Thursday, March 22, 2012

Ang Idol Kong Basketbulero

Sabi ko nung bata pa ako, paglaki ko kung hindi ako magiging basketball player, mag aartista  na lang ako. Pero naging mapait ang tadhana. Hindi nila ako napagbigyan sa aking mga pangarap..

Pero meron akong isang idolong basketball player dito sa Pilipinas. Hindi lang dahil sa magaling siyang player at naging bahagi na ng ilang championships at nagawang irepresenta ang bandila ng minamahal nating Pilipinas kontra sa ibang bansa. Meron pa siyang isang talent na wala sa ibang player ng Pilipinas. Ito ay ang talent niyang umakting.

watch it here



Sa tingin ko lang ha? kapag lahat ng basketball player eh ganyan kagaling umakting. Di malayong makauwi ang pilipinas ng ginto sa olympics. Sa tingin ko lang.

Tuesday, March 20, 2012

Hey its me!

'Knock! Knock!

"Husder?

'Hey its me!

"Hey its me who?

'pakyu! Its me Kikilabotz, open the door

"pakyu ka din! Eenglish english ka pa kasing nalalaman..

Alas onse y media ng gabi, ito ako, nasa harap ng computer. nag iisip ng magandang mga words na pwedeng gamitin to describe who I am today. Matagal tagal na rin akong nawala dito sa blog  ko and I dont know kung meron pang natitirang readers dito.

Lately , Mga several months ago, naipit ako sa isang napaka makabagbag damdaming dilemma ng aking buhay. hehe. Sabihin mo nga ng mabilis,  nakakapagpabagabag. Hirap diba? parang ganun.


Yung feeling na ginawa mo na lahat pero wala pa rin
yung feeling na parang meron kang nakahahawang sakit kung maitulak palayo
yung feeling na naghintay ka ng matagal, tapos malalaman mo wala ka na palang hinihintay
Yung feeling na ang haba ng pinila mo, tapos may ibang sumingit.

Yung feeling na ganyan, hindi ko iniinda. Wapakels lang ba. Until, yang mga yan, gawin sayo  ng taong nagmamatter sayo ng sobra. Damn! Ang sakit pala.



AKA Mr mahangin. Aminado ako, mayabang akong tao,pero yung mayabang na nasa lugar, sa lahat ng lugar. haha. . And I remember a scenario of my life na hinde ko makakalimutan. Ito yung nakikipag kwentuhan ako sa kaibigan ko. Dahil nga close kmi, though I consider my love life very private, kinukwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Then an amazing moment came. Nagyayabang nanaman kasi ako nun, sabi ko.

Ang gwapo gwapo gwapo  ko ,parang obra. 
Madaming madaming girls ang nahuhumali sa akin. Sobra
gustong maangkin ang aking batuta, torta at cobra
parang kotse lang , gusto nila sila ang mag maniobra

and then my friend replied. " ganun naman pala eh, bakit ka pumipila"

Napahinto ako sa kayabangan ko,at that time hindi ko pinahalata, iniwasan ko pumikit cause I know the moment na mapikit ako, hindi ko na mapipigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata.I keep on telling myself na " hey kikilabotz, tama na, sobra na, kawawa ka na. " pero ang puso ko sabi" kiki try mo pa ng isa"

Haayy Ang mahirap sa pagibig ay yung AMPALAYA... AM PALAYAIN ang mahal mo...kasi alam mo hindi na siya babalik.

As of today, It was the greatest fall of my life and make me realized that sometimes  yung dreams natin sobrang taas. And then darating yung time  na  we may fall, yung time na masasaktan tayo. Pero hindi para saktan tayo and stop dreaming. Kundi para gisingin tayo sa katotohan and to make our dreams a reality...   hanu daw???

For how many months, mas ginusto ko mapag isa.Para makapag simula ulit, kaya lagi ako nagkukulong sa kwarto at nagsasarili eh. lol joke lang.Nagpatulong ako dun sa pusang laruan na walang tigil kung gumalaw yung kamay. ALam niyo yun?  hahaha. somehow I felt  relieved pa rin naman. nyhahaha.  Dun ko napatunayan na ang love ay parang balbas. kahit anong bunot o ahit mo darating ang time  na tutubo at tutubo ito ulit. And sometimes para na sa ibang tao. yung mas nararapat sa pagmamahal mo.

Simula ng nawala ako, marami na rin ang nabago sa akin. Ang dating chubby,  ngayon hunk na
 ( Hunkapal ng mukha), and dating sintunado ngayon member na ng isang banda ( jan ka lang banda)
o diba aminado ako. hahahaha.

Last week nanuod ako ng Unofficially Yours, Grabe, nakarelate ako. Kamukha ko pala talga si John lloyd.hahaha. Pero not just that. Kagaya ng story, I experienced the same kind of love life, except for the "sex only relationship" part which I hoped it does. nyahahaha. The only difference is yung  ending, yung  sa kanila happily ever after, yung sa amin  ikaskas mo muka mo sa pader after.

Naalala ko yung pinagdaanan ko, yung hapdi, yung kirot, yung sakit,
yung mga bagay na hindi kinaya ng alaxan. di mo alam kung bakit,
 Narefresh nanaman. Yung mga alaala na nakakamatay, muling nabuhay.
And then I look back and said Thank God I survived , wala ba kayong mga kamay?

hahaha kanina pa ako nagrarap,
ganito pala  talaga kasarap
yung may bago ka ng pangarap
yung mamahalin mo ng tapat at walang pagpapanggap.

Marami man ang nagbago sa akin, Hey its  me! its still me.


 Akoy muling nagbabalik  Because Everybody Loves KIKI