Monday, July 26, 2010

Bagong Pag-asa sa likod ng SONA

Minsan din akong naging istudyante, Ilang ulit na rin ako gumawa ng reaction paper tungkol sa isang bagay na wala naman akong alam tulad ng SONA. Madalas nga inaabot na ako ng umaga sa pag gawa nito. Hindi dahil sa nagsisipag ako kakahanap ng internet site na may mga sulatin na pwedeng icopy paste. But becase nanunuod muna ako ng XXX at hinihintay matulog ang lahat ng tao sa bahay. Bakit ba?

Nais ko lang sana ibahagi , Ang isang simpleng opinyon mula sa inyong lingkod na si kikilabotz. Isang taong simple ngunit marami ang nahuhumali.. oh yeahhh!!

"Pag-asa", Maraming mga Pilipino ang kinalimutan na ang salitang ito. Pero ngayon. Sa bagong mga pinuno at bagong paraan ng pamumuno Muling naitanim sa puso ng mga lahing matatapang ang katagang BAGONG PAG-ASA.

Please. Huwag na ako tanungin tungkol sa salitang yan. Matagal ko na kasing narating yan. Actually isang sakay lang yan galing sa amin. Pitong piso lang pamasahe ko. Sa likod lang yan ng SM north malapit sa Trinoma..Oo!! Nagjojoke ako kaya putragis tumawa ka naman!

Saludo ako sa mga mensaheng nais iparating ng pinunong binoto ng milyong milyong mga pilipino sa kanyang SONA. Nagmungkahi siya ng mga solusyon na maaring gawin sa mga problema ng bansang ipinagtanggol ni Lapu-lapu.

Iminulat niya sa atin ang kalagayan ng ating bansa. Ipinakita niya na ang ating bayan ay malapit na mahulog sa bangin ng pagkakalugmok. At meron pang iilan na nagpapalala ng sitwasyon. Walang kapangyarihan si Pnoy para bigyan ng pakpak ang bansa upang makaiwas sa paglagapak.Good thing is. magaling siyang pinuno. Nagsilbe siyang unang kamay na pwedeng kapitan ng bansang palaban. Pero hindi kaya ng ating Pangulo mag-isa yun. Masyadong mabigat ang problema. Kailangan ng bansang Pilipinas ang bawat kamay ng bawat mamayan nito. Lalaki man o babae, mayaman man o yayaman pa lang. Dahan -dahan , sabay -sabay at buong lakas nating iahon ang Pilipinas. Ang ating Pilipinas.

SAMA SAMA NATING TUPARIN ANG PANGARAP NG BAWAT ISA
  

Saturday, July 24, 2010

Ano bang latest?

Tatlong beses na nag alarm ang cp ko.  Umaga na pala. Badtrip. Tinatamad pa ako bumangon. Tumayo ako at humarap sa salamin.  Tinignan ko at nagpasalamat sa  kyut na regalo sa akin ni Lord.  Wala namang pinagbago. Ganun pa rin. (ahem ahem.)Maliban sa mga hibla ng buhok sa aking ilong  na litaw na litaw na sa kanilang mga yungib .

Napagtripan kong kumuha ng gunting para putulin ang mga nag grogrowee kong buhok sa ilong. Damn! Binasag ko ang sarili kong trip.





 Dahil nagbago ang isip ko. Binunot ko na lang. Nakakahatching pala yun?

Tapos, Sinuri ko ang loob ng aking ilong. Nagsaliksik ako baka kung anong hayop na ang naninirahan sa dalawang kweba ng aking nose. Buti wala naman. Kinapa kong mabuti nagbabakasakaling makakuha ako ng ulam. Jackpot! Meron nga. Medyo kulay green pa, parang gulay lang. Kaya tinikaman ko at ninamnam. Putragis! Hindi masarap! Hindi pala lahat ng kulay green masustansya.

Pumunta ako ng sala. Naupo. Inabot yung remote control. Pinatong ang mga paa sa lamesa at binuksan ang TV. Nanuod ako ng balita. Kulang na daw ng tubig sa Metro Manila.

Naku! napaka simpleng problema pinapalala. Kung magkakaisa lang naman lahat tayo. Madali lang solusyunan ang mga ito.

Ano ba naman yung magrenta ng humigit kumulang isang libong sintunadong tao. Tapos sabay sabay pakantahin  tuwing alas dose ng tanghali sa luneta. Ang kumanta ng nasa tono, barilin!!

o kaya naman gumawa ng batas . Ipagbawal ang maligo kapag hindi naman birthday. Ang lumabag, Bitay!

Sus! kaya pinatay ko na agad yung TV. Pumunta ako sa computer. Awts! Naunahan na ko ni papa. Wow ang aga aga nagfafacebook agad. Congrats! Guess what? Member na siya ng fan page ni angel locsin. At eto ang mas malupet . Gusto niya  ilike ang fan page na ito

click to view the fan page

Hinintay ko matapos. Pugelshit! ang tagal ! Tumingin ako sa kalendaryo para tignan kung ANONG PETSA NA. Whaaaaattt!? July 24 na pala. Isang linggo na lang. Deadline na ng I love ipis ipis very much drawing contest. MAgpasa na dali

Sunday, July 18, 2010

unsent letter to my erpat

Pa,
Hindi ko po kaya sabihin sayo to ng harap harapan kaya idadaan ko na lang sa isang maikling sulat. Na hindi ko po  alam kung mababasa mo. Pa, Alam kong isa ka sa pinaka matinong tao na kilala ko. At dahil dun marami ang sumsaludo sayo.Isa kang modelo sa aming mag kakapatid. hindi nag yoyosi, hindi  rin umiinom.Pagdating naman sa babae.Syempre sayo kami nagmana alam na,Loyal at faithfull ang lahi natin diba? diba?  (ubo ubo) Ramdam ko ang pagmamahal mo kay mama. Walang kapantay. Kahit nga may edad na kayo nkikita ko pa rin ang pagiging sweet nyo sa isat isa. Na kahit minsan hindi ko nakita na sinaktan mo si mama, At  dahil dun proud ako sayo na ikaw ang tatay ko.

 Dati ang tanging bisyo mo lang ay utusan ako na bumili ng dyaryo sa kabilang kanto and then babasahin mo sa loob ng CR tapos paglabas mo magagalit ka sa akin. Sasabihin mo panget yung mga article at  maghanap ako ng medyo maganda ganda. Malay ko bang inquirer ang gusto mo kala ko tiktik.

Ngayon nag-iba ka na. Dinagdagan mo na ang bisyo mo. Madalas mo sabihin sa akin na huwag na huwag kong sayangin ang oras ko sa mga bagay na walang kwenta. Na hindi ko ikakaunlad yan. NA itigil ko na pag aadik ko.Pero bkit ganun? Kung kelan naman na medyo nakokontrol ko na sarili ko.  Nung medyo nabawas bawasan ko na.Ikaw naman ang nagpakaadik. Nainggit daw ba? Tapos nabalitaan ko pati si mama niyaya mo na rin sa kaadikan mo.

gusto ko lang sabihin sayo na

Pa,


Please lang..


Kung pwede Itigil mo na yang Pag FAFACEBOOK mo. 3 hours ka na jan eh. Lulong ka na.Sabi mo 30 minutes  ka lang jan. madaya ka!!.madaya ka.!!.Turn ko na...parang awa mo na Ako naman. huhuhuuhuhu. Kapag hindi mo ako pinagfacebook  ngayon. Sige ka ipagkakalat ko na yang primary picture mo ay kuha pa ten years before. o ano? ano?