"Husder?
'Hey its me!
"Hey its me who?
'pakyu! Its me Kikilabotz, open the door
"pakyu ka din! Eenglish english ka pa kasing nalalaman..
Alas onse y media ng gabi, ito ako, nasa harap ng computer. nag iisip ng magandang mga words na pwedeng gamitin to describe who I am today. Matagal tagal na rin akong nawala dito sa blog ko and I dont know kung meron pang natitirang readers dito.
Lately , Mga several months ago, naipit ako sa isang napaka makabagbag damdaming dilemma ng aking buhay. hehe. Sabihin mo nga ng mabilis, nakakapagpabagabag. Hirap diba? parang ganun.
Yung feeling na ginawa mo na lahat pero wala pa rin
yung feeling na parang meron kang nakahahawang sakit kung maitulak palayo
yung feeling na naghintay ka ng matagal, tapos malalaman mo wala ka na palang hinihintay
Yung feeling na ang haba ng pinila mo, tapos may ibang sumingit.
Yung feeling na ganyan, hindi ko iniinda. Wapakels lang ba. Until, yang mga yan, gawin sayo ng taong nagmamatter sayo ng sobra. Damn! Ang sakit pala.
AKA Mr mahangin. Aminado ako, mayabang akong tao,pero yung mayabang na nasa lugar, sa lahat ng lugar. haha. . And I remember a scenario of my life na hinde ko makakalimutan. Ito yung nakikipag kwentuhan ako sa kaibigan ko. Dahil nga close kmi, though I consider my love life very private, kinukwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Then an amazing moment came. Nagyayabang nanaman kasi ako nun, sabi ko.
Ang gwapo gwapo gwapo ko ,parang obra.
Madaming madaming girls ang nahuhumali sa akin. Sobra
gustong maangkin ang aking batuta, torta at cobra
parang kotse lang , gusto nila sila ang mag maniobra
and then my friend replied. " ganun naman pala eh, bakit ka pumipila"
Napahinto ako sa kayabangan ko,at that time hindi ko pinahalata, iniwasan ko pumikit cause I know the moment na mapikit ako, hindi ko na mapipigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata.I keep on telling myself na " hey kikilabotz, tama na, sobra na, kawawa ka na. " pero ang puso ko sabi" kiki try mo pa ng isa"
Haayy Ang mahirap sa pagibig ay yung AMPALAYA... AM PALAYAIN ang mahal mo...kasi alam mo hindi na siya babalik.
As of today, It was the greatest fall of my life and make me realized that sometimes yung dreams natin sobrang taas. And then darating yung time na we may fall, yung time na masasaktan tayo. Pero hindi para saktan tayo and stop dreaming. Kundi para gisingin tayo sa katotohan and to make our dreams a reality... hanu daw???
For how many months, mas ginusto ko mapag isa.Para makapag simula ulit, kaya lagi ako nagkukulong sa kwarto at nagsasarili eh. lol joke lang.Nagpatulong ako dun sa pusang laruan na walang tigil kung gumalaw yung kamay. ALam niyo yun? hahaha. somehow I felt relieved pa rin naman. nyhahaha. Dun ko napatunayan na ang love ay parang balbas. kahit anong bunot o ahit mo darating ang time na tutubo at tutubo ito ulit. And sometimes para na sa ibang tao. yung mas nararapat sa pagmamahal mo.
Simula ng nawala ako, marami na rin ang nabago sa akin. Ang dating chubby, ngayon hunk na
( Hunkapal ng mukha), and dating sintunado ngayon member na ng isang banda ( jan ka lang banda)
o diba aminado ako. hahahaha.
Last week nanuod ako ng Unofficially Yours, Grabe, nakarelate ako. Kamukha ko pala talga si John lloyd.hahaha. Pero not just that. Kagaya ng story, I experienced the same kind of love life, except for the "sex only relationship" part which I hoped it does. nyahahaha. The only difference is yung ending, yung sa kanila happily ever after, yung sa amin ikaskas mo muka mo sa pader after.
Naalala ko yung pinagdaanan ko, yung hapdi, yung kirot, yung sakit,
yung mga bagay na hindi kinaya ng alaxan. di mo alam kung bakit,
Narefresh nanaman. Yung mga alaala na nakakamatay, muling nabuhay.
And then I look back and said Thank God I survived , wala ba kayong mga kamay?
hahaha kanina pa ako nagrarap,
ganito pala talaga kasarap
yung may bago ka ng pangarap
yung mamahalin mo ng tapat at walang pagpapanggap.
Marami man ang nagbago sa akin, Hey its me! its still me.
Akoy muling nagbabalik Because Everybody Loves KIKI
21 comments:
Moving on to conquer new roads then, huh?
Welcome back!
hahaha u got me there sa naka relate ka kasi kamukha mo si JLC! natawa ako! ang humble mo lang!
ayos! welcome back kikilabotz! sumali ka sa contest ko hehehe
dahil ikaw ay naka survived, isang palakpak para sayo! Welcome back Kiki!
hahaha so ito pala yung pinagpuyatan mo :)) Tapusin mo na yung sinusulat mo ha, tagal na eh, naiinip na ko. LOL demanding lang.
welcome back kiki!
yan pa rin ba ung dati? hayy, wag ka mag-alala.. tama ka ang love parang balbas. antayin mo na lang tumubo ulit at sana pag nagmahal ka ulit sa tamang tao na. lahat ng pain lilipas din. kaya mo yan!!!
gusto ko ung paghahalintulad mo sa love to "balbas"..hehe...time shall heal things. keep yourself busier :) u can do it. keep moving forward and you'll find another one..i mean...the real one :) ang "Siya na nga" ... :)
welcome back kuya. haha kaloka lang pinaglihi ka ata sa bentilador eh haha joke =D
hahah bagay na bagay ang topic ko lately sa pagiging broken hearted mo ngayon.. hahaha
wahahehehe. nakaka relate ako sa ibang parts.
Nawawala din ako sa blogosphere pag malungkot ako eh.
Welcum back! :)
welcome back. :)
may pagkagat ng labi ang peg sa picture? anyway...
In god's perfect timing sabi nga nila.
You're not yet in your room, you're not yet in the finish line (tanda mo)- noon. pero see ngayon, nasa bundok ka na! ikaw na talaga!
akala ko eto na yung bagong story.. haha narinig ko na yan, madaming ulit na LOL hanggang ngyon ba?.. XD
welcome back ..
Parehas tayong humble. hahaha
ngiti lang dude sisikat din ang bagong umga :)
haha
haha ayos tong post mo ah! malaman, hindi lang puro sabaw!! lols!
congrats sa bagong ikaw! ^_^
sabi ko dati nung matapos ako sa ganyan...
i am now more stronger and yummier! hahaha
welcome back.Mukhang ganado ka nga.
hi kuya! hindi ko akalaing ang poging poging kagaya mo ay pumipila at nasasaktan. meron kasi ako kilala di naman kasing pogi mo pero kung makapang two time wagas!! kakawala talaga ng stress ang mga post mo..lagi kita binabasa sa office. ^^. keep on writing and touching people..people's lives kuya. GOD bless u!
Wow nice post !
tindi.. lumalablyf kana ulit.ahaha :p
Para akong nagbabasa ng Bob Ong. Funny and entertaining. Sana marami pang kwentong 'nakaka'..
ganon pala talaga pag broken hearted ang lalaki...nagtatago sa cave for a few months similar sa situation mo (i read it from a book men are from mars women are from venus) hahah
Post a Comment