Sunday, July 31, 2011

Hottest blogger sa mata ni kikilabotz (august 2011)

Matagal tagal din nawala, Kaya ngayon , sa muling pagbabalik. Inihahandog ng kikilabotz  power house production..may ganun?  parang kay AXL lang ah.haha.

Ang mas mainit, mas pinatindi, mas kaabang abang  na hottest blogger buwan buwan. hehehe.

Ngayong buwan ng Agosto, Sa mga nagdaan paglilindol sa Pilipinas, sa pagdaaan ni Bagyong Juaning. At pagsulpot ni bagyong kabayan at bagyong lando.  Ilang mga magaganda , mga seksi, mga kaakit akit at mga hot na hot na mga bloggers ang hindi nagpatinag. At ito na po sila

10. ASP of  http://eyespee.blogspot.com/
 MASARAP ANG TALONG. Hindi nakakasawa kahit kukulay ng naipit na dugo. Kaya gusto kong maging talong dahil alam kong hahanap-hanapin mo ako lalo na kapag malamig ang gabi. GUSTO KO NG KUMAIN... ng talong. Kung magiging gulay ako pipiliin ko maging isang talong. BOW!

9. Mads of  http://itsmadzday2day.blogspot.com/
 Talong na lang aq kahit anog tigaslumalambot din sa matiyagang humimas :)) takteng buhay to bat ba naging kaibagan pa kita, sira ang buhay ko eh

8. kayren ofhttp://karenandstuff.blogspot.com/
 broccoli ako! kci rich in calcium. kakainin ako ng mga taong lactose intolerant. (;

7. Diane of  http://whatsrealityallabout.blogspot.com/
   Ampalaya,mapait pro masustansya... (korny) lol!


6. katrina of http://katrinadanieles.wordpress.com/


5. kaikay of http://kheikaikay.blogspot.com/
  um cgro if magiging gulay ako, gsto ko kamatis! haha kc sooo kinis nia, and yummy. pdeng pde kahit saan isahog, and pdeng kaining hilaw. :)) ...at di ko na alam kung anong pinagsasabi ko.

4. anonymous of http://anonymouschikaz.blogspot.com/
 Patola, minsan lang makain pero masarap

3.patsy of  http://patwithac.blogspot.com/
 siguro brocolli, masarap pag isama sa natunaw na cheese eh:). sorry na corny sagot ko:))

2. Phawphaw of http://humdingerpics.blogspot.com/


  ampalaya para walang gusto kumain sakin, bwahahaha

at syempre ang inaasahan ng lahat, Ang nagkamit ng pinaka maraming nomination  at mga  papuri


Ang Youtube Sensation,
Mshypersinger
Steph of http://traveliztera.blogspot.com/ 
 "Ampalaya. Aside from being a bitter person than u, I can lower down your sugar level to remove sweetness and make u a "bitter person". HAHAHAHA get it? get it? Okay, no ? YES! Tanggal na ako sa listahan! HAHAHA!"


other 10

http://oshinkawaii.blogspot.com/
http://kimmysdailydigest.blogspot.com/
http://tara05angelee.blogspot.com/
http://iamsuperjaid.blogspot.com/
http://pinkypop102.blogspot.com/
http://notyourordinarybeautyqueen.blogspot.com/
http://renanne.blogspot.com/
http://loveagirlwhoreads.blogspot.com/
http://jewelclicks.blogspot.com/

Friday, July 29, 2011

Invited ka, Tara Sama Na

Para sa mga hindi nakakaalam,Nung April 23 ay ipinagdiwang ko ang aking kaarawan kasabay ng pagdiriwang ng itim na sabado. (Black Saturday!! nagpapatawa lang ikaw napipikon agad! hehe.) Opo, tama ang nababasa ninyo, Mahal na araw po ang birthday ko. Siguro kasi sadyang mapagmahal lang talaga ako. hehe.

Madami akong natanggap na regalo, mga video mula sa mga idolo kong bloggers, video galing sa mga bestfren ko, video galing sa mga long lost friend, picture greetings, fan sign, cake, French fries,ketsup, asin, tissue,T shirt, sumbrero, libro,id lace,shorts, pera, yakap, kiss, bag galing kay soulmate, at syempre pagmamahal mula sa aking mga mahal sa buhay. 

