Sunday, January 29, 2012

Real Life Budoy Story

Itago na lang natin ang katauhan ng ating bida sa pangalang Budoy. Hindi kagaya ng karamihan sa mga teen agers, si Budoy ay may karamdaman sa kanyang pag-iisip. At dahil nga mahirap iespel at ikabisa ang tawag sa kanyang sakit, minarapat ko na lang na tawagin itong " Hawak ilong sabay ngiwe syndrome"



Sa kabila ng kanyang karamdaman, Naging mabait si Budoy, Buong buhay niya, naging masunurin siya sa mga utos ng Diyos. Hanggang sa, isang malamig na gabi, Isang kakaibang magaan na tinig ang kanyang narinig.

"Budoooooyyy... Budooyyy..."

Budoy:  Mommy ko? kayo po ba yan mommy ko?
(humawak sa ilong sabay ngiwe)


" Budoooyyyy... Budooyyyy..."



Budoy: lolo ko? wag mo ko niloloko ha? takot na Budoy...

(humawak nanaman sa ilong sabay ngiwe)

Biglang sumulpot ang isang anghel

Budoy, isa akong anghel, Ipinadala ako dito para iiwan sayo ang isang mensahe mula sa Ama natin sa langit. Meron siyang mahalagang bagay na papagawa sayo.

Budoy: may paapgawa ka budoy? angel ko... Pwede sabihin ko muna kay mommy ko ha?

"Budoooyy... ikaw lang dapat ang makaalam"

Budoy : Si budoy lang? promise angel ko, di ko pagsasabi , kahit kay Jackie at kay BJ. Ano ba dapat gawin Budoy?
(hawak ulit sa ilong sabay ngiwe ng two times)

"Budoooy una sa lahat, punasan mo muna yang kamay mo, may sumabit na kulangot eh"

Budoy:  Hihhihhih,Gusto mo bigay na lang budoy sayo angel ko? Masarap to, natikman ko na to dati eh.
Nope sayo na lang yan, Budoooy . Alam mo ba yung malaking bato sa ilalim ng bundok Tralala? Itulak mo sabi ng ating Ama sa langit.

(sabay naglaho ang anghel)

Dahil nga masunurin si Budoy, Walang pag-aalinlangan siyang pumunta sa Bundok Tralala. Hinanap niya yung sinabing malaking bato tapos itinulak niya ng buong lakas. Sa loob ng limang nakakapagod na oras na pgtutulak, Ni hindi man lang nagalaw o nausog yung bato.

Araw araw bumabalik si budoy sa bato at itinutulak ng buong lakas. In 6 months na walang mintis na pagtutulak. Hindi pa rin nagalaw o nausog ang bato...Hanggang sa napagod na si Budoy
Pag galit pala si Budoy  diretso magsalita, sabi niya..

Ama sa langit, naging mabait naman at masunurin ako sa inyo.  Hindi ko po maintindihan, kung bakit niyo ako pinapahirapan sa pagtutulak ng bato. Ginawa ko naman po ang lahat, Pero ni minsan hindi ko nagalaw o nausog ang bato kahit konti. Ano po bang gusto Niyo?

tapos isang kakaibang Boses ang narinig ni Budoy.

Anak, Hindi ko naman sinabing pagalawin mo ang bato. Sabi ko lang itulak mo. Walang nangyayari sa bato, Pero sayo meron. Tignan mo ang mga muscles mo. 


3 days after, nagkaroon ng sunog sa baryo nila Budoy.  Sa kabutihang palad, Yung mga muscles ni Budoy ay fully develop na, nagawa niyang maibuhat ang mga natrap at makapagrescue ng maraming mga tao.


Life is so uncertain. Minsan darating tayo sa mga sitwasyon na hindi natin alam kung bakit at para saan ang  mga bagay bagay at mga ganung  pangyayari. If that happens, Dont worry. One thing  is certain. God is in control. 

20 comments:

Pooh said...

Ganda ng kwento ah, kakatuwa.. dami kong tawa, mga lima. hehe.. Pero nakakainspire naman ang ending. :)

May mga bagay tlga na hindi natin maintindihan, pero isipin na lang na lahat ay may dahilan.. God is the way. God is the reason. God is in control.

hana banana said...

tawa much ako kay Budoy ah!


nice story..nkaka inspire ^^

ayos!

khantotantra said...

inspirational ang wento ni budoy. wag kakainin ang kulangot na sumabit sa kamay na ipinanhawak sa ilong. :p

p0ks said...

huwaw may aral sa kwento ah!!

Unknown said...

galinng nman at inspirational...
minsan nga lang kelangan maging ignorante sa bandang una para malaman yun resulta

Madz said...

ayus akala ko kalokohan na naman :))

inspirational pala, LIKE!

Aiza said...

Gusto ko yung twist. hehe. Ganda ng moral lesson. :)

Master Guids said...

natatawa ako at ang ganda ng ending. thanks for the lesson.

Anonymous said...

natuwa naman ako hahaha...

di mo naman hawig si budoy tnt

Anonymous said...

Hindi ko alam kung seseryosohin ko ang moral lesson nito, o sisimulan ko nang itulak iyong bato sa bundok tralala? LOL. :D

Sey said...

Hahaha, unang-una natawa ako sa picture at talagang may sarili ka pang tawag sa syndrome ah. Pero PANALO naman ang lesson. Most of the times, puro complain tayo sa mga pagsubok pero in time we'll be thankful for everything.

Chikletz said...

woahhh kala ko kung anung kalokohan gagawin mo kay budoy eh. haha! naks..ganda ng story ah.. pwedeeee!

Allen said...

Eto naman si God pinahirapan pa si budoy. sana sinabi nya nalang na pumunta sya sa gym at magwork out. hahaha.

Unknown said...

wow naman, kakaibang inspirational story. Nakakatawa na nakaka-inpire. kikilabotz has evolved. hehe..

tama nga naman, maraming nangyayari sa atin ang hindi natin naiintindihan. Pero di sapat yun para mawala ang tiwala natin at kwestyonin si God. :)

I love the new blog template. Salamat sa mala-budoy na pic. natawa ako ng isang buo. hehe

YOW said...

Nakanang.. inspirational! Kamukamo.com? Hahaha.

Ako lang ba to o talagang pag binasa yung dialog ni Budoy, tonong-budoy din dapat? Hahahaha.

Superjaid said...

ganda naman nito kala ko kalokohan lang. super inspiring pala. as in super nice. =D

bagotilyo said...

amen.he is in perfect control..

natawa ako sa budoy theme.. anep ka kikilabotz.hahahah

naimagine ko pa ang boses ni budoy :p

Diamond R said...

Hanep seryoso ang kwento.malamang bukod sa lumaki ang mga muscle ni budoy di narin ngumingiwi at nakalimutan ng humawak ng ilong.

Vacation Rental Makati said...

Hahahaha !! Ako budoy !

MG said...

yan po ang totoong kwento ni budoy, hahahaha