Matagal tagal din akong naadik sa Dota, Simula nung natuto ako maglaro (2nd year college) hanggang last year, kung bibilangin, humigit kumulang 7 taon na akong naglalaro nito. Aminin ko man o hindi, maraming bad na naranasan sa pagkakaadik ko dito.
Unang una ay yung natuto ako magsugal ng malakihan, dati dati pitik itlog lang pusta ko, tapos nung medyo naadik na ko eh tumaya ako ng malaking malaking halgang salapi, Hehe, Kwarenta.
Pangalawa ay yung iniwan ako ng aking labidabs. hehe. Ayun pinagpapalit ko daw siya sa Dota. Waaaahh. Ewan ko ba, Tama naman ang rason ko diba? Ang dota kayang kaya ko paglaruan, pero siya hindi. dahil seryoso ako sa kanya. Pero hindi umubra ang palusot ko. Ohhh hindeeeeeee!! kaya ngayon. Angry birds ko na lang nilalaro ko. Pitik pitik pitik.
Pangatlo ay yung lagi ako napapagalitan, Minsan nga naalala ko Sinigiwan ako ni Erpat, " San ka ba kumukuha na pinangdodota mong bata ka?" syempre sumagot ako ng tapat at galing sa malinas na kalooban ng aking puso. "San pa poba? edi sa trabaho po" totoo naman diba? san ba galing ang pera ko, edi sa baon na binigay nila, eh san ba galing ang baon ko na binigay nila, edi sa tarabaho nila.
Pang-apat, ay yung muntik na kaming mapaaway, tama. kahit gaaano kaamo ang mukha ko, muntik pa rin akong mapaaway . kasalanan ko ba? kasalanan ko ba maging napaka magaling? kasalanan ko ba maging napaka magaling mangasar? hehehehe. ako naa!!!hahaha
More DOTA 2 Updates and Downloads
ang haba na pala nito. next time na nga lang yung iba. lalaruin ko muna itong angry birds ko. hehe
PLEASE LIKE DOTA2 FAN PAGE