Ayos na ang lahat, Oh yeah na oh yeah na!! Maraming salamat sa aking mabait ngunit brocken hearted na kuya . Nalibre ako ng isang hindi makakalimutang trip to Davao.
Pambihira! Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Parang sapilitan akong pinakain ng dalawang platong kanin na ang ulam ay lugaw, Parang umubos at lumaklak ako ng sofdrinks na pinaghalo -halong coke, royal at sprite dagdagan mo pa ng tamis anghang ketchup. Pugelshit! Weird pero worth a try. hahahahahaha
But to make things uncomplicated, Pinaghalong kaba at kabag ang nararamdaman ko.
Kaba , Dahil bukod sa first time kong makakasakay ng eroplano at sa paniniwalang nangangain daw ng tanga yung airport,
(baka ako lang ang matira at hindi makain. I dont want to be alone. haha)
Maraming mga pangitain din ang nakapagpatayo ng aking balahibo.. sa puwet. Tulad ng....
(baka ako lang ang matira at hindi makain. I dont want to be alone. haha)
Maraming mga pangitain din ang nakapagpatayo ng aking balahibo.. sa puwet. Tulad ng....
1. friday the 13th ang flight ko
2. 7:06 am ako nagising.. Ibig sabihin 66 minutes after 6 am nun. 666? waaahhh!!
3.On the way sa Airport ilang beses na muntik mabangga ang taxi na sinasakyan namin.
4. Hindi pa lumilipad yung airplane umuusok na. Ano bang klaseng aircon yan?
5. Grabe! ang ganda ng stewardess (pakshit! hindi ko alam spelling) Isa siyang Anghel sa kalangitan. Literal. I dont know why pero kahit nasa langit na kami nadedemonyo pa rin pagiisip ko habang nagdedemo siya . parang gusto ko siya kausapin at sabihing
" ang ganda ganda naman ng dedemo..ay este! i mean, ang ganda ganda naman nang nagdedemo.." haha
Kabag, Siguro ganito talga kapag nangbuburaot ka ng pagkain. Sumasakit ang tiyan! Ayan tuloy!! Hindi ako terorista pero parang gusto ko magpasabog sa eroplano.
Isa na rin sa dahilan kung bkit kami pumunta sa Davao ay para makalanghap ng sariwang hangin. Kaya paglapag na paglapag ng eroplano at matapos magsalita ng boses na parang kay Pinoy BigBrother. Nagmamadali kaming bumuba. ang kuya ko para alamin ang pagkakaiba iba ng hangin sa maynila at hangin sa davao.Ako naman para pakawalan ang masamang hanging naipon sa aking tiyan.
Sabay namin pinikit ang aming mata, Nag inhale siya habang umuutot ako. Hindi ko naman iniiexpect na may tutunog. Madalas kasi silent killer ang utot ko. Ayun! Dumilat siya at tumingin sa akin ng masama sabay sabing
" IBA NGA ANG HANGIN DITO! IBANG IBA!"
sorry kuya. lilipas din ang amoy niyan. relax relax ka lang muna ^_^
pics
pinaakyat ko pa si kuya niyan para pictureran ako. nang magkasilbe naman. hahaha
Nasan po ng CR?