Minsan din akong naging istudyante, Ilang ulit na rin ako gumawa ng reaction paper tungkol sa isang bagay na wala naman akong alam tulad ng SONA. Madalas nga inaabot na ako ng umaga sa pag gawa nito. Hindi dahil sa nagsisipag ako kakahanap ng internet site na may mga sulatin na pwedeng icopy paste. But becase nanunuod muna ako ng XXX at hinihintay matulog ang lahat ng tao sa bahay. Bakit ba?
Nais ko lang sana ibahagi , Ang isang simpleng opinyon mula sa inyong lingkod na si kikilabotz. Isang taong simple ngunit marami ang nahuhumali.. oh yeahhh!!
"Pag-asa", Maraming mga Pilipino ang kinalimutan na ang salitang ito. Pero ngayon. Sa bagong mga pinuno at bagong paraan ng pamumuno Muling naitanim sa puso ng mga lahing matatapang ang katagang BAGONG PAG-ASA.
Please. Huwag na ako tanungin tungkol sa salitang yan. Matagal ko na kasing narating yan. Actually isang sakay lang yan galing sa amin. Pitong piso lang pamasahe ko. Sa likod lang yan ng SM north malapit sa Trinoma..Oo!! Nagjojoke ako kaya putragis tumawa ka naman!
Saludo ako sa mga mensaheng nais iparating ng pinunong binoto ng milyong milyong mga pilipino sa kanyang SONA. Nagmungkahi siya ng mga solusyon na maaring gawin sa mga problema ng bansang ipinagtanggol ni Lapu-lapu.
Iminulat niya sa atin ang kalagayan ng ating bansa. Ipinakita niya na ang ating bayan ay malapit na mahulog sa bangin ng pagkakalugmok. At meron pang iilan na nagpapalala ng sitwasyon. Walang kapangyarihan si Pnoy para bigyan ng pakpak ang bansa upang makaiwas sa paglagapak.Good thing is. magaling siyang pinuno. Nagsilbe siyang unang kamay na pwedeng kapitan ng bansang palaban. Pero hindi kaya ng ating Pangulo mag-isa yun. Masyadong mabigat ang problema. Kailangan ng bansang Pilipinas ang bawat kamay ng bawat mamayan nito. Lalaki man o babae, mayaman man o yayaman pa lang. Dahan -dahan , sabay -sabay at buong lakas nating iahon ang Pilipinas. Ang ating Pilipinas.
SAMA SAMA NATING TUPARIN ANG PANGARAP NG BAWAT ISA
47 comments:
ikaw ba yan kikilabotz?lol
nagpapanggap lang. wag ka maingay ok? hahaha
kahit kelan di ko nakakalimutan yang PAG-ASA na yan! Promise! kahit naka blind fold! LOL!
@ roanne- ahahaha.. ang laki na kaya ng pinagbago..kala mo..hindi na siya ganun kaganda...kasi wala ka na..hehe
Haha seryoso maganda yung message na pagtupad ng mga pangarap. Pangarap kong tumangkad, matutulungan mo ba ako bwahaha
@glentot- at dahil jan may nagtxt..
cno nagsabi na hnd ka matangkad? babatukan ko..-mahal
pangarap kong ... ermm wag na nga. hi kuya! sinali kita sa aking blogroll tutsirol c:
eh ano bang pangarap mo ser? para masamahan ka na namin. haha!
ayos ang post! :)
eek.. ever since mauso yang sona na yan never ako nakinig. dami intro, puro bluffs na konti lng natutuloy.. o_o
di naman tayo mamamatay kung di tau makinig haha.. kung tutuusin nga mas trapik pag sona e kumpara pag laban na ni pakyaw hahahaha halatang dami di interesado sa speech ng presidente.
buti n lng nung high school ako di ako nakaranas ng reaction paper.. pag nagkataon ibibigay ko n lng s teacher ko ung buong transcript ng speech sa sona bwahahaha!
ikaw na ang may bagong header! Ikaw na! Naniniwala din ako kay PNoy at pangarap kong pumayat hindi ung super payat na may abs, yung tamang mataba parin ng slight :-D
napakamakabayan naman.