Isa sa mga best na regalong  natanggap ko, ay yung nagkaroon ako ng chance na makasama sa isang Catholic prayer meeting of the light of Jesus family o  mas kilala sa tawag na The FEAST nung Easter Sunday. Pakiramdam ko talaga  nung araw na yun, ay muli akong ipinanganak. Muntik muntik na nga akong maiyak sa mga pangaral ni Bro. Bo Sanchez. Nung panahon kasi na iyon, marami akong problema, And look at me now. hehehe. Masaya na ulit. hehe.   



Hindi ko alam, bakit ako nagsusulat ng ganito ngayon, hehe, hindi ko rin kasi mapigil ang sarili ko na maishare sa inyo yung mga blessings na natatanggap ko.Siguro isa na rin sa purpose ko kaya ako ng blog eh makapaghatid ng magandang balita. hahaha. Isipin na lang natin na si Kikilabotz ay isang messenger mula sa langit. hehe. Wag na umangal dun na lang kayo sa baranggay magareklamo. hehe. Sana sa munti kong paraan eh makatulong ako.

Lahat po ay invited, makikita niyo po sa baba yung mga venue na kung saan pwede kayo umatend. Salamat ^_^. Kita kits


PICC
when: Every Sunday, 8-10am, 1030am-1230pm or 4pm -6pm
where: PICC, Pasay City

PASIG
when: Every Sunday, 10am- 12nn or 1pm-3pm
where: Valle Verde Country Club(beside ultra)
ORTIGAS
when: Every Monday, 730pm- 930pm
where: Cinema 3, Roinson's Galeria, Ortigas

MAKATI
when: Every Thursday, 730-930pm
where: AIM Conference Center, Benavidez corner Paseo De Roxas, Makati City

when: Every Sunday, 101m-12nn
where: Cinema 2, 2f  Makati Square

MANILA
when: Every Friday, 430pm-7pm or 7-10pm
where: Cinema 4 , SM Manila (near City Hall)

THE FORT
when: Every Sturday, 430pm-630pm
where: Mercata Centrale, 8th Ave. cor 34th St.(beside MC Home Depot)

QUEZON CITY
when: Every Saturday, 5-8pm
where:GT-Toyota sian Center Auditorium, UP Diliman QC

when: Every Sunday, 9am-12nn
where: Convention Hall, Bureau of Soils, Visayas Ave QC

VALENZUELA
when: Every Sunday 130pm-4pm
where:Cinema 1, SM Valenzuela

ALABANG
when:  Every Sunday, 11am-1230pm, 130-3pm, 4pm-530pm
           Every Wednesday, 730pm-9pm
where: 2nd floor, Near X-Site Enrance, Festival Mall, Alabang, Muntinlupa

LAGUNA
when: Every Sunday 10am-12nn
where:Cinema 1, SM City Sta Rosa, Laguna

CAVITE
when: Every Sunday 10am-1230pm
where: Cinema 5, Robinson Imus, Aguinaldo Highway,Imus, Cavite

MARILAO
when: Every Friday, 530pm
where: Barcelona Academy

when: Every Saturday 530pm- 7pm or 730am-9am
where: Cinema 2, Sm Marilao

BALIWAG
when: Every Saturday 7-9pm
where: Cinema 4, SM Baliwag, Bulacan

TAYTAY
when: Every Sunday 9am- 1130am
where: Valley Fair, Taytay Rizal

CARDONA
when: Every Saturday. 530pm-730pm
where: Quenn Mary Help of Christians Hospital, National Road, Bgy, Calalan Cardona




Friday, July 22, 2011

Nagkasalubong kami ni ex (girl version)

Para mas lubos maunawaan ang kwento basahin mo muna ito




Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ganun? Bakit hanggang ngaun hindi pa rin ako matahimik? Ano bang problema ko? Ano bang dapat kong gawin para maging ok na ang lahat? Para makapagpahinga na ako.Pagod na rin kasi ako. Nakakasawa na.




Ilang taon na akong ganito, palakad lakad dito sa tawirang ito. Paulit ulit lang, wala na bang katapusan to? Ganito na lang ba palagi? Akala ko dati kapag patay ka na wala ka nang problema, akala ko lahat ng sakit, lahat ng pagdurusa kasama ko ng maililibing sa hukay, nagkamali pala ako. Hanggang ngayon , kahit multo na ako, minumulto pa rin ako ng mga problemang ginawa ko.



Si ex, ang mahal kong kong ex boyfriend, mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit eh, hindi naman siya gwapo kagaya nung crush kong blogger na si kikilabotz, pero mahal na mahal na mahal ko siya. Marami nga ang nanliligaw sa akin pero si ex lang ang nakapagpalambot sa puso ko.



