Monday, November 30, 2009

interview with an ant

November 30, 2009. Pawis na pawis akong naglalakad pauwi sa amin. Pagod na pagod. Ngunit sa likod ng bawat patak ng sebo at asin na lumalabas sa aking mga balat, Ay may alaalang kumiliti sa aking puso't isipan. Isang pangyayari na pilit nagbibigay sa akin ng kasiyahan. Eto ay ang alaala ng isang kaibigan. Itago na lang natin siya sa pangalang " gbfhuioytsr hjre ". Isa siyang langgam na mahirap ispellingin. At ito ang aming kwento.

March 11, 2008. Araw ng aking graduation.


ako:   "ARAY!! May kumagat sa betlog ko!!!GRRRRR!!"

katabi : " uYYY hindi ako yun ah? promise! "

ako:  "Malamang!! kasya ka ba sa salawal ko?"

katabi : " malay mo? haha."

ako:  " Ikaw pala ang salarin ha!? " (habang hawak ang isang langgam)

katabi :  " Patay kang langgam ka! Ang daming kakagatin bakit betlog pa niya!?"

ako:  " alam mo ba ang ginagawa mo!? " (habang nakatingin sa kawawang langgam) " Pinamaga mo lang naman ang isa sa pinaka mahalgang parte ng katawan ko! Sino ang nag-utos sayo? SINO!!? MAGSALITA KA!!

????:  Wala po bossing ako lang!!

* nagka-tinginan kami ng aking katabi, habang tinutugtog ang kantang GOT TO BELIEVE IN MAGIC*


katabi: "WAAAAHHHHHH!!!"( tumakbo palayo!)

ako: "Gago yun ah? tumakbo!!" (natakot yata sa mukha ko) " marunong ka pala magsalita!? "( habang nakatingin sa langgam) " bkit ngayon mo lang sinabi ? Anung pangalan mo?"

????: "" gbfhuioytsr hjre  po".

ako: "bakit mo ako kinagat kung walang nag-utos sayo? "

gbfhuioytsr hjre: Ginambala mo kasi ang aming palasyo! Sinira mo ang mga pagkain na pinaghirapan naming ipunin ng aking mga kasamahan!

ako: ah ganun?

gbfhuioytsr hjre: Anung ahh ganun!? Tinapakan mo ang aming animal rights! Hindi porket langgam kmi pwede ninyo na kaming tapak-tapakan. How Dare you!!. Ganyan naman kayong mga tao eh!, Namimili lang kayo ng mamahalin.

ako: bkit mo naman nasabi yan?

gbfhuioytsr hjre: Bulag kami pero hindi kami manhid! Sige nga! Meron  ka na bang nakitang tao na ginawang pet ang langgam? wala pa diba?  Naranasan niyo na ba ang mailagay sa tansan ng softdrinks at mailuto ng buhay? O kaya naman ay ihian ng sadya!? Hinde pa diba?

ako: oo nga noh? Ikaw ba naranasan mo na makagat sa betlog? Masakit yun ah!?

gbfhuioytsr hjre:  Ginawa ko yun kasi ayun ang nararapat!At ayun ang misyon ko sa mundo. Sinira mo ang aming tirahan at lahat gagawin ko para ipagtanggol at protektahan ang aking tahanan! Ayun ang wala sa inyo! Ni pagpila nga hindi kayo marunong eh. Ang tanging alam lang niyo ay gamitin ang mundong ipinagkaloob sa atin pero hindi ninyo to kayang alagaan.

ako: Hindi naman lahat , may mga tao din naman na handang ipagtanggol eto.

gbfhuioytsr hjre: asan sila!?

ako: eh ayun oh!!. yung nagbabasa ng entry na toh. sa kaniya kanyang paraan makakatulong sila.

gbfhuioytsr hjre: sana nga. sana

* ang kwentong eto ay pawang imbento lamang..Ibinase ko ang mga langgam sa maliit na tao na pilit pinaglalaban ang kanilang mga karapatang natatapakan na. *

Wednesday, November 25, 2009

2013

Napanuod ninyo na ba yung movie na 2012? Ako kasi hindi pa eh. Pero parang gusto ko siyang panuorin. Maganda ba? Eh sa tingin ninyo mangyayari kaya talaga ang mga eksenang yun sa darating na 2012? Diba parang may basehan naman? Sunod sunod na kasi ang mga delubyong nangyayari sa ating magandang mundo? Tapos parang i heard something pa about mayan calendar ata yun! Sabi last day will be on 2012 talaga. May koneksiyon kaya ang pagkakaroon ng milyong milyong NURSES sa Mundo? Naniniwala kasi ako sa kasabihang everything has a purpose.

