Pages

Saturday, August 21, 2010

biyaheng langit

 Muntik muntikan nang hindi matuloy, Tumingin ako sa langit at humingi ng signs kung icacancel  ko ba. And then suddenly bigla na lang ako napadaan sa isang tindahan ng lechon manok .  At nakita ko nga yung sign na hinahanap ko. Nakalagay " BALIWAG" kaya tinuloy na namin


Ayos na ang lahat, Oh yeah na oh yeah na!! Maraming salamat sa aking mabait ngunit brocken hearted na kuya .  Nalibre ako ng isang hindi makakalimutang trip to Davao.

Pambihira! Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Parang sapilitan akong  pinakain ng dalawang platong kanin na ang ulam ay lugaw, Parang umubos at lumaklak ako ng sofdrinks na  pinaghalo -halong coke, royal at sprite dagdagan mo pa ng tamis anghang ketchup. Pugelshit! Weird pero worth a try. hahahahahaha

But to make things uncomplicated, Pinaghalong kaba at kabag ang nararamdaman ko.

Kaba , Dahil bukod sa first time kong makakasakay ng eroplano at sa paniniwalang nangangain daw ng tanga yung airport,
(baka ako lang ang matira at hindi makain. I dont want to be alone. haha)

 Maraming mga pangitain din ang nakapagpatayo ng aking balahibo.. sa puwet. Tulad ng....

1. friday the 13th ang flight ko
2.    7:06 am ako nagising.. Ibig sabihin 66 minutes after 6 am nun. 666? waaahhh!!
3.On the way sa Airport ilang beses na muntik mabangga ang taxi na sinasakyan namin.
4. Hindi pa lumilipad yung airplane umuusok na. Ano bang klaseng aircon yan?
5. Grabe! ang ganda ng stewardess (pakshit! hindi ko alam spelling) Isa siyang Anghel sa kalangitan. Literal. I dont know why pero kahit nasa langit na kami nadedemonyo pa rin pagiisip ko habang nagdedemo siya . parang gusto ko siya kausapin at sabihing

" ang ganda ganda naman ng dedemo..ay este! i mean, ang ganda ganda naman nang nagdedemo.." haha

Kabag, Siguro ganito talga kapag nangbuburaot ka ng pagkain. Sumasakit ang tiyan! Ayan tuloy!! Hindi ako terorista pero  parang gusto ko magpasabog sa eroplano.

Isa na rin sa dahilan kung bkit kami pumunta sa Davao ay para makalanghap ng sariwang hangin. Kaya paglapag na paglapag ng eroplano at matapos magsalita ng boses na parang kay Pinoy BigBrother. Nagmamadali kaming bumuba. ang kuya ko para alamin ang pagkakaiba iba ng hangin sa maynila at hangin sa davao.Ako naman para pakawalan ang masamang hanging  naipon sa aking tiyan.

Sabay namin pinikit ang aming mata, Nag inhale siya habang umuutot ako. Hindi ko naman iniiexpect na  may tutunog. Madalas kasi silent killer ang utot ko. Ayun! Dumilat siya at tumingin sa akin ng masama sabay sabing

" IBA NGA ANG HANGIN DITO! IBANG IBA!"

sorry kuya. lilipas din ang amoy niyan. relax  relax ka lang muna ^_^       


  pics
 


pinaakyat ko pa si kuya niyan para pictureran ako. nang magkasilbe naman. hahaha

Nasan po ng CR?

61 comments:

  1. natawa naman ako sa mga pangitain mo hahaha... kinabagan ka cguro dahil sa sobrang kaba mo ng dahil sa mga pangitain mo.. hahahaha anu ba yun?!

    so kumusta naman ang davao? wer did u guys stay? nagpunta ba kayo ng samal island? :D (or ure still in davao?)

    ReplyDelete
  2. bait naman ng bro mo. umaga flight mo kaya kita mo ang ganda ng langit.

