Nung bata pa ako, tuwing sasapit ang summer, kapag bumibili ako ng halo halo, dun madalas ako sa tindahan ni aling Liza, kapag nakikita kong nagkakayod siya ng yelo, may dalawang bagay akong naiimagine.
Una, nagtataka ako kung papaano nakakahinga sa aling Liza(hindi tunay na pangalan), ang laki laki kasi ng nunal niya sa kaliwang butas ng ilong. Papaano kaya kung barado na rin yung kanang parte ng ilong niya, san na siya hihinga? Kaya siguro madalas siyang nakanganga kapag nagkakayod.
Pangalawa, naiimagine ko na paglaki ko, masusubukan ko at matutunan ko ang mag....
ice skating.
10 years later, kapag naiinitan ako at summer, dun pa rin ako sa tindahan ni aling Liza (hindi tunay na pangalan) bumibili ng halo halo, Hindi na si aling Liza ang nagkakayod ng yelo, yung anak na niyang dalaga. At habang pinagmamasdan kong nagkakayod ng yelo, Meron na pa rin akong iniimagine, bahala na kayo mag-isip kung ano yun.
kaya nga last last week, matapos magsimba, kasama ng aking mga kaibigan, dalawa lang sila, Napagpasyahan kong tuparin ang matagal ko ng pangarap. Ang mag ice skating. whooooooooooo.
Kagaya ng ibang pangarap natin sa buhay, hindi lahat madali lang nating matutupad. Minsan kailangan pagsikapan at patunayan sa mundo na para sa atin talaga ito.
(hahaha, magiice skating lang ang dami ng sinabi eh noh?)
So nagpunta na kami ng MOA at dun nag ice skate, hahaha, akala ko talaga masaya, ang dami kasing chikz na sumasayaw sayaw , tinataas taas pa yung paa, o diba ang ganda ng view? san ka pa? Pero akala ko lang pala yon, dahil unang step pa lang, muntik muntik na ko madulas, Kaya kagaya ng mga hindi marunong lumangoy sa swimingpool, andun lang ako sa gilid gilig nakakapit, nagdarasal at sinisisi ang sarili. hahaha.
Pero naisip ko rin, kung patuloy lang akong kakapit dun sa gilid, maduduwag at matatakot masaktan, kahit kailan, hindi ako matuto. Kaya tinapangan ko ang sarili ko, Dahan dahan akong bumitiw sa mahigpit na pagkakahawak sa gilid gilid (sorry hindi ko talaga alam ang tawag ).At humakbang ng isang beses palayo at nagsimula ng maglakad lakad.
Nung una, aaminin ko, ilang beses ako nadapa. May patagilid, may patalikod at meron pasubsob. Ilang beses rin akong napagtawan. Pero kahit ilang beses ako nadapa, nakasmile pa rin akong bumabangon para sumubok sa hamon ng buhay. Hindi naman kasi mukhang tanga ang madapa, ang mukhang tanga ay yung nadapa ka pero hindi ka na ulit bumangon. (palusot.com bwahahahha)
To end this story, after 3- 4 hours na nakakamatay na practice, ayun, thank goodness, hindi pa rin ako natuto. ako na, ako na, .Akoooooooooo Naaaaaaaaaaa ang TAnnnnnnngaaaaaAA!! Anak ng pugel, Masakit kaya.
lesson: Matutong madala kapag masakit na
|
plastic na ng ngiti ko dito, masakit na balakang ko. |