Pero, bigla niya akong iniwan. Nasaktan talaga ako dun. Kung sa bagay, hindi ko siya masisisi. Sino ba namang boyfriend ang hindi magagalit kapag nakita mo ang girlfriend mo sa isang sex video? Wala naman. Wala naman.



Simula nun, hindi na siya nagpakita pa, pero patuloy pa rin akong humihiling sa itaas, na sana, na sana muli siyang magbalik. Kaya nga kahit anong mangyari, araw araw, gabi gabi , hinihintay ko siya sa aming tagpuan, sa tabi ng tawiran.





Lumipas ang ilang araw, nabalitaan ko, nagpakalayo na pala ang ex ko, pero hindi din nagtagal, nasiraaan ng ulo, nabaliw daw dahil sa depression. Kasalanan ko naman talaga. Hindi ko man lang naipaliwanag sa kanya ang lahat. Ang tunay na nangyari.





Ngayon, patay na ako. Isa na lang akong kaluluwang ligaw na hindi matahimik. Haayy. May pag asa pa kaya na muli kaming magkita? Kung meron man, at kung mabibigyan kami ng pagkakataon ng tadhana. Kung magkakasalubong muli ang magkahiwalay na landas namin. Ngingitian ko siya ng todo todo , yung smile na maganda, para maipakita ko sa kanya kung gaaano ako nagpapasalamat sa pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Masayang masaya talaga ako. Mahal na mahal ko ang ex ko. At kapag nangyari yun matatahimik na ako.



Hehe, nakakatuwang isipin na PATAY NA PATAY ako sa kanya at siya naman ay BALIW NA BALIW sa akin.





fiction

Tuesday, July 19, 2011

Nagkasalubong kami ni Ex

Matapos ang isang napakainit na tanghali ay ang isang makulimim na hapon, tamang tama para maglakwatsa kasama ang mga tropa. Tamang tama para ubusin ang oras sa aking napakaboring na araw. Tamang tama para magisip sa buhay kong maling mali.

Malas naman! Sa dinami dami ng inaya ko wala man lang sumama. Hay! Bakit ganun? I donk know whats wrong with them. Ganun na ba talaga kasama magpalibre? Buraot  nga ba talaga ako? Siguro Okay na rin  yung ganito.  Mas maganda na rin siguro na mapag-isa para makapaisip na matino, yung walang magulo. Maybe it is time na para mag withdraw naman ako ng sarili kong pera.

Ano ba naman ito? Tatawid ka nga lang may pila pa! Grabe namang PEd Xing to. Hindi ba pwedeng itulok ko na lang yung mga taong tumatawid. Masagasaan na kung sino masasagasaan. Teka... Parang kilala ko yung babaeng patawid na iyon ah?  Ayy Takte!! Si Ex.... teka..teka...san ba ako pwede magtago. Dun ba o dun? waaahh! wala na!  Malapit na siya.Sige na nga haharapin ko na lang. Sa dinami dami ba naman kasi na pwedeng pagkakitaan ulit dito pa..Dito pa sa tawiran.



uhmmmm " ehem ehem hi....".. Ano kaya yun?  nginitian lang niya ako. Ok na rin siguro yun. Matagal tagal na rin pala nung huli kaming nagkita..Siguro 4 or 5 years na. Pero astig. Wala pa rin siya pinagbago. Ang ganda ganda pa rin niya. Ang totoo mas maganda pa nga siya ngayon, mas seksi at mas maputi. Humaba na rin ung buhok niya. Bakit nga ba ako nakipaghiwalay sa kanya? Ang perfect perfect niya. sobrang bait , maganda, seksi, malambing. Lahat na ata ng hinahanap ko nasa kanya  na. Mahal na mahal naman niya ako.. Bakit nga ba? Oo nga pala.

Tama! panahon na siguro! Panahon na para itama yung mga pagkakamali ko sa buhay. Panahon na para magsorry, Panahon na para humingi ng kapatawaran dahil iniwan ko siya nuon. Panahon na para aminin ko sa kanya na siya pa rin ang mahal ko. Panahon na. Yes! excited na ako. Pakiramdam ko nagkaroon muli ng direksiyon ang buhay ko. Woooohhh!Alam ko na! Dadaan ako sa flowershop! bibilhan ko siya ng napakaraming bulaklak. hehe. Sigurado ako magugustuhan niya yun.

