Wednesday, January 30, 2013

Ako ay isang Blogger

hi gulat kayo noh? ako rin nagulat kung bkit nagbblog ako dito ngayon eh. hahaha. may utang pa nga akong storya na di ko alam kung matatapos ko pa.

Wala lang, may maikwento  lang, matagal na pala nung nagsimula akong magblog. hehehe. 2008 nung una akong gumawa ng blog ko. pag kaalala ko pa nga sa friendster pa. hehehe. Dun ko pa nga nakilala mga tinitingalang mga blogger.

si otep at ang kanyang LIBRE LANG MANGARAP
ang henyang babaeng si SALBE at ang kanyang A B N K K blog N P L AKo
at syempre si bino at ang kanyang DAMUHAN

sila  at ang kanilang mga blog sa mga una kong nabasa dito sa mundo ng world wide web, kahit di nila ako kilala nun at akoy simpleng gwapong mamamayan lamang.

2009, 2010,2011 at 2012 , mga taong mga lumipas at  kahit paminsan minsan nagagawa ko pa rin makapag post.

Mahirap man paniwalaan, Hindi ko inaakala na marami akong naging kaibigan  dahil dito. Di lang sa Pilipinas, sa buong mundo pa.  Too many to mention kung iisa isahin ko...hahaha. trademark ko na ang maging tamad..wag na epal.

Marami rami rin ang pag eemo ko rito, marami rami rin ang pagliligalig ko rito. hahahahaha..marami mrami na rin mga kwento kong nagawa.. may nakakaalala pa ba sa pagmamahalang Lufet at Dalisay? hahahaha..

Natuto na ko, na dito sa blog. Pwede ka kumita ng salapi. Dollars pa kung gugustuhin mo. kaya marami akong ginawang blog

mula sa inspirational na kamukamo.com 
tapos nadagdagan pa ng Jokeskopo!
hahahaha lumabas rin ang pagiging mahilig ko sa mga pussy cats Super Meow Meow
at ang bago kong blog na  magpapakilig sa mga mambabasa Wedding Proposal Idea

lubos po akong nagpapasalamat sa mga sumuporta sa akin..

I love you all





Thursday, September 13, 2012

Pag-ibig na Pak na Pak , Kwento ng Anghel na isa ang pakpak (kabanata 1)

 Ang Simula ng Pagiibigan

Ang saya saya sa pakiramdam kapag araw araw nakikita mong masaya ang mahal mo, yun lang kuntento na ako.Yun lang, masaya ko nang naididisplay yung ngiti sa mukha ko. For almost ten years na patuloy na pagdadasal, sa wakas naabot ko na rin ang pinangarap ko. Yung makita ang babaeng mamahalin ko. At yun ay si Reena. 

Kasamahan ko sa trabaho, ahente din ng lupa kagaya ko. Maganda at sobrang puti.Parang cotton candy sa kaputian. Ay teka! mali. Pink pala kulay ng cotton candy.Sorry sorry  hehe. Naalala ko pa nga nung unang beses ko siya nakita.  Jokeskopo!   hanggang ngayon  nga kinikilig pa ko.Sa office, bago pa ako nun  sa trabaho and  at that time and I was looking for someone na pwede ko pagtanungan kung nasan si boss, dun sa table malapit sa bintana, dun ko siya unang nakita. She was siting in front of the computer,busy sa pagtatype. di ko masyado kita yung mukha niya , natatakpan kasi ng mahaba niyang straight na buhok. Lumapit ako, sabi ko

"Miss pwede magtanong?"

Nagulat siya, bigla niyang close yung ginagawa niya and then tumingin siya akin. Tapos biglang sinabing

" How can I help you sir?"  

Lecheng hangin  yun at sumabay pa sa eksena, parang eksena  tuloy sa isang lovestory na pelikula. Nakatingin siya sa akin habang ang mga buhok niya ay  dahan dahang sumayaw dahil sa hangin na nanggaling sa bintana.That was the first time na nakita ko ang mga mata niya. It was looking straight to my eyes habang dinidisplay yung matamis niyang ngiti. Pakiramdam ko nga natrap na ko sa mga titig niya and there is no chance na makaalis pa ko, kung meron man. I will choose to stay. Forever.

