Kapag binilang mo raw ang mga blessings mo sa buhay, it will take you forever, hindi ka pa tapos.
Just want to share how I spent my awesome Sunday last September 18 2011. Ukininay!! umienglish nanaman!! hahaha.
in my MORNING
 |
hahahaha, langya!! wag kayo tumingin sa buhok ko sa kili kili, bagong blower lang yan |
Yun na nga, Naimbitahan ako sumali sa isang FunRun o mas maganda kung tawagin na lang natin na
Run for a Cause ng AXN bilang guess star nila. alam niyo na kapag gwapo. hehe. Yung makakalap daw na pondo ay para sa mga pamilya na hindi kayang matustusan ang pagaaral ng kanilang mga anak. Kaya as a help, bibigyan daw sila ng libreng cable channel. hahaha. joke. korny ko, pakitusok nga ako ng icepick sa mata please.
Nung una kala ko hindi ko talaga kaya, Paano ba naman kasi, First time kong tatakbo ng 35 kilometers, hahaha. joke lang, 10 kilometers lang. Pero kahit na, malayo pa rin yun at wala akong practice. Still, I took the challenge. And guess what? After more than na nakakahingal na isang oras, natapos ko siya. hehe
 |
Xempre, kasama ko ang mga body guard ko,iba na talga kapag sikat,mahirap na
Naisip ko, ang problema pala ay parang pagtakbo, nakakapagod, nakakahingal, nakakasawa at minsan darating ka sa point na gusto na nating sumuko, But the good part is, running is a very good exercise. In the End, nasa atin din pala ang mga benefits. Just keep on going, wag na wag kang susuko.
in my AFTERNOON
After kong tumakbo sa fun run, dali dali akong pumunta sa PICC para magsimba, and then after ng misa, sumama ako sa isang outreach program, binisita namin yung mga lolo at lola natin sa may Montalban.Pagdating na pagdating ko duon ay bigla nagkwento sa akin yung isang lola dun habang umiiyak. Gusto ko sana ikwento lahat , pero baka hindi na magkasya sa sobrang dami at sa sobrang saya. So ikwewento ko na lang yung ilan sa napagusapan namin ni lola.
lola: pasensiya ka na sa akin ha? kasi hindi ako maganda Kikilabotz: haha, sino nagsabi nun lola? kayo talaga oh, smile naman jan. lola: (nagsmile) Kikilabotz : lola, gwapo po ba ako? lola : oo naman, pipili ba naman ako ng hindi gwapo (sabay tawa) Kikilabotz: bolera ka pa rin pala lola, sayo siguro ako nagmana. Gusto mo sumayaw lola? lola: alam mo yung pababa ng pababa ? Kikilabotz: ???? (paktay mode)
THE PABABA DANCE STEP

in my EVENING
God never fails to reward those who have a kind heart. ahem ahem.Minsan talaga hindi ko mapigilan magningning ang ginintuan kong puso. haha. Kaya nga matapos ang masayang pagbisita sa mga lolo at lola pinadiretso ako ni erpat sa ACE Water Spa sa QC.whooo a date with the whole family. hehe
hahaha gabing gabi nakashades eh noh? haha papansin lang.
Ang bait talaga ni Lord, Alam na alam kung ano kailangan natin ska gusto natin sa buhay. Magtiwala lang tayo at ibibigay niya. hehe. Bukod sa narelax ang pagod kong katawan at nagkaroon ng bonding sa aking family, hahahaha. Ang Dami pang naka swimsuit na chikas ..hehe. ang kikinis. waaaaaaahh. ang saya saya saya saya talaga
Syempre hindi matatapos ang lahat kung hindi mo kasama ang iyong mahal, hehehe . After sa Ace Water Spa nakipagdate ako sa aking pinakamamahal na girlfriend. ayiiiiiiiii........
in my DREAMS
...toinkz |
30 comments:
Ayus! Nagbabalak din akong mag-marathon kaso kelangan ko munang mag-train dahil baka kahit 5KM eh hindi ko kayanin. LOL!
Matagal na din akong hindi nakapunta sa Home for the Aged. Nakakatuwa 'yung ibang Lolo at Lola na kung makangiti eh parang wala ng bukas tapos wala pa silang mga ipen. LOL! Pero siyempre nakakalungkot din kasi karamihan sa kanila ay wala ng mga kapamilya o kung meron man, hindi na silang kayang alagaan.
