Thursday, September 13, 2012

Pag-ibig na Pak na Pak , Kwento ng Anghel na isa ang pakpak (kabanata 1)

 Ang Simula ng Pagiibigan

Ang saya saya sa pakiramdam kapag araw araw nakikita mong masaya ang mahal mo, yun lang kuntento na ako.Yun lang, masaya ko nang naididisplay yung ngiti sa mukha ko. For almost ten years na patuloy na pagdadasal, sa wakas naabot ko na rin ang pinangarap ko. Yung makita ang babaeng mamahalin ko. At yun ay si Reena. 

Kasamahan ko sa trabaho, ahente din ng lupa kagaya ko. Maganda at sobrang puti.Parang cotton candy sa kaputian. Ay teka! mali. Pink pala kulay ng cotton candy.Sorry sorry  hehe. Naalala ko pa nga nung unang beses ko siya nakita.  Jokeskopo!   hanggang ngayon  nga kinikilig pa ko.Sa office, bago pa ako nun  sa trabaho and  at that time and I was looking for someone na pwede ko pagtanungan kung nasan si boss, dun sa table malapit sa bintana, dun ko siya unang nakita. She was siting in front of the computer,busy sa pagtatype. di ko masyado kita yung mukha niya , natatakpan kasi ng mahaba niyang straight na buhok. Lumapit ako, sabi ko

"Miss pwede magtanong?"

Nagulat siya, bigla niyang close yung ginagawa niya and then tumingin siya akin. Tapos biglang sinabing

" How can I help you sir?"  

Lecheng hangin  yun at sumabay pa sa eksena, parang eksena  tuloy sa isang lovestory na pelikula. Nakatingin siya sa akin habang ang mga buhok niya ay  dahan dahang sumayaw dahil sa hangin na nanggaling sa bintana.That was the first time na nakita ko ang mga mata niya. It was looking straight to my eyes habang dinidisplay yung matamis niyang ngiti. Pakiramdam ko nga natrap na ko sa mga titig niya and there is no chance na makaalis pa ko, kung meron man. I will choose to stay. Forever.

Damn it! Yun na yata ang pinaka masarap na  " how can I help you sir" na narinig ko sa buong buhay ko. Priceless!  I cant even say a single word nung mga pagkakataong yun. Kabaligtaran sa nangyayari sa puso ko na paulit ulit ng sinisigaw yung lyrics ng isang sikat na kanta na Thank God I found you.


"Hi, I'm Miko , bago lang ako dito. Pwede mo ba maituro yung  office ni boss?"

" So ikaw pala yun? By the way, I'm Ms. Reena. Your new partner"  Habang  inaabot niya yung kamay niya para makipagshake hands.

Kung sinuswerte ka nga naman. Kapag dumating nga talaga ang blessings sabay sabay. May bagong trabaho ka na , maganda pa partner mo, nahawakan mo pa kamay ng future mo. Oh diba? Heaven on Earth.

"Nga pala miko, busy pa si boss sa meeting niya with the clients. habang naghihintay ka, ifill up
mo muna tong pansamantalang ID mo"

Ouch! Ito yung pinaka ayaw kong part sa lahat. grrrrrrrrrrrrrr

      Miko                      Langot                     Naknamputcha
      ___________________________________________
   First name            Middle name                 Lastname

                                          Age: 22



Ayun, pagkabasa niya, tumawa yung tarantado. Jokeskopo! tawang giraffe pa!




itutuloy


Tuesday, July 10, 2012

Para sa babaeng Nagpatibok ng aking puso

Para sa babaeng nagpatibok ng aking puso,

                    Matagal tagal din akong naging single. Bakit? Kasi dumating sa point na inakala ko na ang True Love hindi nageexist. Na pag dating sa isang relationship,  Yung the one na mas magaling maglaro ay yung laging nananalo at yung the one na nagseseryoso, BOOM! At the end siya yung laging umuuwing talunan. At minsan, kung mamalasmalasin siya din yung  luhaan.

Until nung una nating pagkikita, no words were spoken. Tinitigan mo lang ako sa mata . Ang epekto? It Changed my life.