Waaaaaaaaaaahhhhh! Ano bang nangyari!? bakit ganun? bakit parang wala akong maalala. Wahhhh! Bakit ko pa kasi sinabi sa tropa ko ang tungkol sa kanya? hindi ko na alam ang gagawin ko. My gulay! Oh my gulay! Hindi ako maaring magkamali. Siguradong sigurado ako sa nakita!!  Wahhhh bakit tumutulo ang luha ko? Naman ang sakit sakit! Anong  klaseng pakiramdam to? Bakit ko pa kasi narinig ang mga katagang.....

" Pare! Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba alam na apat na taong patay na ang ex mo? Namatay siya sa isang aksidente"




fiction

Friday, July 15, 2011

May masabi lang

Sa buong buhay ko ngayon ko lang gagawin to, yung magblog na walang laman ang isip, (kelan ba nagkaroon? hehe) Yung on the spot lang. Yung isusususulat kung anong nararamdaman ngayong oras.  Sabi kasi nila mas maganda daw yung ganito mas malalaman mo yung sinasalsalsalsal....sinasaloob mo..pasensya naman  nauutal  ako. Ganito talaga ako kapag naeexcite. hehe.

kamakailan lang may binabasa akong book , eh yung topic kung papaano magmeditate.Gusto ko kasi makaramdam ng peace of mind.Pero  hindi pala ganun kadali yun. wahhhhhh. sobrang hirap. Promise, mas madali pang tumae nang kasing lake ng pakwan na may tiniktinik kesa mag meditate. Ang hirap talaga.. Pagpumipikit ako ang dami kong naiimagine. Si Sam pinto daw nakabukangkang sa harap ko, tapos sinasabihan ako ng " kumatok ka lang sa pinto ko at pagbubuksan kita" wahhhhh papaano ako makakapagconcentrate ng ganito..

teka! baka sabihin mo malibog ako,  well well well nagkakamali ka. Isa kaya akong maamong tupa. haayyy naaalala ko tuloy nung college ako. Lagi akong pumapasok ng gutom. hehe. madalas  nga maawa sa akin yung seatmate ko.. Tinatanong niya ko " anong baon mo?" sinasagot ko naman" ahh ehhh donut " kinabukasan ganun ulit eksena, "uyyyy anong baon mo ngayon?"  sinagot ko nanaman ulit ng " ahh ehh donut "  kinabukasan ganun ulit ang eksena " uhmmmm huhulaan ko baon mo, donut?"  sinagot ko nanaman ulit ng " may tama ka" tapos nagulat na lang ako ng kinuha niya yung bag ko  tapos sabi " matagal na akong nagtataka kung bakit hindi mo kinakain baon mong donut" waaaaaaahhh kinabahan ako nung panahon na iyon, pinagpawisan ako ng malamig, pakiramdam ko yung pawis ko parang sprite sa lamig. grabe.. "napasigaw na lang ako " plllllllllssssssssss ddonut open that donut open that." Pero huli na ang lahat. nakita na niya ang tinatago kong donut.. naalala ko pa nga reaction niya  at alam kong hinding hindi ko makakalimutan yung pangyayari na yun ..tawa siya ng tawa ..sabay sabi...." Donut pala ah?? DVD to ehhh Bold"


Hindi ko alam kung paniniwalaan mo yung sinasabi ko. kasi ako din hindi ko pinananiniwalaan sarili ko. hahahahaha. bahala na  kayo magdecide kong totoo yang pangyayaring yan o kathang isip lang. basta ang alam ko isa akong maamong tupa. maamong maamong tupa

Wednesday, July 13, 2011

Patok na Patok na Cute na Facebook Status Quotes 2009-2011

Kinalkal ko yung facebook ko, natuklasan ko na May 2, 2009 pala ako nag sign up sa Facebook. Matagal tagal na rin pala akong nagpapaka addict sa FB. At since na personal naman ang category ng blog ko. Napagdesisyunan kong ipost dito ang mga pumatok na Facebook Status ko.



the harder the situation is, the bigger the chance for me to prove how much I love you

Kung ang magiging trabaho ko ay iisipin ka. Yayaman ako, kaka-OVERTIME!

dinugo ako sa ielts review ko knina, hahaha.. sabi ng prof, " when do we use a colon?" haha sabi ko kapag masamang tao dapat iko colon. nyahahaha corny

Do you want happiness in life ??Then never be a Beggar of Love.. Always be a Donor of it ..