    ReplyDelete
  3. Goodah! Di pa ko nakakapunta ng Davao... :D :D

    ReplyDelete
  4. Lol. Lakas talaga! Nagpasabog ka pa dun sa Davao. hehe.

    ReplyDelete
  5. Nakakita ka ng sign na Baliwag dapat sinama mo na ako.Gusto ko din mamasyal.hehe

    Nagbakasyon pala si kikilabotz. E nasan na yung pasalubong? ^_^

    ReplyDelete
  6. hayuf ka kiki! akala tuloy ng kuya mo polluted ang air sa Davao hahaha...

    Ba't di 'nyo itinaon sa Kadayawan ang trip 'nyo? Sayang naman...

    ReplyDelete
  7. ba't di nyo ako sinama ni kuya? LOL
    (feeling close eh nuh ahihi)

    ReplyDelete
  8. hanep!naalala ko bigla ung "sa iyong gnda ako'y samba,sa utot mo, ako'y tumba!"hahahaha...pasalubong

    ReplyDelete
  9. mgarereklamo niyan ang green peace sa iyo dahil nagpakawala ka ng polusyon sa davao at alam ko bawal ang anumang uri ng pampasabog sa davao di ba? yari ka kay mayor duterte (siya parin ba)?

    hanep ka talaga sir marvs.
    pasalubong po ha.

    be blessed sir!

    ReplyDelete
  10. akala ko andito yung picture nyo ni unnie..

    ReplyDelete
  11. Sana kumagat k ng konte sa pakpak ng eroplano pantanggal ng malas hahaha at kapab..bitin nmn kwento neto asan na yung mga EB ek ek nyo ni Sis unnie...ingat playboy..kaw tlga kahit saan yang mta mo puro mgnda ang hinahanap..mwah!haymishu!

    ReplyDelete
  12. bwahha kaya pala nagkapolusyon ang davao pagdating mo dito tsk tsk tsk,,,
    naku wag na wag mong ibblog ang ating EB bwahaha...tama ng pang fb ang fessss ko lols~
    iblog mo yung nag zipline kau ng guwapo mong kuya ahihi~~~

    -Unni-:P

    ReplyDelete
  13. pambihira ka, at talagang nag iwan ka pa ng bakas sa Davao..LOL

    bait ni kuya :P asan ba pix nian, patingin :))

    ReplyDelete
  14. baka naman ako ang kabagin sa kakatawa niyan :)) NICE> buti ka pa nakalipad na sa langit.. ako bawal pa.. XD

    ReplyDelete
  15. Wow Marvs fresh na fresh ka sa picture ah! Parang ako rin ay na-dede-monyo. Haha! Good to know na sinamahan mo brother mo sa pagka heart broken nya. That's such a sweet gesture. At dahil dyan, may kiss ka saken. Mwah! Hahaha!

    P.S. Asan pasalubong ko?

    ReplyDelete
  16. nice naman, padavao davao na lang. pyesta ngaun dyan dba? Kadayawan ba?
    at para konektado ang comment ko, ang wordverification ko ay: "shotost"

    ReplyDelete
  17. Natawa ako sa comment ni Ungaz. Haha.

    Nakanaman. Dumadavao. Kainggit.
    Dapat tinuloy mo yung eksena dun sa nagdedemo (nagdedemo na lang, di ko din alam spelling ng ischuwardess. Haha. Parang habang nasa himpapawid,
    inicha ka pababa. Ayos!
    Amoy durian na sa davao, hinaluan mo pa.

    ReplyDelete
  18. DAVAO? Hmmm.. Sarap diyan. :)

    ReplyDelete
  19. wow...ayos yan.. ganda sa davao... at ang dami ding maganda :-)

    ReplyDelete
  20. nag river rafting kayo? saya daw nun.