TEKA!Nakapagready ka na ba? Alam mo na ba gagawin mo? Meron ka na bang mga emergency kit jan sa inyo? Nagtabi ka na ba ng mga relief goods? Flashlight? Yung  Charger ng cellphone?  Barya para may pantawag sa phonebooth meron ka na? Panyo baka pagpawisan wag kalimutan. Biogesic baka sumakit ang ulo kakakanta ng "where is the love the love the love". Kabisado mo na ba yung mga kantang "Hindi kita malilimutan"? Ay gamot na rin sa bukol dalhin mo na.


Eh kung magkataong maganap nga ang mga yun? ano ang gagawin mo? Tatakbo ka ba kung alam mong wala ka ring namang tatakbuhan? Tutulungan mo pa ba yung mga taong nasugatan? Kung alam mo rin na lahat ay mamatay. Magagawa mo pa kayang umiyak? Kung alam mong wala ring maawa sayo. Bibitbitin mo pa ba yung mga mamahaling mong appliances? kung alam mong hindi mo na rin ito magagamit. Gugustuhin mo pa kayang mabuhay kung masaksihan mong lahat ng pinagkukunan mo ng lakas at saya ay unti unti ng namamatay?
 
Eh paano kung magkataong mabuhay ka? At kung ikaw lang mag isang nabuhay.. masasabi mo kaya ang mga katagang "yehey buhay ako" ?? At paano kung makalipas ang isang taon makakita ka ng ibang survivor?  At naghahanap sila ng makakain. At xempre ang prospect ay ikaw!!  Matutuwa ka ba kung sasabihan kang "tumutulo laway ko sayo!YOU looks so yummy!!"?grrrrrr

Kung ako tatanungin? uhmmm cguro ang gagawin ko kung sakaling maganap ang delubyong yan! Sasabihin ko sa sarili ko!! "Gagu palabas lang yan!! wag ka affected!" hehe. joke. Ang totoong gagawin
ko.

 I WILL JUST CLOSE MY EYES., SMILE., DO A PRAYER., MAGPAPASALAMAT SA ORAS NA PINAHIRAM SA ATIN. AT SASABIHIN KO LORD GABAYAN NINYO AKO SA MGA DAPAT KONG GAWIN. KAYO NA PO ANG BAHALA SA AMIN.


Napaka weirdo ng mga naisip kong isulat ngayon. Ewan ko kung bakit ! Pero tatlong beses naglag yung pc ko habang ginagawa ko ito. Parang may presensya na ayaw ipatapos to.grrrr kakatakot.

Sunday, November 22, 2009

Hindi na ako bago sa mundo ng blogging. Matagal tagal na rin nung una kong sinimulan ang pagbablog. At ang una kong  nagawang blog ay  sa friendster blog. Maganda naman ang friendster blog. Madali lang maintindihan at matutunan kaya lang may mga pangyayari talaga na nag udyok sa akin para lumipat na dito sa blogspot.

1. medyo nawawala na ang privacy ng friendster account ko. medyo dumami na rin ang mga manloloko maski nga ata suot kong brief alam na  nila. tatak, kulay, amoy at pati ata presyo alam na rin nila.Kung para sa akin ok lang naman yun. friendly naman ako.