"One of the greatest things in life is that no one has the authority to tell you what you want to be. You're the one who'll decide what you want to be.

kapag umuulan ibig sabihin nun, mis na mis na mis na mis na kita


kahit sa imagination ko lang, masaya akong nakikita kitang palaging nakangiti ^_^

kasalanan ko bang ipinanganak akong gwapo?

Try not to take things personally, what people often say is a reflection of them and not you

pasensiya na sa inyo, dahil sa sobrang hot ng katawan ko saka ng abs ko, naging hot na rin ang
 panahon..kasalanan ko talga

nakakainis kapag naglalaba ka tapos biglang uulan! kasalanan to lahat ng pag asa eh. high high pressure area png nalalaman!! hnd daw uulan! grrrrrr

we all have pain but suffering is optional
ang sakit ng katawan ko, sinong pwede magmasahe sa akin jan?
..below 18 pls. hahaha


It's not what's happening to you now or what has happened in your past that determines who you become.
 Rather, it's your decisions about what to focus on, what things mean to you, and what you're going to do about them that will determine your ultimate destiny.

“When it is obvious that the goals cannot be reached, don't adjust the goals, adjust the action steps.


nananakit mga muscles sa abs, nasobrahan ata sa sit-ups... grabe nakatatlo ako


 first time ko magrescue sa isang sunog. nakatulong ang dala kong icewater

huwag ka munang kiligin, hindi pa kita nginingitian.. tinititigan pa lang kita. haha

minsan naisip ko,parang gusto ko maging zebra

bakit halos lahat na lang ata ng gwapong artista ngayon , kamukha ko..Anu ba naman yan...hindi n b sila nahiya....bwahahahahah

it takes million of people to complete the world, But it only takes you to complete mine.. ^_^


laging napagkakamalang studyante kapag sumasakay ng jeep.. iba na talga kapag mukhang bata.
as of now, meron ng 97,223,678,234,124 ang nagsasabing cute ako.. Natutuwa ako kasi marami rami pa rin palang honest sa mundo

Every life is a story, make yours a best seller

Kung nagkakaroon ka ng mga problema ngayon. Huwag kang mag alala. Cguro yang problemang yan ang makakapagpahinog sayo. Para sa tamang panahon. Hinog ka nang ireregalo ng Diyos para sa ibang tao.Ang regalo ni God ang pinakaperfect sa lahat.Kaya Be proud kung gawin ka niyang regalo para sa ibang tao.
sa april magiging isa na akong ganap na ofw. pupunta na ako sa gitnang silangan. sa Libya...libya majora at libya minora. hehe.sama k?

pengeng piso. kelangan ko ng kausap.


the only person you need in your life is the one who need you in theirs

wala na atang nagmamahal sa akin..puro crush lang.. hehe . gumaganun?

nalungkot ako ng nalaman ko ang katotohanan. ako pala ang nawawalang kapatid nina phil at james younghusband ng askalz.. kaya pala may pagkakahawig kami. now i know

sa hipo ko gagaling ka..hehe (nabasa ko lang to sa dyaryo)

on machete diet

sabi nila, We should live with our dreams not with our fear. kaya ngayong 2011, Its tulugan time para maraming dreams. oh yeahh

confident akong mananalo Bmeg vs alaska this wednesday. Kapag natalo magpopost akong picture na hubad hubad na ang tanging suot ay dahon ng malunggay. oh yeah

ngayon ko lang napansin ang tunay na meaning ng pangalan ko. kapag ni re arrange ang letters name ko makakabuo ako ng salitang "MASARAP"

anak ng putik naman tong pc n to. kelangan ng ireformat. ang dami dami ng virus! cno ba kasi nagdodownload ng porno dito umamin na...walang turuan ah?

o tukso layuan mo ako..para habulin kita

pagwapo ng pagwapo. ang umaangal mamatay sa gutom. bwahahahaha

ang problema ay parang amoy ng utot. lumilipas ^_^

akala niyo lang cr! pero kwarto ko yun!! haha

buti pa ang ipis nakakalipad

gusto ko magbakasyon sa malayong malayong lugar. tulad ng..trinoma
maghahanap ng penguin sa beach

wooohhh!after all the effort and hardwork. sa wakas lumalabas na ang hubog ng ABS ko. Ang pinagtataka ko nga lang bkit kaya sa likod sya lumalabas?

life gets bitter and then better


pogi ako kahapon, ngayon at bukas. pugelshit!! cnungaling ako forever. hehe

ibenta mo utak mo pag hindi mo ginagamit

Magpapakabait na ko. gagayahin ko na lang si santino. Bro sana maging masaya ang lahat ng tao dito sa mundo.

ikaw ang gusto kong xmas gift

starting today all im gonna be is her man

one thing i know is how to be a good man to you. and till ill die thats what ill do.