Damn it! Yun na yata ang pinaka masarap na  " how can I help you sir" na narinig ko sa buong buhay ko. Priceless!  I cant even say a single word nung mga pagkakataong yun. Kabaligtaran sa nangyayari sa puso ko na paulit ulit ng sinisigaw yung lyrics ng isang sikat na kanta na Thank God I found you.


"Hi, I'm Miko , bago lang ako dito. Pwede mo ba maituro yung  office ni boss?"

" So ikaw pala yun? By the way, I'm Ms. Reena. Your new partner"  Habang  inaabot niya yung kamay niya para makipagshake hands.

Kung sinuswerte ka nga naman. Kapag dumating nga talaga ang blessings sabay sabay. May bagong trabaho ka na , maganda pa partner mo, nahawakan mo pa kamay ng future mo. Oh diba? Heaven on Earth.

"Nga pala miko, busy pa si boss sa meeting niya with the clients. habang naghihintay ka, ifill up
mo muna tong pansamantalang ID mo"

Ouch! Ito yung pinaka ayaw kong part sa lahat. grrrrrrrrrrrrrr

      Miko                      Langot                     Naknamputcha
      ___________________________________________
   First name            Middle name                 Lastname

                                          Age: 22



Ayun, pagkabasa niya, tumawa yung tarantado. Jokeskopo! tawang giraffe pa!




itutuloy


Tuesday, July 10, 2012

Para sa babaeng Nagpatibok ng aking puso

Para sa babaeng nagpatibok ng aking puso,

                    Matagal tagal din akong naging single. Bakit? Kasi dumating sa point na inakala ko na ang True Love hindi nageexist. Na pag dating sa isang relationship,  Yung the one na mas magaling maglaro ay yung laging nananalo at yung the one na nagseseryoso, BOOM! At the end siya yung laging umuuwing talunan. At minsan, kung mamalasmalasin siya din yung  luhaan.

Until nung una nating pagkikita, no words were spoken. Tinitigan mo lang ako sa mata . Ang epekto? It Changed my life.

Totoo pala na ang puso gawa sa involuntary muscles, Sa ayaw at gusto man natin, titibok ito ng kusa. Good thing, ang tinitibok ng puso ko ay sa babaeng gustong gusto ko. At ikaw yun


Bwahahahahahahahaa. tama na ang ka cheesyhan


Nagsinungaling ako sayo, diba sabi ko matutulog na ko? Ang totoo hindi naman, andito ako ngayon sa harap ng computer. Ginagawan kita ng isang simpleng letter. Wala lang, gusto sana kita isurprise ngayong monthsary natin eh. Haha. Alam mo? Ngayon lang ako nahirapan gumawa ng letter. Iba pala talaga yung pakiramdam kapag super mahal mo yung sinusulatan mo, Yung pakiramdam na nagamit mo na yung mga words na “sobra, grabe at pinaka” pero di pa rin sapat para idiscribe kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kasaya at kung gaano ako kaswerte sa lahat.

Isa sa hindi ko malilimutang story, ay yung kwento ng tatlong hari. Si Melchor, Si Baltazar at syempre yung cute at poging poging si Gaspar. It’s all about their journey. Sinundan nila yung pinaka malaking star sa langit. At ayun nga, dun nila natagpuan ang pinaka the best blessings.
Kagaya ko din, Sinundan ko lang yung malaking star at yun na nga natagpuan ko ang pinaka best na regalo natanggap ko sa buhay ko. Hehe. Paulit ulit kong sasabihin, ikaw ang good karma ko.

Di na ko magpapaligoy ligoy babe, Mahal na mahal  na mahal kita at gagawin ko lahat ng best ko para lang mapagrow pa ang relationship natin.

Happy Monthsarry

I Love You