Alam mo yung pakiramdam na, paglabas na paglabas mo ng bakuran ng bahay niyo ay biglang may siraulong naghagis sayo ng Goodbye Philippines na paputok? Yung tipong wala ka ng choice kundi pumikit na lang at magdasal. Habang humihingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan. O kaya naman ay humingi pa ng isa pang chance para mabuhay at mangangako na hindi mo na ulit sisilipan pa si inday ever, mabuhay ka lang.
Ganun talaga ang buhay, Minsan malakas ang trip. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay bibigyan ka ng time para makapagprepare . May mga times na bibigyan ka niya ng mga challenges na biglaan.
Sa pangalawang pagkakataon, Syempre nga artistahin ako, alam niyo naman. (hahaha). Muli akong naanyayahan sumali sa isang Funrun. Kung hindi ako nagkakamali, ang purpose ng Run for a cause na ito ay ipromote yung pag gamit ng mga natural products para sa ating health. Kung nung nakaraan ay nabigyan ako ng isang buwan para makapagprepare,iba ang sitwasyon ngayon , kasi this time, wala. As in biglaan talaga. Parang yung pakiramdam na kala mo utot lang, pag ire mo , tae pala. Masaklap basa pa. Ganun. haha
“Sa linggo samahan mo ko, tatakbo tayo sa FunRun, nairehistro na kita.” Yan ang sinabi ng mahal na mahal kong kuya. Gago siya. Hinayupak siya. Huhuhu
Badtrip! Kasi pano ba naman , hindi pa nga nag-uumpisa, palpak na kami. Winala ni kuya yung Running Number ko. Masaklap ako pa yung sinisisi. Binigay niya na daw sa akin . Pero I know deep inside my heart , wala siyang binigay. Anu daw?
Parang naging eksena sa pelikula ang pagtatalo namin.
Ako: kuya wala ka namang binigay eh.
Kuya: akala mo lang wala! Pero meron meron meron
Ako: pakyu!
Hahaha joke lang, mabait kaya akong kapatid at hindi sumasagot sa mga nakakatanda. Dito ko lang tinitira sa blog ko. Dito ako gumaganti. Bwahahahaha.
Kung gusto niyo ikwento ko sa inyo ang iba pang mga pangyayari, sabihin niyo muna na ang kyut ko. Hahaha. Pero ayun nga, 10K yung tinakbo namin. Hindi man lang ako pinagpawisan. Ehehe. Pano ba naman 2km pa lang sinakay na ko ng ambulansya. Hahaha. Kidding.
Yun na nga, Unlike sa ibang mga runners, wala akong running number. Kaya mukhang epal lang ako dun. Pero tumakbo pa rin ako. Nung una, Ramdam ko yung saya ng FunRun . Ang dami daming chiks Parang tukso lang na nagsasabi na kikilabotz habulin mo ko. Pakiramdam ko umislow motion yung momment habang dahan dahan tumutulo yung mga pawis ng mga chiks. Grrrr. Kakagigil. Ang saya. Hehe.
Wala namang naging problema sa first three kilometers, pero pagdating na ng pang apat. Unti unti ng bumigat yung mga paa ko. Sumakit yung tagiliran ko tapos hinihingingal na rin ako. Ayan na , nararamdaman ko na yung mga hirap.
Dun ko napatunayan na sa bawat pagsubok sa ating mga buhay, Laging may mga rason para tayo sumuko. But it’s up to you kung susuko ka ba o lalaban pa sa hamon ng life
At that point parang gusto ko na talaga sumuko. Promise.... Pero pagdating ko sa fifth kilometer, When im about to give up, Nakakita ako ng signboard na ang sabi
Remember the reason why you are running.
Oo nga naman, Matapos ko mabasa yun, Natauhan ako, Parang gusto ko tuloy pumulot ng sobrang laking bato na isasawsaw ko sa tae, tapos ibabato ko sa mukha ng kuya ko. Siya ang dahilan. Siya ang dahilan ng mga paghihirap ko. Hahaha. Di na ka maka move on eh noh?
Naalala ko yung isa sa mga Favorite kong quotes from Bo Sanchez. Yung life is not a sprint, it’s a marathon. Na yung mga taong nagtatagumpay ay yung mga taong hindi sumuko.Yung desperate enough to reach the finish line. Kaya pinagpatuloy ko. Jogging, Takbo sabay lakad pagnapagod na. Slowly but surely, umuusad ako at lumalapit sa finish line.
