Saturday, March 6, 2010

alamat ng bente

Nakikinig kay papajak sa radio. Bagot na bagot. pinipilit makatulog pero hindi makatulog. Yan ang mga ginagawa ko ng mga sandaling iyon. Kaya napagdesisyunan ko na kunin ang librong napulot ko sa kwarto ni kuya.Tenen!! ang title " Dont worry be happy" by bo sanchez. At para antukin sinubukan kong basahin.

It was a blessing indisguise. (tama b spelling?hehe.) Kasi hindi nga ako nakatulog, Pero ang dami ko naman natutunan. halimbawa na lang yung sinabi nya na to be happy dapat  Do not focus on what you dont have rather focus on what you have. At i agrree on what he said. tama naman db? For the past few months and days nabulag ako sa pagkawala ng isang importanteng tao sa buhay ko. Nakalimutan ko kung anung meron ako. Yung hinding hindi maalis sa akin. Yun ang sarili ko. Dapat mahalin ko ang sarili ko. Kasi mahal ako ni Lord at lahat ng mahal  Nya mahal din dapat natin.

bo said na write 20 things na u like about ur self. uhmmm nung una kala ko madali lang pero sobrang hirap pala. wala ako maisip.mas madali pa kung 100 things i hate about myself eh. grrrrr. pero try ko.so eto na nga ang 20 na bagay na gusto ko sa sarili ko. (sarili ko! so friends and love ones are not included)

1. Ang pagiging inosente ng aking itsura. Yung iba nagsasabing cute ako tapos yung iba naman sabi mukha daw ako tanga. well khit anu pa man. Nagpapasalamat ako sa aking itsura kasi dahil dito hindi ako nahihirapan magkaroon ng kaibgan. Kasi mukha daw akong pwedeng mapagkatiwalaan

2.mga jokes kong walang kasing korny. Hindi pa nga ako nagjojoke nagtatawanan na sila sa kakornihan ko. Sasabihin nila babanat nanaman  daw ako nang kakornihan ko. hehe.

3.mahilig ako tumingin sa magagandang babae.I love girls talaga. Nakakagaan ng pakiramdam kapag nakakakita ako ng mga cute at magagndang girls. dagdagan mo pa ng kaseksihan. Para sa akin wala namang masama kung naapreciate ko gnda nila. hindi ko namn sila minamanyak. Ginagalang ko pa nga sila. napaplingon lang talga ako to the max at napapasipol ng wootwoow

4. Mahilig akong magpacute. Anung magagawa ko? Eto ang kinabubuhay ko. wahahaha. yabang eh noh? basta. kapag may cute n girl na natanaw expect mo na magpapacute rin ako sa knila.wahaha

5. Wala akong bisyo. Hindi nagyoyosi. umiinom ng alak pero dahil allergic ako sa alak eh paminsan minsan lang ako  kung maglasing.

6. Alam ko ang responsibilidad ko sa pamilya ko.Nirerespeto ko sila at mahal ko sila

7. I love giving care specially  to those people i love

8.Hindi ko kayang iwan ang mga taong mahal ko.(sometimes hate ko rin toh)

9.ang tinatago kong artisitc side sa katawan.haha. nasa  loob ng kalooblooban  pa yun..

10. i like myself kapag nagiging competitive ako. Kaya lang kasi minsan pinipili ko magpatalo na lng para walang away. bkit ba nangingialam ka!? away gusto mo?

11. I love myself for hating violence. Gusto ko  kasi peace lang ang buhay buhay. ayoko ng may kaaway. ayoko na malaman na may isang tao na nagagalit sa akin. kahit isa lang hindi na ako mapakali.

12. I love to inspire. Ewan ko nakakagaan ng pakiramdam kapag yung mga kakilala ko sinasabihan ako na nainspired ko sila.hahaha.