    ReplyDelete
  21. huwaw. pasalubong nomon kahit hangin na lang ng davao ^^

    ReplyDelete
  22. wow naman.. sana nandun ako ng mga panahOn na yun sa davao.. nyahahahaha.. welcome to davao DUDE.. ganda dun diba? sana namasyal kau dito sa cdo.. nyahahahha...

    ReplyDelete
  23. ayown eh...sarap nga jan sa davao.. jan din me ngpunta nung unang nagsuot ako ng sinturong pangkaligtasan na may dedemo girls na magaganda..hahaha.. ganda sa davao...nice...

    ReplyDelete
  24. ambait naman talaga ni broken hearted kuya! :) hahaha! well,, ganyan din ako nung first time ko sa plane!

    astig naman, davao,, pangarap ko pumunta jan, haayys! musta,, kwento ka pa... :))

    ReplyDelete
  25. relaxing na sana sa pagdama at pag langhap ng malamig at sariwang simoy ng hangin. kaso sinira mo, sundot sa ilong yun

    ReplyDelete
  26. @ yanah- binalik namin pumunta pero ang manong taxi driver sa iba kmi pinunta

    @khantotnra- kita ko nga yunng gnda ng langit. kita ko rin yung gnda ng nagdedemo.

    @meg- punta ka dali. mgnda dun ^_^

    ReplyDelete
  27. @pao- wahahaha. mas malakas yung amoy ng utot ko. hehe

    @ darklady- gusto man kitang isama pero ayaw nmn ng bf mo. ^_^

    @ jag- hahahaha. naku naku sayang nga at nagkamali kmi ng pagset ng date hnd kmi umabot

    ReplyDelete
  28. @tungawski- ahahaha. natawa ako dun ah? ^_^ hehe.

    @ ella- nxt kita hnd k nmn nagreply. hahaha

    @ ailee- salamat. ^_^

    ReplyDelete
  29. @ pong- yap si mayor duterte pa rin po. hahaha. uhm lilipas nmn yung aoy. huhuhu

    @karen - wala p nga po eh. hehe. anakng tokwa

    @ jam- bestfrn jam, miss yu na. hehehe. hnd ako playboy. kyut lng

    ReplyDelete
  30. unnie- yap ipopost ko din pero bka magalit si kuya pag pati pics niya ilagay ko dito. hehe

    @hartleschiq- ahahaha. bkit si kuya pa? ako n lng. hahaha. joke

    @renz- bkit bawal?walang bwal bwal sa taong may gusto?

    ReplyDelete
  31. nainggit naman ako sa trip mo (yung travel ha, hindi yung nakakasulasok na ginawa mo, hahaha).

    ako din pala, perstaym kong sasakay ng eroplano sa setyembre. wiihhhh. exciting and scary. :p

    ReplyDelete
  32. @ k- bwahahahaha. bka maddemonyo na rin ako sa kiss mo ha? nakain ko na ang pasalubng eh

    @oli- hehehe. konek na konek nga. ^_^

    @ yow- hahaha. eh magkasing amoy din nmn yun db? durian at utot. ahaha.

    ReplyDelete
  33. @kaitee- yap masarap nga sa davao . hehe. punta k din ha? lire mo ko..

    @MD- yap ang dami ngang magaganda sa davao. sayangat hindi ako nakapaguwi

    @gillboard- un lang. kinapos kmi sa budget

    ReplyDelete
  34. @ jeec- cg cg. irerecycle pa sa tiyan ko. ^_^

    @missbrocken- sayang nga dapat nagpunta ka dun. sayang nga nkita sana kita

    @nafacamot- talaga sir? bka isa lng yung nkita nating nagdedemo na mgnda. haha

    ReplyDelete
  35. @gesmund - mabait si kuya sa mababait na kapatid. hehe. xempre nmn makakpunta k rin sa davao ryt?

    @artiemous- panalo din yung post mo sir..

