Saturday, July 24, 2010

Ano bang latest?

Tatlong beses na nag alarm ang cp ko.  Umaga na pala. Badtrip. Tinatamad pa ako bumangon. Tumayo ako at humarap sa salamin.  Tinignan ko at nagpasalamat sa  kyut na regalo sa akin ni Lord.  Wala namang pinagbago. Ganun pa rin. (ahem ahem.)Maliban sa mga hibla ng buhok sa aking ilong  na litaw na litaw na sa kanilang mga yungib .

Napagtripan kong kumuha ng gunting para putulin ang mga nag grogrowee kong buhok sa ilong. Damn! Binasag ko ang sarili kong trip.





 Dahil nagbago ang isip ko. Binunot ko na lang. Nakakahatching pala yun?

Tapos, Sinuri ko ang loob ng aking ilong. Nagsaliksik ako baka kung anong hayop na ang naninirahan sa dalawang kweba ng aking nose. Buti wala naman. Kinapa kong mabuti nagbabakasakaling makakuha ako ng ulam. Jackpot! Meron nga. Medyo kulay green pa, parang gulay lang. Kaya tinikaman ko at ninamnam. Putragis! Hindi masarap! Hindi pala lahat ng kulay green masustansya.

Pumunta ako ng sala. Naupo. Inabot yung remote control. Pinatong ang mga paa sa lamesa at binuksan ang TV. Nanuod ako ng balita. Kulang na daw ng tubig sa Metro Manila.

Naku! napaka simpleng problema pinapalala. Kung magkakaisa lang naman lahat tayo. Madali lang solusyunan ang mga ito.

Ano ba naman yung magrenta ng humigit kumulang isang libong sintunadong tao. Tapos sabay sabay pakantahin  tuwing alas dose ng tanghali sa luneta. Ang kumanta ng nasa tono, barilin!!

o kaya naman gumawa ng batas . Ipagbawal ang maligo kapag hindi naman birthday. Ang lumabag, Bitay!

Sus! kaya pinatay ko na agad yung TV. Pumunta ako sa computer. Awts! Naunahan na ko ni papa. Wow ang aga aga nagfafacebook agad. Congrats! Guess what? Member na siya ng fan page ni angel locsin. At eto ang mas malupet . Gusto niya  ilike ang fan page na ito

click to view the fan page

Hinintay ko matapos. Pugelshit! ang tagal ! Tumingin ako sa kalendaryo para tignan kung ANONG PETSA NA. Whaaaaattt!? July 24 na pala. Isang linggo na lang. Deadline na ng I love ipis ipis very much drawing contest. MAgpasa na dali

46 comments:

lhalina said...

haha.. bgong blog nanaman toh frend ahh.. kelangan aq unang comment??

kelan pg birthday lng maliligo??

I love ipis ipis very much drawing contest??

anu toh frend??

-=K=- said...

Pugelshit Jejebuster fanpage! Nyahahahaha! Naaaliw talaga ko sa mga gurang na nagfefacebook. Ang cute tignan e. :)

That thing about eating the green gore out of your nose is so ewwwwwww! Like kadirz! LOL!

Jag said...

as in nilasahan mo yung nasungkit na pagkain galing sa ilong mo? anong lasa? masubukan nga mamaya hahahaha adik! So yuckle doodle doo naman agang aga ilong agad ang pinagdiskitahan LOL.

Nakakatakot ka palang maging presidente ng Pilipinas...Hindi kita iboboto for sure hahaha...

at ano yang ipis ipis drawing thingy contest na yan? anong mechanics? anong premyo?

Anonymous said...

LOL sa gunting at sa buhok sa ilong.

May kwento ako jan sa facebook. Nagpunta ung bf ko sa comp shop tpos may naencounter silang customer din tpos nanghihingi ng tulong pano daw maglogin sa facebook. Tapos pag tingin nung bantay, nasa harap na nya! omg. Tinuro ng bantay kung san magllogin lanya...