Haha, simple ngunit maraming nahuhumaling pala ha! Haha
Bago 'tong mga ganito sa pandinig ko from kikilabots. haha, hmm, pangarap? :-D
inis ako sa kanya----puro sya BIG WORDS. mukhang ang gagawin lang nya for the next 6 years is finger pointing. wag naman sana. sigh
i would agree with what pusang kalye said...
na pre-pressure na cgru cya sa xpectations ng mga tao.
nakz! new header..
pangarap kong tuparin ang pangarap mo LOL
tama!hindi lang si pnoy ang may hawak ng kapalaran ng mga pilipino, kundi tayo mismo. nice post! nga pala, ang kyut po ng bagong header. :)
wawwwwwwwwwww. ayos yung header. maganda. asteeeeeeg.
ako, pangarap ko lang na sana may maabutan pang malinis na hangin at tubig ang mga magiging anak ko... :)
noong binasa ko ang transcript nung SONA ni PNOY ay nahiya ako bilang Kapampangan at kadistrito ni GMA, sa kahit saang anggulo natin tingnan ay posibleng malaki talaga ang kanyang partispasyon sa malawakang paglaspag ng pera ng pamahalaan. kung totoo ang mga ito (as I do believe) ay nakakahiya. Kung paano pinaniwala ang Sambayanan sa mga make-believe progress ng bansa. Ang kagandahan nito ay alam na natin at maganda ang SONA ni PNOY walang halong kasnungalingan ito ang tunay na ULAT SA BAYAN.
May pag-asa pa, kaya ng Pinoy, kaya natin. Sa tulong ng DIyos.
be blessed sir marvs!
ang ganda ng bago mong header parekoy! astig. nakaka....
'di ko napanood yung sana pero nabasa ko na sa ibang blogs. maganda ang nilalaman ng kanyang mga sinabi. para sakin, kung ikukumpara sa sona ng ibang presidente, walang kaplastikan at palabas yung kay Pnoy.
sana nga. sana.
hindi to tungkol sa SOnA. ito ay papuri sa header mo. I like!
Honestly, for me his words are just so strong. Kahit hindi ko masyadong know yung issue and how effective would his solution will be, pag sinabi nyang sama-sama nating tuparin ang pangarap ng bawat isa.. sama-sama tayo sa tuwid na daan, parang feeling ko mahihiya ka na lng pag hindi ka pa umaayos eh. so I hope, sa bawat isa sa tin jan eh, makaramdam naman..
nakaka talaga ohhh!
iba iba ang pananaw ng bawat isa sa sona ni pnoy...may nainspire! meron din nakulangan...haaaays.
pero tama! hindi kaya ng nag-iisa yan.
ps
eh paano yung mga katulad kong walang pangarap?
bagong header nga :)
Shet! Seryoso. Parang professor ko sa Rizal. Haha.
Siya nga naman. Napapanahon na nga ang pagbabago kaya makaiisa na tayo. May bago ng pag-asa.
Hindi ako masyadong desperado, pero nakatag ka sir sa post ko. Bakit? Tignan na lang. Haha. Salamat. :)
This article is very interesting, thanks for sharing us this post, you can also visit Sports Pilipinas www.sportpilipinas.blogspot.com, for your daily news in Sports around the world
bago lang ako sa blog mo kaya paumanhin gusto ko laman makibahagi ng opinyon tungkol sa topic na to ;)
tama ka, kung sama sama talagang magkakaron ng pagbabago. kaso lang may ilan ilan pa rin ugaling talangka, kumokontra, pumapalag, at wala ng magawa kundi magreklamo. why don't we give PNOY a chance to prove himself sa madlang pipol dba? infairness, ganda ng mga posts mo ;)
lufet ng header ha! i likey! at kelan kp natutong magseryoso? ahaha. at eto ang seryoso,nkapag pasa nako! naghire pko ng magdradrawing sa murang halaga! sb ko nman sau e hnd me mrunong magdraw! ahahhaa. at halatang binayaran q lng ng murang halaga ang drwing! ahaaha..hamishu!
una sa lahat ang astig ng header mo!!!
aruy seryoso mode ka ata ah hehee,,,nashock ako bgla jokes lng hehhee....