13.Marunong ako umiwas sa tukso. Mas mahirap kasi kung lalaban ang tukso kaya iwas iwas na lang

14. Mahilig akong magcomputer. kahit galit na galit na sa akin ang mga magulang dahil minsan nagaadik ako sa harap ng PC. wala ganun talga eh. naging pangarap ko ang maging web designer eh. Saka i think ang pc at net ang binigay sa aking sandata ni Lord para ipaglaban ang what is right

15.tinatamad ka na noh? hahahaha. ako rin eh. Pero isa rin toh sa mga gusto ko sa sarili ko. uhmm hindi ako nagpapakamatay para sa isang bagay. Easy lang. ang mahirap ng bagay kapag hindi mo inisip na mahirap to pakiramdam mo ang dali dali lang.

16. im a good follower.

17.Mahilig ako sa spaghetti (tae wala na  talga masulat eh)Pero dahil sa hilig ko sa spaghetti na yan nabuo ang una kong pangarap. ang maging waiter para makakain ng maraming spaghetti

18.gusto ko sa ugali ko yung pagiging ayokong binibigo yung mga taong umaasa sa akin. Mas gusto ko nga na wag na lang nila ako asahan eh.

19. gusto ko rin sa sarili ko ang pagiging ayaw ko sa pakiramdam na walang silbi. gusto ko may ginagawa ako. gusto ko nakakatulong ang sa sarili ko, sa kapwa ko,sa pamilya ko, at sa marami pang iba

20. for trusting God sa buhay ko

actually sabi 100 things daw talga dapat eh. whahaha. pigang piga na utak ko. wala na laman. Pero sa on process palang ako ng pagiging masaya. so later magagawa ko na rin kahit isang libo pa.

DONT WORRY BE HAPPY

Tuesday, March 2, 2010

free

Knina habang kasama ko ang apat sa  aking mga katrabaho  nagyaya sila na manood ng sine sa Sm. Bago manuod napagdesisyunan muna namin na kumain kasi gutom na mga alaga namin sa tyan! Hindi ninyo natatanong ibat ibang hayop ang laman ng tiyan namin. Merong buwaya, kahit ano kain.  Manok, tuka lang  ng tuka. Meron ding daga, ok na ang tira tira. Basta ang sa  akin zebra. ! basta gusto ko lang zebra! walang pakialaman! peksheeet. hehe

Ayan edi order na. Kanya kanya kming pila at bili. Nung turn ko para sabihin order ko. Biglang nagsalita yung  magandang cashier . Ang sabi ay...

pogi ano order mo?

waaahhh!! walang galang! Hindi na siya nahiya! Hindi ako pogi! hindi ako pogi! cute lang!grrrrrr. Dahil sa inis-tuwa-whatever na naramdaman  ko sinagot ko siya habang nakangiti ako.sabi ko. Pwede ikaw na lang iorder ko?I think ur so special kasi. Ayun ngiti din sya.haha.

After kumain eh umaakyat na kmi sa taas para manood ng sine. Waahhh! nilinlang nila ako. Kala ko pa naman lightning thief ang papanuorin. Badtrip ang binili nilang ticket ay i miss you like crazy pala. asar. wala na ko nagawa kundi ang makinuod na rin. habang nanunuod kmi napansin ko umiiyak mga katabi ko kaliwat kanan. haaayy. Bakit pa manunuod kung iiyak rin pala sila. Hindi ba sila napapagod umiyak? ako kasi pagod na. ayaw ko na.

Ang totoo habang pinapanood ko yung pelikula maraming beses ako tinamaan at nasapul sa mga ibat ibang pangyayari sa bawat eksena. Dami ko natutunan. Dami ko nalaman.Dami ko naintindihan. Madaming mga linya ang tumatak sa isip kong walang laman. Walang  laman kundi sya.