Pero blessing na din kasi meron tayong mga institutions na nag-aalaga sa mga matatanda.
ayun ooh..
ndee na may maipost lang ooh..
bwahahahaha..
naks naman, iba na tlga pag may ginintuang puso pinagpapala ni Papa God, ndee lang po halata kay kiki pero maniwala kau, mabaet yan.ndee xa nangangagat..
bwahahahahaha..
thanks for coming with us.
Continue to pay the blessing forward.^_^
Guest star talaga.Yan si Kilabotz.
Pero ang gandan ng ginawa mo nakakatouch at si lola talagang na conscious na di siya maganda sa kagwapuhan mo.LOL.
Eh di napasubo ka sa pagsayaw.hahahah
dehins mo na sana nilagay ang "in my dreams"...maniniwala na sana akong may LL ka na :D
asteeg si lola...and the whole running thingy
hehe
nice one!new follower here =)
-Macy
www.maccyy.blogspot.com
ikaw nA ang maraming activities hehehe
ikaw na ang busy from sunrise hanggang sunset... pahinga ka naman.. hahaha
Napatingin ako sa buhok mo sa kilikili, kasi nabanggit mo e. LOL. Iba talaga dating mo, kikilabot, sa mga chikabebez, pati thundercat pinapatos mo ... Jukkkkk!!! :D:D:D:D:D
wow... fit na fit at tumatakbo ka sa fun runs :D
May outreach din sa opis tulad ng ginawa mo kaso nahiya me maging volunteer.
natawa ako sa convo niyo ni lola.
at ayos ah,buti ka pa nakasali sa mga fun run na 'yan. wala kasi akong stamina para makatapos ng lap.
wow ang gandang weekend naman nyan. natawa ako dun ng sobra sa picture with your body guards ah? akala ko may pics kang na trunks sa Ace. haha..
God is really good. I'm happy for you!
What a rewarding experience. Gusto ko din ma try yang fun run at magpunta sa home for the aged na nung bata ko home for the ages ang tawag ko,mmm maisma nga sa bakit list.
sayang! di tau nagkita.. hehe I was there.. :)
hongkyut ni lola..>___<
hindi hectic ang araw mo, as in walang ka event event...hehehe
napakaganda naman ng weekend mo! tama nga naman, always count your blessings pero un nga lang, di ka matatapos. :) God bless :D
Ang swerte mo fruitful ang weekend mo. Sigurado napasay mo si lola at may dance session pa kayong dalawa kaya you really deserve that treat on the spa kasama na yung mga chikas na nakabikini. Hehe!
ikaw na ang dancer! lolzz
nga pala, di ka ba sasali dito pre http://www.isangminutongsmile.com/2011/09/smile-quotes-contest.html ? sayang ang prize at ung mga mapapangiti mo :)
napa-WTF lang ako don sa buhok sa kili-kili, akala ko kasi ganun kahaba buhoy mo sa kabila...LOL..napatitig me!
natawa din ako sa word verification
"puttaino"..wala lang. puttaino talaga!!
Ikaw na ang pilantropo! Kapag sobra-sobra na blessings mo, magtapo ka ng kaunti sakin ha. Lol. Biro lang.
Gusto ko rin sumali sa marathon. Gusto ko yung sponsored ng Milo. Wala lang. Baka next year makasali na din ako.
Na-miss ko tuloy yung college life ko. Madalas din kami sa mga bahay-ampunan at home for the aged noon. :D
astig!
ganyang maghapon ang di nakakapagod!
wow nice :) super busy day ah...
sobrang productive ng iyong linggo! buti ka pa, nakapag fun run na ;)
Ito ang isa sa tunay na kahulugan ng kaligayahan. Ayos!
Pero di ko sna napansin yung buhok sa kilikili mo kung di mo sinabi haha!
di pala pumasok komento ko hehehe
di pa ako nakakasubok sa marathon...alay lakad lang..
Ikaw na ang nagcharity work! Gustong gusto ko sumali sa funrun na ganyan, parang ang saya. Laging alay-lakad nasasamahan ko eh. Hahaha. Keep it up Kiki. Nothing we do in the Lord's service is ever useless kaya He will bless you more.
kiki, parang tumataba ka?
such a wonderful and meaningful weekend indeed.. enjoy and happy heart always.. :)
Gusto ko dn mgng bz lyk. At bgla ko ngulat ng may date k s gf mo buti humabol ung toinks ahaha
- pnget mong bestfren :)))
Post a Comment