Sama sama natin tuparin ang pangarap ng bawat isa...gusto kong gumanda pwede ba yun?hhaha~~~
@jec- maraming maraming slamat..hehe
@marlo- tnx sa pagsama. haha
@meg- wnung hs ako wala rin nmn me interest. ewan ko ngayon at nagkaroon ako. hehe
@jepoy- oo nga bago na header ko. ahahahaha
@gillboard- hnd nmn ahahaha
@pao- uu simple lng me..pero....bwahahahaha
@pusangkalye- uu cguro may gagawin nmn siya. mahirap din kasi mga problema natin. uhmm wala naman akong nakikitang masama sa pag gamit ng big words. kasi words are very powerfull
@ghienox- who shouldnt worry ..tulungan n lng natin pnoy instead
@ ella- weeehhh?ahahahaha....mwa mwa
@keso- ikaw din nmn magnda at astig hehehe.. oo nga pangarap ko rin yung makalanghap p ng sariwang hangin ang mgiging anak ko,saka anak mo ..in short anak natin..hahah
pong- sir, napakagnda naman ng iyong comment. maraming maraming salamat.
@no benta- uu, totoong ulat at walang takot niya sinabi sa taong bayan lahat
@kuhracha- i like din sa paglike mo. hehe
@rd- yung words na sama sama ang ngpagnda ng lahat. ibig sabihin walang iwanan at may partisipasyon ng lahat. ^_^
kosa-may pangarap ka nabasa ko sa blog mo. hahahaha
@yow- oo seryoso nga. tnx pala sa pagsama sa akin sa post mo. very much appreciated.
@toybox- weeeh? hahahaha. tnx tnx. try ko
@dess- salamat po sa pagbisita, uhmm yap give him a chance.. at tulungan din natin siya
@kayedee- waaaaaaaaaaahhhh???? maraming maraming salamat ha? mwah mwah mwah..hehe
@ unnie-wahahaha. salamat..matagal k ng mgnda ate uniie. matagal na
at ako'y muling dumadalaw sa iyong tambayan kikilabotz! nagrefresh pa talaga ako ng page sa pag aakalang namali ako ng click sa link mo.. haha... hastig ang iyong header!.. super duper layk!..:) wala yatang cbox???
bago ako magkomento sa sona ni pnoy... hang kyut kyut mo sa video mong magic.. hehe... sa cr ng school nyo un noh?? may pa-Opo Opo ka pa.. haha..
sa sona naman.. wala din akong interest jan.. sa lahat ng sona mula ng pinanganak ako, ung kay pnoy lang ang matyaga kong binasa...dahil sa mga chismis na iba nga ang paglalahad nya.. at hindi pa ako nakuntento.. pinanood ko pa sa youtube!..hehe..adik lang...
marami ang naniniwala, marami ang hindi, marami ang walang pakelers.. magkaganun man.. be one of those pipol na maniwala at tumulong sa pagpapabago ng sistema ng pilipinas.. tama ka..di nya un kaya.. kaya pulungin mo sina repapipis para gumawa ng hakbang tungo sa kaunlaran ng bayan..hindi lang ung si dalisay na lang ang bumibida..nyahaha..:D
(napahaba..sori nemen..namiss ko lang magkoment.. hihi..:D)
Mas gusto ko manuod ng XXX kesa panuorin ang SONA. Paki ko ke Noynoy. Haha.
Pero ako nung HS laging nangangapa sa reaction paper nyan.
Hanep naman, bagong header! Apir! :)
Ang ganda ng post na to, parang ndi ikaw ang nagsulat. Serioso eh. Hahaha! Mas bagay sayo manuod ng XXX kesa manuod ng SONA. LOL.
sana nga lang di puro batikos at fact finding lang ang gawin ni Noynoy for the next 6 years. I hope he will not make use of the mistakes of the past administration to sugracoat his incompetence~~~~
di ko binoto noynoy pero i think kelangan natin sya suportahan. para din naman sa atin...
very well said parekoy! at dahil jan i-clap clap kita hehehe...
sama-sama tayong magtulungan...
nung nabasa ko ung title ng post na ito, kala ko...wow..mahilig sa politics..politically-minded..pero...nung nabasa ko...err...hehe...xD but very well said..dapat talaga magkakaisa ung mga pinoy kahit na kung sino ung presidente..un ung nagkulang sa tin eh..hindi unified...tsk2x..hopefully everyone will support the government for the good of our country..hehe...
malupet ang header mo! panalo.
dati ang salitang pag-asa e lugar lng dito samin. Ngayon....Ano ba yon?hahahaha!There's still hope for those who believe...
nakikiraan at nakikibasa lang po!
Hoy nasend ko na!
malapit ka lang pala sa may bagong pag-asa.. sa may project 6 ka ba? hahahahaha pupunta kami dun sa friday.. hahahahaha
just hoping na mawala na talaga yung mga kurakot sa gobyerno.. tsk tsk
Post a Comment