Wednesday, May 25, 2011

Si kikilabotz at ang RH bill


Kasalukuyang ipinapalabas ng GMA yung Debate tungkol sa RH bill nang hindi inaasahan na isang babaeng blogger na may  kasing laki ng watermelon ang hinaharap (future)ang nag txt sa akin.

 “kiki pro kaba or anti about RH bill?”

Hindi ko sinasabi na tama ako.  Ang mga mababasa ninyo ay pawang mga opinion ko lamang. Inuulit ko opinyon ko lamang.

Ako si kikilabotz, isang simpleng mamayan. Marami ang nagagalit sa akin, dahil isa  akong  tukso para sa mga kababaihan. Nakakaadik at kahit kalian man ay hinding hindi pinagsasawaan. Kaya naman, hindi mo maiiaalis sa akin na ipahayag ko ang aking saloobin tungkol sa RH Bill.
Hindi ako against sa RH bill, at lalong hindi rin ako against sa mga tumututol dito. Both sides ay may kanya kanyang opinyon,  at aaminin ko pareho silang may mga points. Ibig sabhin pareho silang tama. Kung tutuusin, para sa akin, wala naman sa Rh bill ang problema. Ang totoong problema  ay nasa sa atin.

Bakit natin kailangan magtalotalo? This will only lead us to its root word na “talo”. Sa tingin ko hindi natin kailangan pumili ng side na papanigan. Kasi hindi naman nito masosolve yung problem, It will just promote more conflicts. What we need to do ay magkaisa. Be one.

As I said earlier, Pareho silang may point. At alam ko naniniwala ka dito. So the best thing to do is not to compete who is right and who is wrong, but to admit what’s wrong and make it right. (ewan ko kung tama grammar ko hehe).
Kung gusto ng mga pro Rh bill na icontrol ang population,  at against naman ang mga Anti dito kasi baka gamitin lang ito for more corruption. Why not amend the bill na  magsesecure sa public na hindi ito magagamit for corruption. Another thing is yung sa Church, against sila sa bill, against sila dun sa pagamit ng contraceptives. Diba madami namang way para maipromote yung control ng population without using artificial contraceptives? Halimbawa na lang dito ay yung calendar method at  pwede din yung  sex education sa mga teen agers  na magpapaliwanag sa mga advantages at disadvantages ng family planning. Kung magsasama lang tayo o kahit yung mga congressman ay magkakaisa sa isang magandang layunin. Makakagawa at makakagawa sila ng paraan.
Hindi ko alam kung napaliwanag ko ng maayos. Inaantok na rin kasi  ako. Hahahaha. Nakikiuso lang naman ako.Pagpasensiyahan niyo na. Nyahahaha. Pero isa lang ang gusto ko iparating


Kapag sama sama tayo, at magkakaisa..Kaya natin masolusyunan ang problema ng bansa. Godbless us all

ps: para sa babaeng blogger na nagtxt sa kin..peace..joke lang. hehe

Friday, May 20, 2011

ang ika isang daang poke



babala seryoso  ang post kong ito. at taimtim akong nagpapasalamat sa napakagandang blogger (errrrgggghh)

Marami akong gustong  iblog, pero itong  post kong ito ay ang sa tingin kong nararapat na mauna.  Hindi na ako magpapalagoy ligoy pa. Kamakailan kasi may isang NAPAKAGANDANG BLOGGER
(errrhhhggg ) ang nahilig sa POKE. Hehe.  Dahil nga POKE ang paguusapan, Bihasa ako diyan. Para san pa ang pangalan kong KIkilabotz. Diba diba?  Minaster ko nay an sa college eh. Bachellor of Science in Poke kaya kurso ko. Hahahaha.( paxensiya na kung sumobra yung letter "L" sa  spellling ko. sadyang ma  "L"  lng ako. bwahahha)  Ayaw niyo pa rin maniwala? Final exam nga naming dun ,manghuhuli kami ng manok. Tapos sisilipin yung sa bandang pwetan. Yun. Hihipan namin. Kapag nagclose-open ng mahigit 32, Pasado. Kapag hindi naman. Bagsak. Hahaha. Wala lang nakwento ko lang.

anyway balik  na tayo sa kwento. Uhmm ganito na nga. So itong si NAPAKAGANDANG BLOGGER (errrgghhh ulit) eh Naghanap ng maraming poke. At maswerte ako dahil ang Poke ko ang pang isang daan. Ayun. Nanalo ako ng napakaraming prizes. Hehe.  





Actually hindi ko naman talga alam na may premyo, natuwa lang ako kasi kahit minsan eh pakiramdam ko lonely and sad ako.huhuhu.joke  Meron pa rin palang nakakaalala sa akin. lubos akong natutuwa. Kaya lagi ako nagpopoke back sa kanya sa facebook. hehe. oo facebook lang. kala niyo naman. haha. At kanina , babasahin ko sana yung book na ibinigay niya. Meron akong nabasang letter. hehe. 
WOW may kiss pa sa itaas oh?? look dali... hahahaha.. Kaya lang na sad ako ng konti. haha.walang dila. haha joke. ate ayie marahil nakalimutan mo na ito. Pero xempre meron akong isang salita. hehehe. kaya ipopost ko ang topless picture ko. suot ang abu dhabi boxing short na ibinigay mo.  nyahahahah. mga readers?  maiintindihan ko kung mumurahin niyo ako pagtapos at idelete ako sa blgroll niyo at ireport ako. hahahaha.

ayan naka neck tie pa!!


