Thursday, September 29, 2011

Papaano magiging masaya ang iyong linggo





Kapag binilang mo  raw ang mga blessings mo sa buhay, it will take you forever, hindi ka pa tapos. 

Just want to share how I spent my awesome Sunday last September 18 2011. Ukininay!! umienglish nanaman!! hahaha.



in my MORNING
hahahaha, langya!! wag kayo tumingin sa buhok ko sa kili kili, bagong blower lang yan



Yun na nga, Naimbitahan ako sumali sa isang FunRun o mas maganda kung tawagin na lang natin na   Run for a Cause ng AXN bilang guess star nila. alam niyo na kapag gwapo. hehe. Yung makakalap  daw na pondo ay para sa mga pamilya na hindi kayang matustusan ang pagaaral ng kanilang mga anak. Kaya as a help, bibigyan daw  sila ng libreng cable channel. hahaha. joke. korny ko, pakitusok nga ako ng icepick sa mata please.

Nung una kala ko hindi ko talaga kaya, Paano ba naman kasi, First time kong tatakbo ng 35 kilometers, hahaha. joke lang, 10 kilometers lang. Pero kahit na, malayo pa rin yun at wala akong practice. Still, I took the challenge. And guess what? After more than na nakakahingal na isang oras, natapos ko siya. hehe


Xempre, kasama ko ang mga body guard ko,iba na talga kapag sikat,mahirap na

Naisip ko, ang problema pala ay parang pagtakbo,  nakakapagod, nakakahingal, nakakasawa  at minsan darating ka sa point na gusto na nating sumuko, But the good part is, running is a very good exercise. In the End, nasa atin din pala ang  mga benefits.  Just keep on going, wag na wag kang susuko.

in my AFTERNOON


After kong tumakbo sa fun run, dali dali akong pumunta sa PICC para magsimba, and then after ng misa, sumama ako sa isang outreach program, binisita namin yung mga lolo at lola natin sa may Montalban.Pagdating na pagdating ko duon ay bigla nagkwento sa akin yung isang lola dun habang umiiyak. 
Gusto ko sana ikwento lahat , pero baka hindi na magkasya sa sobrang dami at sa sobrang saya. So ikwewento ko na lang yung ilan sa napagusapan namin ni lola.

lola: pasensiya ka na sa akin ha? kasi hindi ako maganda
Kikilabotz: haha, sino nagsabi nun lola?  kayo talaga oh, smile naman jan.
lola:  (nagsmile) 
Kikilabotz : lola, gwapo po ba ako?
lola  :  oo naman, pipili ba naman ako ng hindi gwapo (sabay tawa)
Kikilabotz: bolera ka pa rin pala lola, sayo siguro ako nagmana. Gusto mo sumayaw lola?
lola: alam mo yung pababa ng pababa ?
Kikilabotz: ???? (paktay mode)

THE PABABA DANCE STEP






in my EVENING
God never fails to reward those who have a kind heart. ahem ahem.Minsan talaga hindi ko mapigilan magningning ang ginintuan kong puso. haha. Kaya nga matapos ang masayang pagbisita sa mga lolo at lola pinadiretso ako ni erpat sa ACE Water Spa sa QC.whooo a date with the whole family. hehe

hahaha gabing gabi nakashades eh noh? haha papansin lang.

Ang bait talaga ni Lord, Alam na alam kung ano kailangan natin ska gusto natin sa buhay. Magtiwala lang tayo at ibibigay niya. hehe. Bukod sa narelax ang pagod kong katawan at nagkaroon ng bonding sa aking family, hahahaha. Ang Dami pang naka swimsuit na chikas ..hehe. ang kikinis. waaaaaaahh. ang saya saya saya saya talaga




Syempre hindi matatapos ang lahat kung hindi mo kasama ang iyong mahal, hehehe . After sa Ace Water Spa nakipagdate ako sa aking pinakamamahal na girlfriend. ayiiiiiiiii........

in my DREAMS
...toinkz

Wednesday, September 21, 2011

Nasaan ka Elisa?? ang kasagutan

Nasan nga ba si Elisa??Mukhang matatagalan pa bago makita si Elisa sa bagong palabas ni Melissa Ricks sa ABS CBN na "Nasaan ka, Elisa?". (shumoshowbiz chizmaks si kikilabotz). Kaya nga iispoil ko na, Kung tinatamad ka na mag-abang sa mga  susunod na mangyayari at gusto mo  na ikaw ang  lagi ang ma -una sa kwento.  Sige na nga sasabihin ko na.


Nasaan ka, Elisa?

 Ang sagot sa tanong na Naasan nga ba si Elisa?

ay


Wala, tulog, umalis, naglalaba , nasa pwet nagkakape, Tsumuchukchak chenes.

Another walang kwentang post, pagbigyan na 




Tuesday, September 13, 2011

Bob Ong vs Juan Tamad vs Kikilabotz about Love ( Tagalog Quotes)

Ang post kong ito ay tungkol sa ibat ibang mga  pananaw ni Bob Ong, ni Juan Tamad at ni Kikilabotz tungkol sa pinaka mahalgang bagay sa mundo, Ang Pag-ibig.

Bob Ong

" Ang pag-ibig ay parang pagsakay sa elevator, kung puno na ito, bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo gayong meron namang hagdan hindi mo lang pinapansin"


Juan Tamad


"Bakit mo pa kinakailangan maghagdan, gayong babalikan ka naman ng elevator. Kailangan mo lang ay maghintay" 




KIKILABOTZ


"Bakit mo kailangan ipagsiksikan ang sarili mo? Bakit mo rin kailangang magpaka pagod umakyat ng hagdan? Bakit mo rin kailangan maghintay, kung hindi ka rin naman sigurado na sa pagbabalik nito ay wala ng laman.All you have to do is look around and be aware, Cant you see na meron pang mas better?Hello!! Matagal na kayang naimbento ang escalator."



hahahaha papampam lang sana nagustuhan ninyo ^_^

More hot news and trending visit here



Wednesday, September 7, 2011

Kikilabotz sa Damuhan

Next week po ay ang ingyong abang cute na lingkod  ns si Kikilabotz ang uupo sa mainit init at nakakapasong  hotseat ng Damuhan


oha tugmang tugma


mangyari po ay inaanyayahan ko po kayong magtanong ng kahit ano tungkol sa akin. bwahahahaha. at sasagutin ko naman po ito ng tapat, tagilid at patihaya. hehe.

Maaari niyo pong ipadala ang mga katanungan sa mga sumusunod:



Facebook http://facebook.com/bino23

Twitter: Twitter.com/binobautista
Google+: gplus.to/binobautista
Email: Bloggeradmin [at] damuhan [dot] com

Deadline: Saturday Evening




God bless , mahel ko keyong lehat

Tuesday, September 6, 2011

Ang Kahulugan ng Tunay na Pag ibig

Alam mo ba ang pagkakaiba ng gasolina sa fishball?

Ang gasolina  kapag laging nagmamahal, nagagalit tayo at nagproprotesta.
Eh ang Fishball? Kahit kailan hindi Nagmamahal, Pero ito pa yung madalas nating tangkilikin.



Sabi nila kapag mahal mo, Hindi ka naman mahal.. Tapos kapag mahal ka, Hindi mo naman mahal. Bakit nga ba ganun?

Watapekpek naman talaga oow!!



Para sayo ano  nga ba ang Tunay na kahulugan ng Pagmamahal?