Pages

Friday, May 13, 2011

welcome me australia

"Kuya, Gising na! ihanda mo na daw mga papeles, Sabi ni mama pumunta ka daw Australia"

Yan ang naging pang gising sa akin ng aking bunsong kapatid.Nakakatamad man bumangon kasi napakalamig at ang sarap matulog, tumayo na ako. Tinignan ko ang murang cellphone ko. Wow, may nagtxt! may nakakaalala  at nagmamahal pa rin pala sa akin. Tapos ini-open ko yung inbox. haha. Lintek yan! akalain mo yun? may lihim pa lang pagtingin sa akin sina GLOBE at 4438. hehe. rereplyan ko na sana, kaya lang wala pala akong load. Talaga yatang flashlight lang sibi nitong cellphone ko.

Grabe! Ang sungit sungit nang panahon ngayon. kasing sungit ni Justin Bieber nung umalis siya sa Pilipinas. Grabe! May bagyo pala, now I know kung bakit  "bebeng" ang pangalan ng bagyo. Kasi nga ipinangalan kay Justin.. Justin Bebeng. hahaha. teka, bakit parang ang korni ko na nitong mga nakalipas na araw? Gutom lang siguro to. hehe

Pinuntahan ko si mama sa kwarto, tinabihan , hinawakan at kinausap.

"ma, diba nagusap na tayo? Diba sabi ko ayoko muna mag abroad? Dito na lang muna ako. Dito na lang muna ako sa Philippines. (yehey! english). Dito na lang muna ako magbabanat ng buto. Ma, ayoko muna umalis. Pag-umalis ako, paano na kayo? si papa, sino mag aalaga sa inyo? diba hindi pa naman natin kelangan ng malaking sahod? diba? Kung naliliitan kayo sa kinikita ko, edi sige! bukas na bukas din maghahanap ako ng pandagdag kita. Ma, pls. ma, diba nag usap na tayo? bakit ganito? biglaan. Hindi niyo man lang ako kinunsulta? ma, Bakt bigla niyo na lang ako papapuntahing Australia?


Tinignan ko sa mata si mama, Pero hindi siya sumagot. Malamang!hehe. kasi picture lang niya kinakausap ko. Namalengke pa kasi si mama. Kaya nagppractice muna ako ng iddrama ko.  Tapos nakita ko yung kapatid ko. tawa ng tawa. Nakalanghap nanaman siguro ng sariling utot. Mukhang high eh.Sabog. Kaya tinanong ko siya kung bakit. Tapos sabi niya;

"Kuya,hahahah, Hindi naman kasi Australia! Estrella.. Singilin mo daw ng renta ng bahay si aling Estrella. tatlong buwan ng hindi nagbabayad. " 

ok ako na! ako na! Akooooooooooooooo na

39 comments:

  1. hahahaha...nagshare ata kayo ng kapatid mo sa utot..haha ang high ng post lels lang...haha

    ReplyDelete
  2. wahahah. pumapractis lang pala ng emote and drama.

    sabi nga ni akoni, baka naghati kayo sa smell ng utot. :p high na high

    ReplyDelete
  3. Sayang naman ng iprinaktis na linya... lels... Tama si akoni... lels talaga! lelelelelelels

    Uy salamat at sumaglit ka noon... sayang lang kapos tayo lahat sa oras... hehehehehe

    ReplyDelete
  4. waaajajajajaja..ayos s pagddrama ih noh tpos estrella lang pala...charr!!

    ayos dn ung kpatid mu mtipid..utot nlng ang tinitira...jajaja...

    ReplyDelete
  5. ang kyut!
    napatawa nga ako kay Justin Bebang eh. haha.. hindi naman corny pare.. astig nga eh.

    sige sige, welcome to australia.. Estrella pala.hehe

    Kosa

    ReplyDelete
  6. gumulong talaga ako sa tawa sa Estrella.
    kilabotz.
    pero pareho tayo ng mobile yong my flaslight na natatangal na ng cover sa likod malamang.

    Ikaw na ang effortless sa mga ganitong eksena

    ReplyDelete
  7. akala ko iwan mo na talaga yung pilipinas. hehehe. pwede ka na maging comedy movie writer.

    ReplyDelete
  8. ako sa CANADAw ako pupunta... TSAKANADAW ako pupunta dun kung may pamasahe na... ahahaha... :)

    ReplyDelete
  9. ayun naman pla may pinagkakakitaan ang paupahan, dina kelangan pmuntang australia hehe.

    ReplyDelete
  10. muntik na akong mainggit. papabili pa naman sana ako ng crocodile jerky.

    hay.

    ReplyDelete
  11. akala ko maiinggit na naman ako s aisang blogger na makakapunta sa isang lugar na gusto kong puntahan pero di ko magawa, lintek yan aling estrella lng pala, hahaha!