Friday, May 13, 2011

welcome me australia

"Kuya, Gising na! ihanda mo na daw mga papeles, Sabi ni mama pumunta ka daw Australia"

Yan ang naging pang gising sa akin ng aking bunsong kapatid.Nakakatamad man bumangon kasi napakalamig at ang sarap matulog, tumayo na ako. Tinignan ko ang murang cellphone ko. Wow, may nagtxt! may nakakaalala  at nagmamahal pa rin pala sa akin. Tapos ini-open ko yung inbox. haha. Lintek yan! akalain mo yun? may lihim pa lang pagtingin sa akin sina GLOBE at 4438. hehe. rereplyan ko na sana, kaya lang wala pala akong load. Talaga yatang flashlight lang sibi nitong cellphone ko.

Grabe! Ang sungit sungit nang panahon ngayon. kasing sungit ni Justin Bieber nung umalis siya sa Pilipinas. Grabe! May bagyo pala, now I know kung bakit  "bebeng" ang pangalan ng bagyo. Kasi nga ipinangalan kay Justin.. Justin Bebeng. hahaha. teka, bakit parang ang korni ko na nitong mga nakalipas na araw? Gutom lang siguro to. hehe

Pinuntahan ko si mama sa kwarto, tinabihan , hinawakan at kinausap.

"ma, diba nagusap na tayo? Diba sabi ko ayoko muna mag abroad? Dito na lang muna ako. Dito na lang muna ako sa Philippines. (yehey! english). Dito na lang muna ako magbabanat ng buto. Ma, ayoko muna umalis. Pag-umalis ako, paano na kayo? si papa, sino mag aalaga sa inyo? diba hindi pa naman natin kelangan ng malaking sahod? diba? Kung naliliitan kayo sa kinikita ko, edi sige! bukas na bukas din maghahanap ako ng pandagdag kita. Ma, pls. ma, diba nag usap na tayo? bakit ganito? biglaan. Hindi niyo man lang ako kinunsulta? ma, Bakt bigla niyo na lang ako papapuntahing Australia?


Tinignan ko sa mata si mama, Pero hindi siya sumagot. Malamang!hehe. kasi picture lang niya kinakausap ko. Namalengke pa kasi si mama. Kaya nagppractice muna ako ng iddrama ko.  Tapos nakita ko yung kapatid ko. tawa ng tawa. Nakalanghap nanaman siguro ng sariling utot. Mukhang high eh.Sabog. Kaya tinanong ko siya kung bakit. Tapos sabi niya;

"Kuya,hahahah, Hindi naman kasi Australia! Estrella.. Singilin mo daw ng renta ng bahay si aling Estrella. tatlong buwan ng hindi nagbabayad. " 

ok ako na! ako na! Akooooooooooooooo na

Friday, May 6, 2011

ang pagtatapos ng i love you ipis ipis very much

kabanata 1 AKO ANG SIMULA
kabanta II INUMAN
kabanata iii HAPDI, KIROT at SAKIT
kabanata 4 LAMAY
kabanata 5 Pagbabago
kabanata 6 MAGPAGAMIT
kabanta vii PANLILIGAW
kabanata viii ORGASM
kabanata ix NO IPIS ALLOWED

KABANATA X

SA WAKAS



Tatlong taon na rin siguro ang nakalipas, magmula nuong naganap ang isang pagyayari na tumapos sa masalimuot kong buhay. Opo. Ang iyong abang lingkod na si Lufet, ay nasa Langit na.

Ganito ang nangyari

Mabilis akong nakarating sa kabinet kung saan naruon si Intsikticide. Dahan dahan akong pumasok sa maliit na uwang sa may ilalim ng kabinet. Kagaya pa rin ng dati, madilim pa rin sa loob nito. Pero sa hindi ko malaman na kadahilanan, hindi ko maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman.

“pssssssttt, psssssstt...Insikticide ako ito ..” mabilis  kong isinaysay sa kanya.

Hindi ako maaring magkamali. Nakita kong ngumiti siya nung nakita niyang dumating  ako. Pero ang ipinagtataka ko lang, kung bakit bigla na lang nawala yung ngiting iyon at biglang napalitan ng galit.

“Umalis ka na ditto Lufet.Pls!” wika niya

“pero...bakit?...hindi mo na ba ako mahal?” makulit kong itinanong.

“mahal kita, alam kong alam mo yan. Pero, hindi tayo bagay, hindi tayo para sa isat-isa.Lufet, ayaw na kitang masaktan kasi mas nasasaktan ako!” maiyak iyak niyang isinigaw.

