Sunday, July 18, 2010

unsent letter to my erpat

Pa,
Hindi ko po kaya sabihin sayo to ng harap harapan kaya idadaan ko na lang sa isang maikling sulat. Na hindi ko po  alam kung mababasa mo. Pa, Alam kong isa ka sa pinaka matinong tao na kilala ko. At dahil dun marami ang sumsaludo sayo.Isa kang modelo sa aming mag kakapatid. hindi nag yoyosi, hindi  rin umiinom.Pagdating naman sa babae.Syempre sayo kami nagmana alam na,Loyal at faithfull ang lahi natin diba? diba?  (ubo ubo) Ramdam ko ang pagmamahal mo kay mama. Walang kapantay. Kahit nga may edad na kayo nkikita ko pa rin ang pagiging sweet nyo sa isat isa. Na kahit minsan hindi ko nakita na sinaktan mo si mama, At  dahil dun proud ako sayo na ikaw ang tatay ko.

 Dati ang tanging bisyo mo lang ay utusan ako na bumili ng dyaryo sa kabilang kanto and then babasahin mo sa loob ng CR tapos paglabas mo magagalit ka sa akin. Sasabihin mo panget yung mga article at  maghanap ako ng medyo maganda ganda. Malay ko bang inquirer ang gusto mo kala ko tiktik.

Ngayon nag-iba ka na. Dinagdagan mo na ang bisyo mo. Madalas mo sabihin sa akin na huwag na huwag kong sayangin ang oras ko sa mga bagay na walang kwenta. Na hindi ko ikakaunlad yan. NA itigil ko na pag aadik ko.Pero bkit ganun? Kung kelan naman na medyo nakokontrol ko na sarili ko.  Nung medyo nabawas bawasan ko na.Ikaw naman ang nagpakaadik. Nainggit daw ba? Tapos nabalitaan ko pati si mama niyaya mo na rin sa kaadikan mo.

gusto ko lang sabihin sayo na

Pa,


Please lang..


Kung pwede Itigil mo na yang Pag FAFACEBOOK mo. 3 hours ka na jan eh. Lulong ka na.Sabi mo 30 minutes  ka lang jan. madaya ka!!.madaya ka.!!.Turn ko na...parang awa mo na Ako naman. huhuhuuhuhu. Kapag hindi mo ako pinagfacebook  ngayon. Sige ka ipagkakalat ko na yang primary picture mo ay kuha pa ten years before. o ano? ano?

60 comments:

khantotantra said...

May kaagaw pala sa pc. :D Nag-ga-games ba papa mo?

petitay said...

wow... cool si daddy mo hahahah... cge post mo ang pic niya hahahaha...

definella said...

naalala ko tuloy father ko, adik un simula pa sa friendster tas ngaun facebo0k na din.. may ginawa nga yung group eh.. haha


nakakainggit ka, sana naging loyal na lang din tatay ko, para di sila nagaway kahapon at para buo pa kami ngayon.

kayedee said...

ahhaha adik much! ahah.. ako nga mga bro lng kaagaw ko ang hirap na! ano p kya ang ermat or erpat mo?! nyahahaha... if i know ikw ang mahilig sa tiktik ahha.kya nga nabuo mo ang kwentong ipis eh! ahaha.. hamishu!

Pordoy Palaboy said...

ang dami na palang na aadik sa FB. nag fafarmville din ma erpats mo o kaya mafia wars? Ang dami mo palang kaagaw sa bisyo mo...

Anonymous said...

nakakanang!!!! kelangan pa talaga magsulat ng ganun sa papa nya wahahaha

glentot said...

Hahahaha 10 years before ampota walang laglagan hahaha

krn said...

wow, i like your dad. very techie. hehe

gillboard said...

pwede bang hiramin ko yanag liham na yan at ibibigay ko sa nanay ko. paggising ko, pag-uwi galing trabaho, bago matulog siya ang nagamit ng pc para magfacebook.

hay.

Pong said...

ahahaha may kakumpetensiya na si sir marvs sa paggamit ng pc/laptop ahahah

your dad is so cool.

sa langit kasi walang FB kaya for sure hindi alam ni tatay ko yun.

cool =)

be blessed sir marvs!

BatangGala said...

wahahaha:))) nakakareleyt ako dito, ganitong ganito din ang tatay ko. 24hours syang online sa facebook, pati sa selepown! tapos, may pagka stalker pa ang dating.haha:)))

NoBenta said...

gusto ko ring gawaan ng FB accounts ang peyrents ko kaso baka maadik katulad ko! bwahahaha

kikilabotz said...

@khantotntra- hnd xa nag gagames pero nkikipagchat lng sa mga old friends nya

@petitay- cool ba? hehe..xempre nmn

@ella- magkkaayos din sila..^_^

kikilabotz said...