Natawa talaga ako dun hahaha... Di marunong magcomp pero may account sa facebook. hanep!

krn said...

ang laki naman kasi ng gunting mo, hehe. suggest ko lang sa papa mo i-like niya din yung fan page mo at basahin itong blog mo. haha. anyways, malapit na pala yung contest. good luck^^

Traveliztera said...

natawa naman ako sa dad mo hahaha!

alam mo slusyon sa tubig prob na yan? wag nlng. kadiri sasabihin ko haha

khantotantra said...

mahusay.di lahat ng green ay may nutrients.

mahirap makipagkompitensya sa pc lalo na kapag excited ang tao sa games. :D

malapit na nga dedline ng contest mo.

NoBenta said...

naknang...jejebuster?!! lufet ni erpats impairness. natikman ko na rin dati 'yung sinasabi mong green. kasi sakin, parang champoy na yung kulay. hindi pala lahat ng champoy ay maalat na matamis-tamis!

BatangGala said...

wahahaha:)) ang kulet ng piktyr, ang laki naman ng GUNTING. pati si erpats,hehehe:))) jejebuster! :D

darklady said...

jejebuster fan page?whahahaha.baka isang araw malampasan ng iyong erpats ang skills mo sa pag cocomputer ingat ka! lol.

twing birthday lang maliligo? pwede! di ako mahihirapan sa ganong batas! whahahahaha!!

Anonymous said...

hindi talga masarap ung kulangot pag di mo nilalagyan ng asukal hehhehe

den said...

mas natawa pako sa pix. kesa sa post eh...tsk3..

sikoletlover said...

anlaki namang gunting. yan ba yung ginagamit ng hardinero? ^_^

kayedee said...

ADIK!

joyo said...

hongloke ng gunting! :lol: at mukhanng updated si papa mo sa mga fan page haha!baka alam nya ang latest sa showbiz aw!

DRAKE said...

naks namemessure na!Hahahah!

Ayos ang pic ah, may kadramahan pa!hahaha!

Ingat

caloy said...

kunyari ka pa! ang lakas mo sumegway eh yung drawing contest lang naman ang gusto mong tumbukin. hahahaha!

KESO said...

hahhahah adik!

kmusta naman un, tuwing birthday lng maliligo. haha.

Pao said...

Diyuskupo! Anu ba yan, puro ka-adikan 'to we. Haha, lakas mo talaga Kikilabots! Tuwing birthday lang maliligo? Teka, ikakamatay ko 'yon.

Vajarl said...

Medyo nagsisi ako nung nabasa ko yung part na laman loob ng ilong mo. Medyo lang. Nagdidinner ako eh. Hahaha.

kikilabotz said...

@lhalyn- ahahaha. jackpot at ikaw ang nauna. congrats..^_^ yung contest po yun sa drawing. hehe..

@-=k=- ahem ahe. kala mo lang kadiri pero masarap yun. hehe

@jag- cg cg subukan mo mamaya. promise mag eenjoy ka. cntest ko yun..secret ang premyo. hehe

kikilabotz said...

@meg- oo nga ang dami dami gang ganun. hehe.. hnd k sikat kapag wala kng facebook. haha

@karen- good luck ka jan!? nasan na yung entry mo? haha

@travelista- gusto kong malaman an. hahahaha.. dali sabihn mo na

kikilabotz said...

@khanto tantra-oo malapit na kaya join ka na dali..heehe

@no benta- wahahaha. bwahahaha. maalat alat b? haha

@darklady- salamat pala sa iyong entry. uhmm tama hnd nmn tayo mahihirapan sa ganong batas db?

YOW said...

Perstaymer ako dito. :)
Walang basagan ng trip. Dapat booger + muta. Sustansya yan. Haha.
I don't care about the drawing. I don't know how to draw. Baka akalain mong puno ang idrawing ko na ipis. Kahiya naman.

kikilabotz said...

@yakisober- ayy oo nga pala kaya pala. nakalimutan ko. haha

@den- hahahahaha ako din namn

@sikoletlover- wahahahaha. uhm hnd po yun po ang ginagamit ng mga sastre

kikilabotz said...