2. Nauso na ang facebook. At ang mga friend nagbabasa ng mga sinusulat ko aypaunti unti nang nawawalan ng oras bumisita sa friendster. Mas gusto na nila ang farmville at restaurant city ngaun.buddy poke nyu ako ha? hehe

3. pakiramdam ko , I have a calling, na kelangan ko sumulat ng sumulat ng sumulat .  kahit ano lang ang basta may maisulat . Non sense , may sense o kabalastugan lang basta may masulat. Yung mababasa ng buong mundo.(connected to sa pinaka una kong post)  kaya nga minsan nagttry na lang ako magenglish. kaya lang talagang sadyang mahirap. Daig pa nga ata ako ni manny pacquiao eh. you know!!

Bago lang ako dito sa sa blogspot kaya pagpasensiyahan ninyo na kung medyo panget pa ang mga designs ko . hehe. Sana mapaganda ko tong blogspot ko. hehe. Sino pwede magturo jan!?

At xempre bago ang lahat sinimulan ko ang blog ko sa isang prayer. Ayun naman ang pinakamhalaga sa lahat diba?.

nwei congrats sa akin may limang followers na ako. wooottt wooooooww maraming maraming salamat sa inyo. sa pagsuporta ninyo sana hndi kayo magsawa at madagdagan pa ..hehe


1. Lee
2.keso
3.mister llama
4.miss guided
5.kox

tnx sa inyo. hehe

Monday, November 16, 2009

TIGASAN TAYONG LAHAT

Usapang matigas.
Bawal ang lalambot lambot.


Katulad ng  kababayan natin na si Manny Pacquiao na nakipaglaban ng buong tapang sa ring nung nakaraang linggo. Itinayo at iwinagayway ang watawat ng Pilipinas at higit sa lahat ang LAHING PILIPINO.

Bago ang lahat hindi kinalimutan ni Manny ang magdasal. Pumunta sya sa sulok ng ring at duon sinimulan ang seremonya ng paghinge ng gabay  at pasasalamat . Ganun din naman ang ginawa Cotto. Pero bkit kaya si Manny ang pinalad na manalo? Ibig bang sabihin nito na  mas magaling magdasal si Manny? O kaya dahil  mas madaming nagdadasal para kay Manny? O hndi naman dahil mas maaming nagdadasal para magka MONEY na dala ng pusta? ang sagot. hindi ko alam. Siguro talagang mas matigas lang ang mukha ni Manny kaysa kay Cotto. Congrats manny





Kasabay ng pakikipaglaban nang ating pambansang kamao. Isa pang mahusay na mandirigmang Pilipino ang nagtangkang ipakita ang galing ng ating bansa.Itoy walang iba kundi si Brandon Vera sa larangan ng UFC. Ngunit hindi gaya ni Manny . Natalo si Vera via contoversial  unanimous desicion.




Ang pinakamalungkot sa lahat. Ang isa pa nating kababayan na si Z. Maganda ang kanyang pinamalas na pakikipaglaban ni Z sa loob ng 12 rounds. Na khit napabagsak siya nung 12 rounds ay nagawa pa rin niyang maiuwi ang pagkapanalo. Kaya lang sa hindi inaasahan na pangyayari. matapos ang laban nagcollapse si Z . Sinasabing may nabuo daw na dugo sa knyang ulo dahil sa lakas ng pagkakasuntok d2. Ang balita ay hindi na daw muli pang makakapagboxing si Z. sama sama po nating ipagdasal ang mabilis na pagalng ng ating kababayan.




Akoy nagpapasalamat sa matatapang na tao na Handang makipagpatayan para sa kanilang bayan. Ako bilang ako Ay nagpupugay sa kanila. Salamat sa inyo sa mga makabagong Bayani ng PILIPINAS

Eto ang pinaka matigas sa lahat. isang taon na Pala ang video ko nato. Batang bata pa ako. lahat ng kaibgan ko  na pinanuod ko nito sinabihan ako na  matigas ang mukha. haha



WAG NATING KALIMUTAN KUNG SAAN TAYO NAGMULA. KUNG TIGASAN  TAYO. GALING TAYO SA PILIPIPINAS. NAGMULA TAYO SA SINAPUPUNAN NG ATING MAGULANG. AT HIGIT SA LAHAT BUMALIK TAYO KUNG SINO ANG LUMIKHA SA ATIN