na responsibility ka nila. Be their motivation. Be their inspiration. (nagpapanggap lang ako ng ingleshero. pasensiya naman)

Kapag gusto na niya sumuko. Sabihin mo sa kanya hindi naman siya holdaper. Wag siyang sumuko. At ipaalala mo sa kanya na si God ay laging nariyan. At hinding hindi tayo papabayaan. Na ang problema ay parang amoy lang ng utot. Lumilipas rin.

Love. according nga sa kyut na blogger na si kikilabotz.  Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo. Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.

Saludo ako sa mga matatapang at matatatag na OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Nang dahil sa inyo, Nang dahil sa mga kagaya ninyo. May isang blogger na nakapagtapos sa kursong narsing.At ngayon ay isa ng profesional. God bless us all

Salamat ninang, salamat tita, salamat sa babaeng tinuturi kong pangalawang mama. haha totoy pa ako dito. oh yeaahh!! 





40 comments:

mr.nightcrawler said...

nice parekoy. naalala ko tuloy nung bata ako.. parati akong may star na gawa sa colored paper na ankadikit sa noo ko. bibong bata ako nuon. hehe. hindi ko talaga inaalis hanggat hindi nakikita ni mama. saka naniniwala din ako sayo na parang may anumalyang nangyari dun sa sapatos. hehe.

Anonymous said...

aaawww.. ang cute ng entry mo.

masarap sa pakiramdam ang thank you. pero mas masarap sa pakiramdam ang thank you na may kasamang i'm proud of you. ramdam ko kung gaano mo ipinagmamalaki ang tita ninang mo.

kung ako siguro sya, baka hindi ka na nakahinga sa yakap na ibibigay ko sayo ngayon. am sure she's one proud "second mom".

Tristan Tan said...

This is sweet.

p0kw4ng said...

huwaw ang sweet naman! sana mabasa ng tita mo ito...para malaman nya ang pagtatampo mo sa medyas..hihihi

-=K=- said...

No kidding pero natouch ako sa kwento mo. Maswerte ka at merong nagpa aral sayo. Nafeel ko ang love at gratefulness sa post na to kahit dinaan mo sa patawa. Nice post Marvs!

glentot said...

AHHHHH first sentence pa lang alam ko na agad na entry ito sa PEBA!!! nakkaainggit naman ang mga sumali heheheh good luck sa entry mo...

DRAKE said...

sabi na nga ba PEBA ito heheh! Nalkakalungkot mang isipin na minsan sa ibang bansan pa tayo nakakahanap ng ikagiginhawa ng buhay natin, pero ganun talaga eh.Pero ang lahat ng bagay ay may kapalit din!Tulad naming OFW ang bawat dolayr na pinapadala namin ay katumbas ng luha at pawis namin!hehehe

Naks dumadrama!heheh

Yung wacky pic ko ha!

Ingat

2ngaw said...

Iniimagine ko dati na pag sasali ka sa PEBA, magbabago ang style mo sa blogging, kasi mga entry mo parang hindi seryoso pero eto ka oh! nakagawa ng astig na PEBA Entry gamit ang style mo sa pagbabablog, galing pre! :)

"Kapamilya natin sila. At iparamdam natin ito.?" dito lang, masaya na ang isang OFW, makakakuha na sya ng lakas jan, ng inspirasyon, ng pag asang magkakasama sama uli ang magpapamilya :)

Salamat sa entry mo parekoy

Pao said...

Yay. It's nice to hear something soft from you. Nice entry.

Null said...

Talaga namang naisingit pa ang kakyutan ni kikilabotz lol!

Gusto ko entry mo haha light lang :) i'll vote for u :)

Ungaz said...

aun naman...kalabn ni xprosaic.hahaha!hrap mamili ng panalo.makasali nga para wala kayong pag-asang mnalo.hahahaha!saludo ko sa inyo at sa mga OFW

-ssf- said...

haha ganyan din kami dati ng mga kapatid ko, ginuguhit yung paa ipapadala kay Daddy pero pagbalik ng sapatos maluwag pa rin kasi may allowance ang sukat hehe

Trainer Y said...

Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo. Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.

i really love this line....tama naman.. hindi kaya at hindi dapat masira...

salamat sa pagsali sa PEBA..

goodluck and Godbless!

see you on December 16!

Kaye said...

Madalas ka atang sumasali sa mga blog contest ngayon ah? Taas mo na pre! :))


Saklap naman na medyas lang ang nakuha mo. Sinukatan ka pa ng paa. Tsk tsk. Pero mas maganda yung napag-aral ka niya. Saludo ako kay Tita mo. :)

J. Kulisap said...

Uy si Marvz, nagjoin din sa PEBA.

Congratulations!

salbehe said...

Eto ang kwentong nakakakilabot! Ang seryoso mo kasi. Hahahahahaha! Wow! Very nice post.