Kaya nga paguwing paguwi ko. Sya agad ang naalala kong itxt. Txt ko sa kanya

may narealize ako. Naisip q na the best thing to show  u how much i love u is to let you go na. Paxensa na at naging unfair  ako. Pinagkait ko sayo na mging masaya ka. Paxensya na at lagi pa rn kitang iniistorbo at hindi na binibigyan ng peace of mind na hinihinge mo. Alam kong magiging sobrang hirap para sa akin pero para sayo. ill set u free na. kung tayo talaga tayo talaga db? masaya na ko na pinaramdam mo sa akin panu mahalin.

basta ganyan yung message ng txt ko sa kanya. hindi ko lang maalala anu exactly yung sinabi ko. kasi habang pinipress ko mga  button sa cellphone ko tumutulo mga luha ko.

sino b pwede mayakap jan!? Group hug?:D

Minsan kelangan mo masaktan para malaman mong hindi ka manhid

Monday, March 1, 2010

how to be a passer

Magdadalawang taon na nang marami akong ginulat sa pagkapasa ko sa NLE (board exam ng nursing). Maniwala kayo o sa hindi maging si erpats ay hindi rin naniniwala na magagawa kong ipasa ang board exam na marami ang bumabagsak. Papaano daw papasa ang isang tulad ko na magbasa lang ang title ng libro nakakatulog na. . Oo nga determinado at focus daw ako pero hindi sa board exam kundi sa panonood ng tv, pagkokompyuter at pagtetext text text text at text. Magsumikap naman daw ako

Muntik na sana ako mahabag ng pagalitan ako ni erpats dun. Makokonsensya na sana ako.Tutulo na sana mga luha ko. Kaya lang may sumabit sa mga sinabi nya eh. muntik na kong sumagot. Sasabihan ko sana si erpats ng " sinungaling sinungaling!! papaano ako magtetext text text at text eh wala nga ako cellphone! grrrrrrrr" Pero dahil may respeto akong anak nanahimik na lang ako at naglaro ng tamogotchi ng kapatid ko.

Hindi naman ako matalinong tao. Actually nga bumagsak ako sa comprehensive exam ng school namin. At muntik muntik na kong hindi gumraduate. Buti na lang nabigyan kami ng make-up exam at sa awa ni Lord nagawa kong maipasa yun.

Eh anung sikreto ko? hmmmm. Pag isipan ko pa kung sasabihin ko.haha. joke lang. Wala naman akong sikreto meron lang mga konting tips na gusto ko ipamahagi

Una sa lahat dapat huwag kang matakot bumagsak. Kasi ang exam ay parang pag-akyat sa puno.  Kung takot kang bumagsak  malamang sa alamang hinding hindi mo susubukang umakyat hanggang sa pinakatuktok.


Ang pinaka mahalaga dapat huwag na huwag kang makaklimot humingi ng tulong sa Itaas.Naalala ko kapag nagdadasal ako bago ako magboard exam. HIndi ko pinagdasal na sana pumasa ako instead ang dasal ko ay Lord kayo na po bahala sa akin. Kung saan ako mas makakatulong at kung saan ako mas pakinabang ihatid Ninyo po ako dun.

Marami akong pinagdaanan pagsubok . Nandiyan yung na hospital si mama, Tapos away bati kay former gf, tapos tuluyan ng hiwalay kay ex, Bigla pang tatamarin pumasok. Mahoholdup.haaaay grabe yung time na yun. Hindi ako makapaniwala na kinaya ko yun. Tnx God.

Eto pa ang ilan sa mga factor na makaktulong in particular order mula sa pinakaimportante
relaxation, motivation, inspiration,relaxaion, preparation, relaxation, determination

After kong pumasa, At sabihin ang balita sa aking mga magulang. Hindi ako masyado makatulog. Lagi ko naalala. Waaaaaaahhhh ang panget pala ni erpat umiyak..Hindi ako sanay. Pero nakakagaan ng pakiramdam.

after lahat ng pagsubok masasabi kong im a passer.