@kayedee- wahahaha. oo nung bata ako mahilig ako sa tiktik..haha. joke.hirap talga at pasingit singit n lng ako


@ghienox- oo nga eh. sobrang dami..haha...pero hnd nila kaya muscles ko

@meg- oo nmn talgang kelangan . hehehe.

kikilabotz said...

glentot- hahaha.. hnd ko pa nmn nilalaglag. hahaha. dito pa lang sa blog ko. nyahahahaa

@karen- i like you too.hahah. oo nga eh sana hindi ko na tinuruan

@gillboard- pwedeng pwede sir ^_^

kikilabotz said...

@sir pong- ganun b sir pong? be a blessing to everyone ^_^

@@batangala- hahahaha. mahirap yan..^_^

@no benta- hahahaha. o mahirap na..lalo n kapag natuto p ng games ..wala na

DRAKE said...

Ayos ah! Pasaway si Tatay! hehehe!

Techie naman pala tatay mo, tatay ko di masyado eh!kakainggit ah!

Ingat

KESO said...

waw bagets si tatay! masama talagang natuturuan magcomputer e. haha!

kikilabotz said...

@drake- uu nagpapaka techie..hahaha

@keso- oi namiss kita ah? welcome back

kikilabotz said...
This comment has been removed by the author.
rd sean said...

ahaha.. adik naman!! kala ko kung ano na, hehehe.. pumepeysbuk ang daddy, ayus ;)

Kuhrach said...

Ahaahhahaa. Ang mama ko din adik sa FB, nakikicomment pa saken. Naman!

Super Balentong said...

gusto ko sanang malaman kung meron na syang pinost sa wall mo? kung nagkoment na sya at nakilike din. haha

kikilabotz said...

@ rd- hehehe. ayos b? ^_^

@kuhracha- ahahahaha. buti nga hnd mo kaagaw sa pc eh.


@ superbalentong- hindi ko siya inaacept sa friend ko. bwahahahaha

darklady said...

hahahahaha.nadagdagan ka ng kaagaw! ayos lang yan, pagbigyan mo na para naman in din sila. ^_^

Donato said...

naks ang sweet na anak.. hehehe. pamilya pla kayo ng adik.hahaha!bka mafia wars ang game ng tatay mo, i-invite nman nya ko.LOLs

kikilabotz said...

@darklady- hahaha. nadagdagan nga.. badtrip. hnd ko siya kaya utuin gaya ng kapatid ko eh

@ donato- sir,ako n lng iadd mo sa mafia wars..hehe

citybuoy said...

oh my goodness! sa wakas may iba rin palang taong nakakaranas nito. masama dito, adik na adik nanay ko sa lahat ng games sa facebook. may farm siya, barn, mafia, aquarium, hotel, lahat na!

at pag nagrequest kang gumamit, papayag naman siya. kaso bilang niya yung oras mo at tatayo siya sa likod mo hanggang sa ikaw narin maiilang.

haha sana may rule na bawal ang magulang sa FB! haha

missbroken said...

ahahahaha.... lang'ya.. akala ko kung ano na.. facebook lang pala... addict ka talaga....

kikilabotz said...

@ citybuoy- mas mahirap pala ang dinaranaas mo..bwahahahaha. ako si erpats lagi rn nakabntay nagaabang ng mga bagong updates. langya..haha

@missbrocken- ahahaha. lahi kami ng mga adik. haha

Jam said...

Whahahaha! pati si papa ba anging adik na rin..hmmm baka marami ng mga amigos sa facebook pakisabi bka kailngan pa nya ng neighbor paki add ako hahaha! oist..mis u na asan kb?

kikilabotz said...

@jam- andito lang naman ako sa tabi tabi. ikaw kaya ang nagtatago. hehe.

shea said...

ang cool naman ng papa mo.. pa fb fb na lang...

J. Kulisap said...

"You are violating my right to play", ito ang sabi ng anak ng katrabaho ko, kasi na-aadik na din sa Facebook ang katrabaho ko.

Sa papa mo, anong okasyon, wala lang.

Swerte mo, mabait..sana ikaw din kapag tatay ka na.

pusangkalye said...

uo nga. maraming mga parents/adults ngyon ang nahuhumaling an rin sa FB. at, nagfa-farm narin sila ha. hehehe

len said...

haha, pati sa Pa, nagaya ng mag facebook.

kikilabotz said...

@ shea- yap cool nga..hnd nmn ako makasingit..

@ jkul- hahahaha. naiintindihan ko po


@pusangkalye- kasali ka ba don? sa mga adults?