Axl Powerhouse Network said...

oo naman sinu ang makakakalimot sa isang star :D
naalala ko rin yung grade4 paper whahaa... nangyari rin sa akin yun he..
Pero kyut pa rin daw. << ang lakas mo....
Kapag nagbigay o nagpadala sila. Be happy. Ngumiti at magpasalamat. regardless of what or how much it is. Dont make them feel na responsibility ka nila. Be theyre motivation. Be theyre inspiration. (nagpapanggap lang ako ng ingleshero. pasensiya naman)
<<< sobra totoo to...
Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo.
Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.<< wow.. nice line..

goodluck sa entry mo ha... wish you the best about the rest hhehhe :D
congrats :D

khantotantra said...

maanumalya ang medyas ah..., sosyal, bag, gameboy at relo sa mga kapatid mo tapos medyas ang sa iyo.

Pero atlist nagpadala ang mabait mong tita ninang. :D

Oliver said...

langya,medyas lang napunta sayo?haha
naalala ko, ginawa ko din yang pagttrace ng paa sa papel, haha. awa ng diyos e sapatos naman ang nabigay sakin,hehe.

Madz said...

wahahaha medyas lang??? buti ako nakatanggap naman ng sapatos :)

i agree na dapat kahit anong ibigay sa atin ay iaappreciate natin kasi hindi naman kung saan lang pinulot ang pinambili nila doon.Maaring may isang lunch o dinner ang hindi nila kinain para lang may maipadala.


Love your post ^_^ ikaw na ikaw!

Anonymous said...

galing wala akong maisip na comment kundi gudluck... hehehehe

Diamond R said...

kawawa ka naman naging biktima ng maanomalyang balikbayan box.Sana binalik mo ang isang tumbok na medyas sabay sabing..aanhin ang medyas kung walang sapatos- then walk out mode.

congrats sa entry mong ito.

YOW said...

Pakiramdam ko naman nga eh entry to sa somewhere at yun na nga. Parang nakakarelate ako. Haha. Pero ayus. Ang sweet. :) Nice one.

pusangkalye said...

bata kapa pala bastos na isep mo. bwahaha. malaki pala ha!!!lol

at nominated ka rin? naks----suhulan mo muna ako ha para vote kita.bwahaha

kayedee said...

ayieee ksma k dn :))
gudluck po!!
hnd ko binasa ang haba e!
ang skit ng ulo ko! ahahaa!!
bsta u knw ill support u :))
mwah!

Anonymous said...

tama!iparamdam na hndi sila nagiisa..kaya aq araw nagchchat sa nanay ko kahit nakakasora ba minsan...

naknangtuch affected ako!

Yna said...

ang sarap ng spaghetti...

great post marvin! hurray to our modern day heroes!

krn said...

ALA NA.. TALO NA TALAGA AKO! HEHHEHEHE JOKE, GALING NAMAN,KYUT PA NG PIC, PANAKAW HA, PANGWALLPAPER JOKE!

Pong said...

ayus!
be blessed sir!

pusangkalye said...

ayan . voted na kita...taggalin mo na picture. dali!!!!

citybuoy said...

aww.. napangiti naman ako dito. that's very sweet. at ang daming funny na banat. :)

we must never forget those who helped us get to where we are. sana mabasa ng tita ninang mo to. :)

halojin said...

nice post po.. haha yun pala yung tanong ni teacher ai. kung sinu walang assignment. kaya pka walang sumasagot haha kulet. nice one po.. ganun talaga ang mga ninang..

John Bueno said...

Pag sumali ako sa peba di ako mananalo... hehe mahirap magtagalog at humugot ng experience hehe try ko kaya hmmm LOL

Anonymous said...

Nice entry. Naalala ko tuloy yung lola ko sa Qatar. Nice blog, btw.

Dhianz said...

funny i remember dat nong nasa pinas kme madalas sinusukat ung size nang paa namen para sa mga auntie namen... para sa shoes... anyhoo.. congratz nurse ka na palah nd saludo sa tita moh sa tulong sa pagpapaaral sau... malayo pa mararating moh... gudlak... so yeah... ingatz nd Godbless parekoy =)

Renz said...

Nice pumePEBA ka na rin pala kiya :] good luck sa entry. Nakakakonek ako at mejo tinamaan aksi nagrereklamo pa ako sa package na pinapadala kasin..kasi naman,. haha basta :]
Good Luck ulit

BONISTATION said...

Goodluck kikilabotz!
PEBA #17

nakarelate ako dyan sa balikbayan box at sa pagsusukat ng paa gamit ang papel at ballpen! =)

khantotantra said...

Mukang busy ka lately ah... :D

Salamat sa pag comments :D

BatangMangyan said...

astig ng kwento mo, nakakakilabotz nga. at bilib ako naitago pa ang larawan habang kumakain ng spageti haha.

goodluck parekoy. at goodluck sa lahat ng nominees. matalo manalo, panalo pa din ang mga bayani ng bayan.

Anonymous said...

ganda ng imbento pre congratz talas ng imagination mo... hehehe