Tuesday, June 28, 2011

When is the time to let go

 " Lord kapag hindi siya nagtxt bago mag alas dose ilelet go ko na po siya. tatanggapin ko po kung ano mang signs ang ibigay ninyo"

Ito yung mga panahon na hindi ko na alam ang gagawin ko.  Hindi ko na alam kung saan ako lulugar at  hindi ko na rin  alam kung saan ako pupwesto. Gulong gulo na ang isipan ko, ang tanging solusyong naisip ko eh magdasal at humingi ng sign. Habang hinihintay ko mag alas dose paulit ulit kong hinihiling na sana magtxt siya.




Dumating na ang alas dose, pero wala akong txt na natanggap galing sa kanya. Panahon na siguro para isuko ko siya, Panahon na siguro para isuko ko yung pagmamahal  ko sa kanya. Mas makakabuti siguro kung ilelet go ko na siya.  Siguro mas masaya siya, siguro mas makakabuti para sa amin yun, siguro one day meron mas better  na darating. Siguro tanggapin ko na lang. Bigo ako, at siguro ito yung gusto ni Lord para sa akin

"Kikilabotz, anong nakapagpabago sa isip mo?"

Minsan, kapag wala na tayong makapitan, humihingi tayo ng signs kay Lord. Siguro para kung sakaling pumalpak may palusot tayo. "ay kasi ito yung gusto ni Lord para sa akin eh. kaya tatanggapin ko na lang." And I realized, mali pala yung ganun. Binigyan tayo ni Lord ng sariling  pag-iisip. Para tayo mismo ang pumili ng mga bagay na gagawin natin. God wants us to choose yung totoong bagay na makakapagpasaya sa atin.

You will know the truth, and the truth will set you free.-John 8:32

Ilang ulit ko din tinanong ang sarili ko, Ano nga ba ang makakapagpasaya sa akin? At iisa lang ang nakukuha kong sagot. Si Soulmate.

Nakapag decide na ko,  Ipaglalaban ko si soulmate ko. Kasi mga tulad niya ay  hindi sinusuko, dapat ipinaglalaban. Alam ko mahirap, alam ko maliliit lang ang chance at alam ko rin pwede akong masaktan. Pero ganun yata talaga kapag nagmamahal ka.Kaya nga gagawin ko ang lahat ng makakaya ko basta para sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Para sa soulmate ko. 

hahaha. sorry kung medyo cheesy nanaman ang post ko, pasensiya  na inlove lang talga ako. hehe. Susuportahan mo ba ako? 

When there's something you really want, fight for it. Don't give up no matter how hopeless it seems to be. The best things in life don't come easy.

 

 


Thursday, June 16, 2011

walang maipost kaya eto na lang muna

hahahahaha. nuod na tayo. nakakagigil toh. gurrrriiiiiiiiiiiiiiii..ikkk ikkk. hahaha. kung may ganito ba naman araw araw edi sana masaya palage. hahaha.



sinong mas maganda sa kanila? yung nakagray o naka pink? nakoow poo.. magkukulong nanaman ako sa cr mamaya... nyaah

Friday, June 10, 2011

Save lives by sharing yours


Marami man ang hindi maniwala, para sabihin sa inyo ang katotohanan, bukod sa walang magawa sa buhay, ang titulo ng post kong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may nababasang   kayong mga kwentong nakaka ngayon.  Ito kasi ang dahilan kung bakit ako nag blog.

Pero sa paglipas ng panahon, dumarami ang naging mambabasa ng blog kong ito. Minsan  may magttxt na lang  bigla sa akin. “nabasa ko blog mo ah?  May problema ka?” o kaya naman “ Oi inlove ka nanaman,” meron ding  “ nagaadik ka naman, tumira ka nanaman siguro ng katol”. Dahil dito pakiramdam ko  unti unti na akong nawalan ng privacy. Pakiramdam ko hindi ganun kasafe ang blog ko para paglabasan ng lahat ng saloobin ko.  Nagkaroon ako ng pag aalinlangan na baka isang araw may makabasa  ng mga ito, at hindi man sadya ay  masaktan ko sila o kaya mapaluha. Oo masama ang ugali ko pero hindi kaya ng konsensiya ko na maging dahilan kung bakit lumuluha at nasasaktan ang isang tao.  Dahil dito  nagbago ang tingin ko sa blog ko, hindi na ito yung kagaya ng dati na nailalagay ko lahat ng gusto ko, masaya, malungkot o bastos man. Pakiramdam ko tuloy  ang blog ko ay parang isang maliit na box na kung saan pilit kong pinagkakasya ang mga libro librong laman ng isip ko.



Kaya ngayon, ipinapangako  ko na muli kong ibabalik ang dating kikilabotz na kilala ninyo. Sisimulan ko ito sa pagkukuwento ng misteryoso kong buhay pag ibig.