@ len- nagayan na nga. hehe

Anonymous said...

akala ko drugs tinitira ninyo ng tatay mo

jk

Jepoy said...

dahil sa post mo nato ayoko ng turuan mag facebook ang nanay at tatay ko. Alam na!!

Vajarl said...

Anak ng tokwang bisyo naman yan. Hahaha. Akala ko nagdadrama ka na sa post mo.

Yung nanay ko naaadik na ren sa FB. As in puro sya FarmTown. Nakakairita na minsan. Pero buti naman everytime na makikita na nya na maggagamit ako ng leftef eh mabilis naman syang umaales. Maghapon lang naman sya sa bahay eh.

Ang mga magulang talaga mahilig gumamit ng pictures na ancient na. Aba malay kung baket. Haha.

-=K=- said...

Marvs,

Hahahaha! Ayos ka talaga sa alright! Kaya lage ko iniistalk tong blog mo e. Nakakatawa.

Pakuha na sana ko ng panyo, nagre-ready nako maiyak, pucha comedy pala. Haha!

Ang iyong stalker,

-=K=-


LOL!

P.S. Nagfe-facebook rin mom ko. At comment ng comment sa wall ko. I know the feeling! Hehe!

kikilabotz said...

@simplysaycheese- akala mo lng yun. ahehe

@jepoy- wag k ngang gnyan turuan mo sila dali. hahaha

@vajarl- buti k nga napapaalis mo mama mo dito sa bahay ako ang pinapaalis. huhu.. hahaha. ancient din ba gamit ng mommy mo? haha

kikilabotz said...

@-=k=- waaaaaah!! napaka gnda nmn ng stalker ko..pwede ba ako na lng stalker mo? ^_^..haha. ang hirap sa pkiramdam noh?

-=K=- said...

Ano ang mahirap sa pakiramdam? Ang maging stalker mo? Or ang nagpepeysbuk ang erpats mo?

Labo mo kausap mehn! Hahahaha!

:)

kikilabotz said...

@ -=k=- - ang mhirap ay ang nagpepesbook ang mga magulang. wala ng privacy. alam na nila lahat. ahahaha. un un un! grrrrrrrrrr. ^_^

Anonymous said...

wuy ayaw magappear ng comment ko?! LOL..

astig pala si daddy! FB addict din. hehehe. COOL!! :)

kayedee said...

paramdam lng marvz! hamishu na eh!!tc olweiz!

Anonymous said...

nanay ko nagfafacebook na din tinuruan ng kapatid ko lolx

pero wala kayo sa nanay ko kasi marunong mag-psp yun. movies nga lang di games hehehe.

kikilabotz said...

@prinsesa ng drama- oo nga astg nga!! not! hehe

@kayedee- kelan k pa naging multo?

@simplysaycheese- haahaha. astig nga ng nanay mo ..apir ^_^

Trainer Y said...

kalerki naman si father dear mo hahaha...
bagets na bagets..

napadaan lang..

Anonymous said...

cool nomon ng tatay mo. di kasi ko lumaking may tatay around so iyun, nakakainggit lang :)

Renz said...

parang nanay ko lang.. pumepeysbuk na din.. TSK. Sabi niya pa "alam ko na tignan yung profile mo whahaha"
SHARE :]

Kosa said...

hahaha.
oks lang yan!
hindi nila naranasan yan nuong kapanahunan nila eh.
sa una lang yan... maaadik. magsasawa rin si erpat!

mabuti na yan kesa sa magdrugs:))

mr.nightcrawler said...

haha... nakakatakot! pati parents ngayon, marunong nang mag-facebook! nagulat nga ako nung isang araw, may facebook na si mama! hay naku... saka, wag mo na masyado binubuking papa mo, lagot ka. wala kang allowance! haha

kikilabotz said...

@yanah- salamat sa pagdaan apir apir

@jecmendiola- sorry po ^_^

@renz- hehehe.. uso kasi eh..

kikilabotz said...

@kosa- hahaha. hnd nmn magddrugs ga yun eh..pulis kasi

@mr. nightcrawler- hahahaha. bhala siya matagal na ako walang allowance dun..

Anonymous said...

hahaha.. natakot tuloy ako turuan mama't daddy ko pag uwi ko.. haha...:P baka hindi na rin ako makapag online ebridei.. haha... hang kulit mo talaga kikilabotz.. haha..:D

kaye said...

ganito kasi...bumili na lang ng bagong lefteff di ba.

amp! ang gulo mo, marvin! hahaha!

musta na?

Ayie Marcos said...

Like father, like son. Hahhaha!

Jiashi B. said...

pareho tayo ng sitwasyon! yung nanay ko hindi macontrol sa computer pag nasimulan na. kainis. imbis na kapatid ko kaagaw ko sa laptop, nanay ko na!