Thursday, October 8, 2009

A prayer

Dakilang ama na nasa langit
ako po ay humihinge ng kapatawaran
sa pagiging walang pakialam sa mga mga pangyayari dito sa lupa
sa pagpapabaya sa sarili , sa pamilya, sa bayan at maging sa mundo

Patawarin Ninyo po ako
Sa hindi pamamahagi
ng mga kaalaman at kakayahan
na dakila Ninyo pong ipinagkaloob sa akin.

Meron po akong mga Mata
subalit bulag sa mga kaganapan
taengga na nagbibingihan
ilong na walang pkialam sa amoy ng mga pagyayari
bibig at dila na tameme sa katotohanan

mga kamay na hindi matulungin
mga paang hindi makatayo sa sarili
puso na manhid
isip na inusente sa tunay na pangyayari

Ako po sana ay mapatawad Ninyo
maraming maraming salamat po sa lahat
ng tulong at biyayang natanggap namin
kaya po ipinapangako ko
sa abot ng aking mga kakayahan
at tulong ng mga dakila ninyong ipinagkaloob
ipapamahagi ko po ang aking simpleng nalalaman
para sa ikakaunlad ng iba at ng aking sarili

naway gabayan Ninyo po kami. Maraming salamat po.Amen.

8 comments:

AL Kapawn said...

Amen!

ang haba ng iyong dasal pastor. inantok ako.. he he he

glentot said...

Ang bait naman nahiya tuloy ako dito hehehehehe

kikilabotz said...

umpisa pa lang kasi ng blog n toh kaya gusto ko sana simulan sa pagdadasal.

@ alkapon- nakakaanok b? woow!! pwede ko pla toh ipabasa sa mga taong may insomnia. hehe

@ glentot- hahaha. pabait effect lang sa simula. pagnagtagal hnd nah. ahaha

cyndirellaz said...

what a wonderful prayer naman. naku parang dapat isaulo ko ang dasal na ito kasi relate ako dito lalo na ang line na ito: Meron po akong mga Mata
subalit bulag sa mga kaganapan
taengga na nagbibingihan
ilong na walang pkialam sa amoy ng mga pagyayari
bibig at dila na tameme sa katotohanan

huhuhu,,, ang masama niyan wala naman akong magawa..

kikilabotz said...

@ cyndi- tnx sa appreciates. ako nga din walang magawa eh. thats why gumawa ako ng blog s blogspot para may magawa ako khit kaunti. hehe

Lee said...

AMEN!

darbs said...

Amen...

Sa ngalan ng Ama, Anak at Ispiritu Santo...

+

Amen...

ahmer said...

Nice Prayer,
looks like a poem to me.
keep the faith!
Apir!