    @superbalentong- mukhang nagsisi si kuya at ako ang sinama niya. hehe

    ReplyDelete
  36. @pamela- hindi namn nakakasulasok yun eh. lilipas din nmn un db? ahahaha.. naks makaklipad k na rin oh yeah..^_^

    ReplyDelete
  37. adik ka! base ka jan! adik ! adik!! ahaha.. hamishu!

    ReplyDelete
  38. @ kayedee- ang daya mo khit sa blog ko hnd m n ko binibisita. hmmp. missyu din

    ReplyDelete
  39. tol amoy na amoy hanggang dito sa manila utot mo lols haahah ayos ah sana makapunta din ako ng davao hehee

    ReplyDelete
  40. natakot din ako sa usok nung pers taym kong sumakay ng cebupac. parang eksena lang sa isang horror film. tipong pagkawala ng usok nasa ibang dimenshon ka na harhar

    ReplyDelete
  41. Wow, panalo yang expereince mo ha, Ang baet naman ni kuya.

    ReplyDelete
  42. Hahaha tae agad ang ginawa! Pasalubong??????????

    ReplyDelete
  43. ahaha... ang lupet mo talaga kikz..

    wow close na kayo ni kuya? ang lakas mo mang uto..

    ang lupet naman ng pics.. san yung iba?

    ReplyDelete
  44. astig ka naman parekoy. naiingit tuloy ako. kuha ka ng maraming pictures at i-post mo agad. hay naku, pupunta rin ako dyan. promise! hehe. have a safe trip.

    ReplyDelete
  45. LOL @ "ang ganda ng dedemo"
    so sa davao pala ang destinasyon... sana tumikim ka na rin ng "durian". :]

    ReplyDelete
  46. aw sa sobrang kaba ba yan at hinanap mo agad ang cr!

    ReplyDelete
  47. ahahahaha naniniwala ka sa mga pamahiin?

    ganda ba ng Davao? more pekpektyurs nemen dyen!

    ReplyDelete
  48. ibang klase ka ah! nagcompute ka pa talaga ng minuto! haha pero masarap naman magerplane diba? haha. pasalubong!

    ReplyDelete
  49. nakaswerte ka na naman sa broken-hearted mong utol. langya! haha! swerte mo! next time sama ako!

    ReplyDelete
  50. Kiki, paki explain saken kung ano ang BROCKEN HEARTED. Explain!

    Lol.

    ReplyDelete
  51. Gusto ko rin sumakay ng airplane! Naks ... buti ka pa..' May turbulence ba? hehe

    ReplyDelete
  52. hahaha.meganon? papayagan ako nyan! ^_^

    ReplyDelete
  53. probinsya ko yan! ganda ng mga beach (at girls haha) diyan, sobrang mura pa ng pagkain tsaka beer. :-) haha!

    ReplyDelete
  54. bakit ala kang cbox... hays... anyway, congratulations 1st place! :)

    ReplyDelete
  55. Haneps ang pose, parang Mr. Universe, nakapamewang--kwento na!

    ReplyDelete
  56. kaladkarin kana talaga. which is a good thing. habang single, samantalahin. and you know what, pagdating sa ganitong bagay, minsan dapat go go go lang. walang nang isep isep, baka magdalawang isip pa dimo alam ang mamimiss mo sa dako pa roon.

    ReplyDelete
  57. ok lang yung utot dun, amoy durian naman yung airport dun..LOL
    tawa ko ng tawa sa post na to... naalala ko kasi nung first time ko sa plane.. nagtataka ko bat umuusok yung aircon.. Ha ha ha.
    ang saya ng blog mo.. napilitan tuloy ako na ilagay ko to sa blogroll ko.. hintayin ko yung post mo about davao..
    Ishallreturn!

    ReplyDelete
  58. Superstitious ka pala.

    Hindi pa ako nakakapunta ng Davao kahit anong lugar sa Mindanao. Next target ko yan bago ako lumayas ng Pilipinas. LOL

    ReplyDelete
  59. wahahahah... ang badoy mo nman

    ReplyDelete