Inihahandog ng “ Kwentong Nakaka ni Kikilabotz’s production” ang taunan at
makabagong paraan ng pakikipagbalagtasan.
Ang tema, PANITIKAN 2012.
Buksan ang PANanaw
Ilabas ang TI wala sa sarili
At simulan na ang KAN tyawan
wooooooooohhhhhhhh
Dahil walang kuryente sa loob ng ating ipinagmamalaking
gusali, minabuti namin na dito na lang ganapin ang pinaka mahalagang kaganapan
ng ating paligsahan. Dito sa walang kakati- kating mga damo at pinaganda pa ng
mga kumukuti kutitap na mga kulisap. Sa lugar na tinatawag naming Damuhan bengbeng
At ngayon, taas nuo naming pinagmamalaki at itinatampok ang
tagisan ng galing ng dalawang manlalaro para sa kampiyonato .
Ang dalawang
kapitapitagan na may matatalas na isipan at papanalita.
Sa aking kaliwa, Ang sikat na sikat na si Buy Banat
(palakpakan)
Sa aking kanan, si Pepeng Pag-ibig
(palakpakan)
Ihandaaaaaaaaaa naa
annnng mga sariliiiiiii at simulaaaaann naaaa ang Banatan sa Damuhan Bengbeng!!!
Ang mauuna ay si Buy Banat
“ hoy hoy Pepeng pag
ibig,
Wag ka muna diyan masyadong maligalig.
Di porket kumain ka ng adobo’t pinipig
Maganda na mga salita lalabas sa iyong bibig
Pwede ba, huwag ka munang magalit
Baka muka mo mas lalo pang pumangit
Hindi naman kita nilalait
Pero bakit kaya sayo’y walang gustong lumapit
Patingin nga ng mukha mo sa malapit…
Aguy..saksakan nga ng panget
Para kang taeng malagket
Na nakadikit, sa maitimim na puwet!"
Oras na!! pepeng Pag ibig pagkakataon mo na!
“Hola hola hola!
Salamat sa iyong pambobola
Akoy lumilipad na
parang saranggola
Babawian kita, mag tago ka na sa palda ng iyong lola
Hoy hoy hoy!
Babanat ka pa boy!
Teka muna! Ikaw ba yung nangangamoy?
Dapat sayo sinusunog sa nagbabagang apoy
Hoy boy ,Para hindi ka na makapinsala
Dahil amoy na yan, sobra ng malala
Babango ka pa ba?
Yan, yan ang
kailangan ng himala
Hindi ba talaga uso sayo ang maligo?
Nung nakita kita, napamura ako akala ko maligno
Kaya nga ayaw kita ituro,
Lam mo kung bakit? Baka isumbong mo ko sa mga kaibigan mong
nuno sa punso”
Oras na! Buy Banat !
pagkakataon mo na ulit!
“ di mo kaya ang galing ko dito sa panitikan
Dahil ang mga banat ko, hinuha
ko pa sa silid-aklatan.
Kaya nga wala kang karapatan, lumaban sa aking harapan
Dahil mga banat mo napulot mo lang sa may basurahan
Ako ilang beses na bigyan ng parangal ng ibat ibang kagawaran
Sa galing kong bumanat ako ang nagiisa sa may unahan”
Pepeng pagibig ikaw naman!
“ magaling ba kamo sa panitikan?
Ikaw!? Baka magaling magnakaw ng panti ni kwan!
Maraming parangal?
Pwede bang umangal
May nalalarawan ka pang kagawaran,
San ang ebidensya, nasan ang larawan?”
Ennnkkk!!
Ang Resulta....
Tabla!! Walang nagwagi! Hahahaha.
Pabaon na Banat mula sa paborito kong bayani
Masasabi mo bang mas malansa pa ako sa galunggong ang aking amoy, kung mas mahal pa kita kaysa sa sarili kong wika?
ang post na ito ay isang pagsuporta sa munting pakulo ng damuhan. Makikita ang ibang detalye dito
17 comments:
ayos tomng entry mo ha Flip Top Battle!! galing!!
goodluck sa atin!!
tnt fliptop...kakaiba naman itong sau..kakatuwa.gudluk kiks!
ayos. flip top!yeah!binasa ko to na may tono sa akin isipan haha
salamat sa paglahok :)
pero ung link mo dun sa comment box, ung link ng contest, hindi nito'ng article mo lol
naks!! nangiti ako at natawa sa entry mo kiki boy...parang modified balagtasan/fliptop..ayush!!
hahaha iba na talaga ang balagtasan ngaun
astig ah. haha. gora sa flip top. :DDD
good luck para dito...
ayos to..gl sir...
para sa aken, huhhhhh.. hirap...
sige sa una si pepe,
sa pangalawa si buy banat,
sa pangatlo eh tabla
kaya OT... OT....
:)
Napapanahon at makabago. Bagama't palasak, iyong-iyo pa rin ang ideya.
:) Kaw na!
churi i did not read it.. i juz wanted to say hi sa wafung wafung c kikilabotz! *hugz*... npadaan... Godbless!
Wow. Pinagisipan ang mga rap. Hahaha. Umeport. Ang porma! Natuwa ako sa mema-isali mong post. Haha
tabla!!! hehe
Nagbasa. Humusga. Haha! Sabi ko na nga ba... Tatak Kiki talaga. Good luck sa entry.
Ang galing!
Post a Comment