Sa ikapitong kilometrto, inip ka na noh? Tatlong kilometro na lang ipagpatuloy ang pagbabasa. Hahaha. Nakasabay ko yung isang bata. Siguro mga 10-12 yrs old yun. Sabi “Kuya kaya pa?” Hahaha takte Nakakahiya. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo sipain yung bata , para siya yung kulelat hindi ikaw. Patol? Hahahaha. After that, tumakbo na ulit ako hanggang finish line na.
Nung nakarating na ko sa finish line , sinalubong ako ng palakpak ng kuya ko. Parang ang inspiring ng kwento ng pagtakbo ko eh noh? Hahaha. Tapos sabay asar , siya daw 53 minutes. Samantalang ako 1 hour and 22 minutes. Ukinam. Hehehe.
Sa huli, medyo mas bagal lang sa first 10 km run ko, despite all odds. Taas noo kong ipinagmamalaki na I am a finisher . At nag enjoy chiks hunting namin ni kuya after. Oh yeah...Thats the reward. Hahaha
21 comments:
hahaha.. nice experience ...
natawa ako dun sa patol moment mo sana sa bata kung may lakas ka pa..
ayos lang u got your rewaRD..
takbo lang ng takbo ..hehehe
ahaha....ikaw na ang cute!
ikaw na rin ang asar sa bata!! haha!
ikaw na rin ang finisher ng mahigit 1 hour! ^^
go run, run, run!!!
naks naman, 10k na ang nitatakbo mo! chuchalans.
Oo cute ka walang problema don, hehe! Congrats!! natapos mo ang FunRun..
Bakit hnd mo ako sinama pagpunta mo sa bundok na yon? (picreet) haha
naku namiss ko naman si makulit na kikilabotz. di ko naranasan ang fun run. ok loser ako. galing at least natapos mo and nag enjoy naman ako magbasa ng kwento mo.
ilocano ka ba at alam mo ang ukinam? hehe..
nice post... btw good morning friends, I am happy to be here and wish you happy too
inspiring nman ang kwento mo pre.
my moral lesson! parang di lang sa pagtakbo un topic
i think dapat sinipa mo nga ung bata. haha! joke! grabe ah naiimagine ko in slow motion ang pinagdaanan mo. nakakapintig ng puso. echos! haha! congrats!
Congrats, Kikilabot!
Congrats! Tama lang yan, sinimulan mo na eh. Why quit, right? Eto pala ang nakainspire kay Kuya Bulakbol, humahalo na yung pagiging inspirational blogger mo dito Kiki. Hahaha.
ikaw na! ikaw na nga... lol
"Remember the reason why you are running." akala ko naman naalala mo na for a good cause kaya ka tumakbo, tapos ngayon pala si Kuya pa din ang sinisi may Ukinam pa.
Move on ka na marami ka namang nakitang chicks. hehehe!
Minsan yayain mo si Miss C. dali, mahilig din yun mag-run.
hahahaha mga lalaki nga naman talaga oo kahit na ata nagputokan na ng kung anong ek2x na dyan hinding hindi nawawala ang mga mata sa ibang babae lol congrats kahit 1 hour kang mahigit tumakbo at least you made it!! hahahaha
grabe tawa ko dito. wahaha pasaway ka but i love you na super nakakatawa kang magkwento. hihihi
"..Dun ko napatunayan na sa bawat pagsubok sa ating mga buhay, Laging may mga rason para tayo sumuko. But it’s up to you kung susuko ka ba o lalaban pa sa hamon ng life.."
super nice. =D
ayos sumasali ka na din pala sa mga ganito!!!at astig 10k na agad ang tinatakbo mo hehehe..
sa condura paregister ka din :)
The reward of a thing well done is to have done it.always supporting here.
Success is how high you bounce after you hit bottom.Supporting back.
To move the world we must first move ourselves.supporting here.
sarap tumakbo sana makatakbo rin ulit :)
ayus na milestone yan...
wagas ang tawa ko from start to finish ng post para lang nakasama ako sa marathon nyo.. may pa deep inside my heart pa.. ilokano ka ngay.. :D
Post a Comment