@kayedee- hmmmpp. matagal na kaya

@joyo- hangloke loke nga. bwahohhoho..uhmmm medyo updated n nga siya


@drake- sabi ko nga sayo anonymous blogger ako. hehe

kikilabotz said...

@batang gala- syensa medyo lumagpas.. buti na lng at medyo nabalikan ko. hehe..oo nga ang kulet ano?

@caloy- pssssstt secret lng natin yun..haha. binuking mo naman... magpasa ka na dali

@keso- uhhmmm edi malaking porsento ng tubig ang matitipid natin db?

kikilabotz said...

pao- wahahahaha..uu nga dali na join ka na. hahaha

@ vajee- ahahahaha. sorry naman.. sabi ko sayo tuwing breakfast ka magbabasa ng blog ko eh. haha

kikilabotz said...

yow- ay ganun po ba ..pasensiya na. ahihihi

kuhracha said...

mejo gross kung ulam part pero other than that, nagenjoy ako sa latest post mo. ikaw ang unang nagpangiti sa akin ngayong umaga.

salbehe said...

Yung pakontest mo naman kasi para sa mga talentado eh tarantado lang ako. =)

bulakbolero.sg said...

me drawing contest pala yon. haha.

brokenvampire said...

lang'ya... nakakadiri ulam mo tol.. ahahahaha.. napaka cruel mo naman.. wag namang birtday lang kung maligo... mamamatay na tayo sa air polution nyan...

Adik u talaga..

kikilabotz said...

@kuhracha- hahaha. natuwa nmn ako at napangiti kita..^_^

@salbe- anong para sa talentado? ahahaha. everyone can join

@bulakbolero- oo meron nga. hehe

@ brockenvampire- ikaw pala yan. hahahaha.. bagong blog ha? add ko n yan sa blogroll ko

Pong said...

sir marvs nakakatakot naman yung scissors eheeheh

si dad mo puma-fan na din at pers onor na siya sa cmputer niyo. malamang dapat mo ng i-send yung unsent letter mo sa kanya.

be blessed po!

definella said...

ang cute mo sa picture.. parang gusto ko ipaframe at isabit sa gate namin.. wahahaha piz^^

Khateharlii said...

kyutie pdin aa papi mrvz

citybuoy said...

i can't believe tinikman mo sarili mong kilangot. pwede naman kulangot ng iba. haha

kikilabotz said...

sir pong- nakakatakot. be a blessing

ella-wahahaha. lagi mo na lang ako inaasar ha?

@harliikhate-maraming salamt

kikilabotz said...

@neil- joke lng yun. kaw talga oh

toybox said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

waaaa... pagtingin pa lang sa pekchyur natawa na ako.. haha...
masustansya ung green tingy na un loko... pansahog lang kasi un.. not advisable to eat as raw.. nyahaha..:D
turuan mo din kayang magblog padir mo..hihi.. :D

ung pakontest mo.. gusto ko sumali.. kaso ilang beses ko ng trinay idrawing si ipis, kinalalabasan naman parang mata mo..nyahehehe.. juke lang..isumpa mo pa ako.. hehe..:D

mitchie said...

`hahah . nkakatawa naman toh kuya :)
wla ba tlgang nninirahan sa nose mo ? bka meron na .. =))

kaye said...

yaaakkk! kumakain pa naman ako nung binasa ko to. landyo! ikaw talagang bata ka mapipingot kita dyan e!

ang kulit mo!

Ayie Marcos said...

Ay naku, nakatatlong tumbling ako dun! hahhahaha! Grabe sa katatawa!

Diamond R said...

sabi nong assistant kong Banladeshi bakit daw ako tumatawa.sabi ko wala masaya lang. no need na magpaliwanag kasi di niya maiintindihan.

looking forwad sa project mo kasi di na makakasali sa drawing contest na yan.Just let me know how can i involve myself in this project in any way.
para naman part of the history making.