Magmahalan tayo, ito ang pinaka mahalagang utos sa atin ni Lord. Pero bakit ganun? Merong tinatawag na bawal na pag ibig? Kelan pa naging mali ang magmahal? Ika nga ni  3rd party “ hindi lahat ng party masaya” . At aaminin ko, Member ako ng 3rd party club.

Para sa mga hindi nakakaalam, few years ago, yung medyo payat pa ko, Si kikilabotz ay umibig sa isang magandang binibini.  Minahal niya ito ng sobra sobra. Sa sobrang pagmamahal nagawa kong ibigay ang lahat. Maging ang hot na hot na inosenteng katawan ko. Pero kagaya ng ilang love story, hindi naging maganda ang ending. Nilabasan kasi ako agad, ang bilis, parang kakapasok pa lang eh. I mean, lumabas agad siya sa puso ko. Kahit anong pigil ko, pilit siyang kumawala. Iniwan niya akong  nagiisa, sugatan at hindi malaman ag gagawin. Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko, kahit ang umiyak sa harap ng camera at ipost sa youtube. Nagawa ko lahat iyon para maayos ang lahat. Pero ganun talaga ang life. Mapaglaro

Pinilit kong mag move on, Nagawa ko ito sa pakikipagdate sa ibat ibang mga babae. Hindi ako naging mabait, kasi marami rin akong nasaktan at meron  din akong napaasa. Dumating na rin sa point na akala ko hindi ko na magagawa pang magmahal ulit ng tunay. Hanggang sa nagkita kami ng aking soulmate, bigla nag iba ang kulay ng mundong ginagalawan ko. Kulay pagibig.


Muling tumibok yung puso ko, Muling dumaloy sa ugat ko ang salitang pagmamahal, Bumalik ang mga ngiti sa mata ko,Inlove na nga ata to, pero may probema. May boyfriend siya at alam kong mahal na mahal niya.
Wala naman akong balak na agawin siya, Ewan ko ba? Isang araw bigla na lng hindi ko na napigilan ang sarili k, Inamin ko na sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal.  Ang saya saya ko nung nasabi ko iyon, kahit na alam kong mali, hindi ko pinagsisihan.

Lumipas ang ilang mga araw, nagkaroon sila ng pagtatalo ng Bf niya. At ayun na nga nagkahiwalay sila. Masyadong nasaktan ang soulmate ko. Wala akong balak pumapel, pero ayaw ko rin nakikita siyang nalulungkot at nasasaktan , gusto ko lagi siyang masaya, gusto ko rin lagi nakikita mga ngiti niya, pakiramdam ko kasi siya ang pinaka magandang babae kapag nakangiti siya, kaya ayun, Ang feelingerong si kikilabotz na isang extrang hero, dumating at nagsilbing superhero to the rescue

Sa ilang buwan namin magkasama, naging masaya naman ako, as in sobrang saya. Marami kaming napuntahang ibat ibang mga lugar. Mga gagandang mga lugar, pero ang pinaka magandang lugar na napuntahan ko eh sa tabi niya habang tinitignan kong  nakangiti siya. Yung mga buwan na magkasama kami, para sa akin ito yung pinakamasayang buwan ng buhay ko.

Bumalik sa eksena ang boyfriend niya, unti unting lumabas ang katotohanan. Nung mga panahon na akala ko masaya  rin siya, nagkamali pala ako.Gabi gabi umiiyak siya at nangungulila. Sa mga panahon akala kong mahal rin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Akala ko lang pala iyon, kasi may iba pang laman ang puso niya at hindi ako yun.  Ayaw ko man, unti unti na akong nawawala sa eksena.

“pinipigilan ko ang sarili ko na mahalin kita, kasi ayoko balang araw na masaktan kita”

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kapag sinasabi niya iyan sa akin, Ang naiintindihan ko, yung nararamdaman  ng puso ko, parang balat ng letson  na madalas may kumukurot.  Kahit paunti unti kapag nagtagal masakit na rin. 

Hindi naman talaga ako sumusuko na mahalin siya, hanggang ngayon pangalan niya pa rin ang sinisigaw ng  puso ko, ngiti niya pa rin ang hinahanap ng mga mata ko,siya pa rin ang babaeng gusto mahalin ko  Pero anong magagawa ko, extra lang ako. Ang masaklap  kontrabida  ako pagdating sa pagmamahalan nila. 

At ngayong tuluyan na kaming nagkalayo, aaminin ko miss na miss ko na siya at wala akong kahit konting pagsisisi na minahal ko siya. Kasi ng dahil sa kanya nalaman ko, marunong pala magmahal ang isang kikilabotz.