Bata pa lang ako sinanay na akong magbantay ng tindahan, Ang turo sa akin pag sobra ang binigay suklian mo. Kaya dahil SOBRA SOBRA ang hatid niyang saya para sa akin ,SUSUKLIAN ko Siya ng aking walang hanggang pagmamahal

will i continue doing good things even though everybody doesnt appreciates it? yes i will.. o ha? english
mabuti pa ang basurang tinapon mo babalik at babalik sau pero ang cellphone dinukot sa MRT khit kelan hnd na maibabalik pa. haha

lumangoy sa baha....butterfly pa

ang sarap matulog sa trabaho..hahaha..kumikitang kabuhayan..

One of the keys to happiness is a bad memory

penge naman ng pagmamahal. huhuhu

Wala akong lakas na gaya ng kay superman, wala din akong bilis at liksi gaya ng kay pacquiao at lalong hnd ako kasing kisig ng night with a shinning armor ninyo. Pero handa akong magsilbi at mging tagapagligtas ninyo sa oras n kelangan ninyo ako. haha (bangis)

sa work, HND ako kuntento kapag PAPETIKS PETIKS LANG ako sumasahod na..ang gusto ko tinutulugan ko lng yumayaman nako.. MERON BANG GANUN?

kakatapos lng ng orientation nmin. ahihih. OB ward aq naasign. mdami ako mkikita dun

nag enjoy ako kagabi, kasi napanginipan kita..^_^


Controversial Stories

Saturday, July 9, 2011

gusto mo kumita ng maraming pera

Part time na trabaho ba ang  hanap mo? o gusto mo ng extra income?  hehe. Kung ganun wag ka ng mag alala.Si kikilabotz nang bahala sayo. hehe. Kung tutuusin naman madali lang kumita ng pera kung gagamitin lang natin ang ating imagination.So eto yung mga examples



1. Wishing well Hunter -  Kung gusto mo kumita ng pera, bakit hindi mo subukan maging Wishing well Hunter? hindi mahirap ang trabahong ito. Ang kailangan mo lang gawin ay magkaroon ng konting pasensiya at tiyaga. Tuwing sasapit ang ala una ng madaling araw,Para wala masyadong tao, punta ka sa pinakamalapit na park. pwedeng QC circle o kaya MOA  pwede din sa trinoma  basta kahit saan na merong wishing well. tapos pulutin mo mga baryang tinapon dito. Tapos after a month balik ka ulit,  tignan mo marami nanamang mga coins. para lang puno na palaging namumunga. lipat lipat ka lang ng well everyday at sigurado in no time yayaman kang bigla

2. PUJ Passenger Conductor- Hindi ganun kadali ang trabahong ito. Kailangn mo dito ay diskarte at mabilis na mga kamay. Kapag sasakay ka ng jeep, dun ka pumwesto sa likod ng driver. Maraming may ayaw sa puwesto na ito kasi ikaw lagi ang magiging taga abot ng bayad. Hindi nila alam na ang pwesto na iyon ang pinakasafe na lugar kapag sumasakay ka ng jeep (totoo ito, its a fact). bukod pa dun, kung mabilis lang iyong kamay at magaling ka makiramdam, kapag inaabot sayo ang bayad  bawasan mo na ng piso. Kailangan lang talaga mabilis ang kamay mo. kapag nagreklamo ang driver mag maang maangan lang. yung parang wala kang naririnig. Hayaan momag away yung driver at yung nagbayad. Who cares???

3. Tage benta ng blade sa mga emo-  Actually, hindi ko pa ito nasusubukan. Pero sa dumaraming populasyon ng mga Emo ngayon. malay natin diba? baka biglang magboom yung bussiness. Kung sakaling ito ang napili niyong bussiness sana magkaroon kayo ng konting konsiderasyon.  Wag na wag magbebenta ng kinakalawang na blade, baka matetano kaag naglaslas mga emo. kawawa naman db?


Itong tatlo na lang muna. baka sobrang yumaman na kayo. Sana kahit papaano eh nakatulong ako. ^_^