Totoo pala na ang puso gawa sa involuntary muscles, Sa ayaw at gusto man natin, titibok ito ng kusa. Good thing, ang tinitibok ng puso ko ay sa babaeng gustong gusto ko. At ikaw yun


Bwahahahahahahahaa. tama na ang ka cheesyhan


Nagsinungaling ako sayo, diba sabi ko matutulog na ko? Ang totoo hindi naman, andito ako ngayon sa harap ng computer. Ginagawan kita ng isang simpleng letter. Wala lang, gusto sana kita isurprise ngayong monthsary natin eh. Haha. Alam mo? Ngayon lang ako nahirapan gumawa ng letter. Iba pala talaga yung pakiramdam kapag super mahal mo yung sinusulatan mo, Yung pakiramdam na nagamit mo na yung mga words na “sobra, grabe at pinaka” pero di pa rin sapat para idiscribe kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kasaya at kung gaano ako kaswerte sa lahat.

Isa sa hindi ko malilimutang story, ay yung kwento ng tatlong hari. Si Melchor, Si Baltazar at syempre yung cute at poging poging si Gaspar. It’s all about their journey. Sinundan nila yung pinaka malaking star sa langit. At ayun nga, dun nila natagpuan ang pinaka the best blessings.
Kagaya ko din, Sinundan ko lang yung malaking star at yun na nga natagpuan ko ang pinaka best na regalo natanggap ko sa buhay ko. Hehe. Paulit ulit kong sasabihin, ikaw ang good karma ko.

Di na ko magpapaligoy ligoy babe, Mahal na mahal  na mahal kita at gagawin ko lahat ng best ko para lang mapagrow pa ang relationship natin.

Happy Monthsarry

I Love You

Sunday, June 10, 2012

Ibulong mo kay Dr. Love,kay Doktor Kiki Love botz


Sawi? Pusong duguan? Pusong basag na basag? Pusong yurak na yurak? Pusong pinag laruan? Pusong pinaasa? Pusong Niloko? Pusong Iniwan? Pusong pinagpustahan?

Huwag kang magtaka kung bakit nandito ka ngayon sa blog ko, hindi ito isang pagkakataon lamang. Nandito ka ngayon kasi may isang malaking rason. Its either kelangan mo ng kaibigan na magpapayo sayo, or kelangan ng iba marinig ang kwentong pag ibig mo

Minsan dumating ka ba sa point ng buhay mo na gusto mo lang iiyak lahat ng sakit ng dulot ng pagmamahal?Or  Minsan ba itinanong mo sa sarili mo kung bakit nangyayari lahat ng pagkabigo sayo kahit na alam mo naman na hindi mo  ito deserve? Minsan ka na rin bang nalito kung anung dapat mong gawin . kung maghohold on ka ba or mag lelet go?

Kung naranasan mo ang isa sa mga yan. Congratulation!.And I have a good news for you..Marunong ka ngang magmahal.

Aaminin ko, Minsan  na din akong nasaktan. Minsan ko ring naranasan isandal sa pader ang aking likod habang dahan dahan itong ibinababa. Minsan ko rin sinigaw ang mga salitang "bakit ako".

Minsan pakiramdam ko, yung minsan na yan, yan pa yung hardest part of my life. Until natuto ako.

Hindi naman pala masakit ang magmahal, ang masakit ay yung nagmahal ka ng maling tao.

Kaya nga, Ang mga kwentong Nakaka ni kikilabotz ay may konting pakulo para sa inyo mga avid readers. Hehe. Inaanyayahan ko po kayo na ikwento sa akin ang iyong problema sa pag ibig at asahan na mabigyan ko kayo ng payong pangkaibigan .

 isend dito ang iyong kwento





Maraming salamat .

UPDATES.

Since hindi ako maka reply sa mga sulat ninyo. Gusto ko sana na dito niyo na lang ipadala ang inyong mga kwento para makapag payo ako at makausap ko kayo. ENJOY. have a happy love life

Kikilabotz Theblogger

Create Your Badge