    Sino si Bebang? Bebeng yung typhoon parekoy, pakilala kita gusto mo? kaso kakaalis lang nya... LOL

    ReplyDelete
  12. next time, linis tenga muna hahaha. at si justin bieber naman, hehehe ala lang di ako fan eh. yun lang :D

    ReplyDelete
  13. lang ya humagalpak na naman ako sa opis..XD

    emote na emote, picture lang pala..kaw na talaga, kaw na!

    ReplyDelete
  14. at wag na wag mong papatulan si Globe ha! playboy/playgirl yan, maraming textmate yan halos sa buong Pilipinas meron.

    akala ko naman totoong Australia, Estrella pala. Buti hindi sumagot ang picture ng mama mo sa kalokohan mo.

    Hindi ko din maintindihan bakit kasabay ng pagsusungit ng panahon eh biglang nagsungit si Justin Bieber nung Umalis siya....may-patweet-tweet pa siyang "Mahal Kita"...siguro bad mood talaga.

    Salamat sa walang-humpay na halakhak na dulot mo sa araw na toh.

    ReplyDelete
  15. LOL! Akala ko naman magkakasama na kayo ni Traveliztera. Hahaha! :)

    ReplyDelete
  16. this portion is brought to you by Johnson's Baby BUds..

    ReplyDelete
  17. Ay. haha.. natawa ako.. dramang-drama ka na tlga dhl pupunta ka ng Australia, eh kena aling Estrella lang naman pala. Toinks! #lels

    Hehe.. kung ako rin kapatid mo, im sure matatawa rin ako na parang sabog. hehehe...

    Ikaw na nga, marvin! Ikaw na! #lels

    ReplyDelete
  18. hey kikilabotz aka MG, just dropped by to say that you've lots of blogs!

    ReplyDelete
  19. bwahahaha this made my day.

    Pwede itong maging scene para sa isang Korean Movie. Parang ganito yung mga humor ng ala - "MY Sassy girl" :D

    ReplyDelete
  20. mala-vic sotto na eksena to. sagad sa laftrip hahaha

    ReplyDelete
  21. at nabura ng blogger ang komento ko hehehe. minsan kailangan muna nating maglinis ng tenga para hindi mauwi sa ganto heheheh. magkatunog nga naman.

    ReplyDelete
  22. Abnoy! hahaha! akala ko nmn na-heart to heart talk mo si mamang mo hehehe...Globe ka rin pala hehehe...

    ever dreaming of going to Australia? Malaki ang chance mo...Nar-S ka eh :)...apply na! LOL

    ReplyDelete
  23. Hahaha. Akala ko nandun talaga yung Nanay mo. Antok ka pa nga nun. Haha. Ramdam ko.

    ReplyDelete
  24. hey you! I gave you an award. Please check my latest post http://janemayen.blogspot.com/2011/05/you-make-me-smile.html

    thanks kikilabotz

    ReplyDelete
  25. Baka iniisip mo si traveliztera, kaya Australia ka ng australia ... Its yu olreydi! :D

    ReplyDelete
  26. Naku sayang akala ko pa naman magkikita na kayo uli ni Traveliztera hehehehe

    ReplyDelete
  27. ahahahha.... sayang naman... di mo makikita crush mo.. hahaha

    ReplyDelete
  28. out of topic ang comment ko. lol. may english blog ka pala. kanina lang ako nakadalaw.

    ReplyDelete
  29. ahahaha ang adik mo talaga enoh?

    tulog pa ata diwa mo eh...ahahaha


    sya maningil ka na

    ReplyDelete
  30. hahahaha. wala pa ding kakupas kupas ang mga banat mo, benta pa din saken. haha.

    ReplyDelete
  31. Tinignan ko sa mata si mama, Pero hindi siya sumagot. Malamang!hehe. kasi picture lang niya kinakausap ko.

    I died! hahaha Kala ko totoong tao yung tinabihan, hinawakan at kinausap mo.

    ReplyDelete
  32. haha. ansaya naman dito sa blog mo kuya :)

    sama ko pag punta kana talaga sa Australia ha... hehe :)

    ReplyDelete
  33. ahaahaha! patawa ka! feeling mo lang kasi mag aabroad kana! hahaha! bangenge ka pa kasi ng gumisig di ka nagtanong uli!

    ReplyDelete
  34. bwahahahahha! feelingero ka talaga, marv! ang dami kong tawa. ikaw na!

    ReplyDelete
  35. magaling kang writer ha!:)

    nice site

    ReplyDelete
  36. hahahahahha! ikaw na talaga!!! von voyage sa estrella! :))

    (kilala mo ko!! ako ang alter ego ni miss gee,gusto ko din dalawa blog ko para masaya hahahha)

    nakaka! :D

    ReplyDelete
  37. tadu ka talaga, marvs.

    kala ko pa naman, talagang manga-ngang-garoo ka na.

    ReplyDelete
  38. over!!! gling mo mgpatawa tol hahahaha...bkt ndi mo itry mg apply s mga network station pra mgng writer..mabenta ang mga linya mo eh...NICE!! keep up the good work tol...

    ReplyDelete
  39. Hahaha natawa naman ako. Nag-explain ka pa talaga sa mama mo. :p

    ReplyDelete