“Minsan, kailangan  natin masaktan para magising tayo sa katotohanan. At ikaw ang gumising sa natutulog kong puso. Nagising na lang ako sa katotohanan na mahal kita at hindi ko kayang iwanan ka.” Tugon ko sa kanya

“ Hindi mo ko naiintindihan eh. Maaari kang mamatay!” sigaw niya

“eh ano? Eh ano kung mamatay ako? Lahat naman darating dun. Basta ang alam ko, Gusto kita makasama, gusto kita yakapin, gusto kita halikan, gusto ko iparamdam sayo ang pagmamahal ko. Kung mamatay man ako dahil sa mga ito.. Wala akong pagsisihan, kasi nagawa ko yung gusto ko.”  Muli kong itnugon.

“Lufet! Natatakot ako.”  Naguguluhan niyang isinagot.

“ako rin. Natatakot. Pero kailangan natin maging matapang. Ayoko maging duwag habang buhay. Kaya nga andito ako. Sasamahan kita. Harapin natin yung mga takot natin.” Dahan dahan akong lumapit kay Intsikticide para yakapin siya.

Bigla na lang, lumiwanag. Nagulat ako. Nasilaw, napapikit. At sa aking pagdilat, hawak hawak na ng isang dambuhalang tao ang mahal ko. Tapos itinapat niya si Intsikticide sa akin. Nagkatinginan kami ni intsikticide. Natakot ako. Pero mas kita ko ang takot sa mata ni Intsikticide. Sabay idiniin ng tao ang kanyang hintuturo sa bahaging itaas ni Intsikticide. Nagsimula na itong maglabas ng kakaibang likido na may nakakamatay na aroma.
Hindi ako makagalaw. Parang may nakahawak sa anim na  mga binti ko.  Sinubukan kong lumipad para pero ang bigat ng katawan ko. Wala na, Wala ng ibang laman ang isip ko kundi ang iligtas siya. Ang masaklap. Wala rin akong magawa.

“lufeeeeeett!! Wag mo na ko intindihin..pabayaan mo na ako. Magsimula ka na lang ulit.Umalis ka na!!”  malakas na sigaw ni Intsikticide habang umiiyak.

Malakas ang  buga ng likido mula kay Intsikticide dahil sa madiin na pagkakapindot dito. Unti-unti akong napaatras. Umikot ang paningin ko gaya ng pagikot ng mundo ko kay Intsikticide.Nahihilo na ako. Pakiramdam ko kusa ng pumipikit ang mga mata ko, nanghihina na rin ang buo kong katawan. Pero bago pa man bumigay ang katawan ko. Nasabi ko pa rin ang mga katagang;

“Mahal kita Intsikticide ko, mahal na mahal parang gasulina.”


(insert  f4 song here)

 Obeybibeybibeybi may beybibeybi  kushangshang mishani,mekeni,mekeni gogojumanji, angkaninamsimpugi........


Mukhang gigil na gigil yung dambuhalang tao. Naubos  niya kasi ang lamang likido ni Intsikticide. Nakita ko pang inaalog niya si Intsikticide bago itinapon sa may basurahan. At yun  na nga.Bumagsak ang katawan ko. napatihaya, at nagsimulang mangisay.

Ngayon, Masaya na ako dito. Ang totoo hindi naman talaga ako namatay.  Buhay ako at kasama ko si Intsikticide, si Manuy at ang mga repipis. Diba’t langit din naming maituturing ang lugar kung saan kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Nagsasaya at nagmamahalan. 

Paano ako nabuhay? Actually hindi ko alam, Sabi ng iba, baka daw sa dami ng luhang nahalo sa nakalalasong likido ni Instikticide,nabawasan ang tindi ng kamandag nito. Sabi naman din ng iba, Yun daw ang tinatawag na himala. Ewan ko! Basta ang alam ko nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagibig.

(Insert mutya themesong)
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo

Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan

(o tama na! Kumakanta ka na eh! Hindi na nga kita sinita nung kinanta mo yung sa F4. Pati ba nmn ito!)

Nga pala, may goodnews ako. Matapos ang mga pangyayari. Nagpunta siya sa Paris, France. Dun siya nagpaconvert. Ngayon,Hindi na siya si Intsikticide na made in china. Siya na ngayon ay isang click here para malaman ang kasagutan

Tuesday, May 3, 2011

tagalog broken hearted love quotes ni kikilabotz


Problemado ka ba sa pag ibig? ikwento mo na kay Doctor KikiLOVE ang kwentong pag ibig mo
isend ang kwento dito


 Minsan kelangan mo masaktan para malaman mong hindi ka manhid



"Ang saya saya ko kapag magkasama kami, Pero ang sakit tanggapin na mas masaya sila kapag sila ang magkasama."


SABI ng ipis:
Wala naman akong balak saktan siya.
Gusto ko lang naman maging close kmi, Pero bakit tinataboy nya ako.

sabi naman ng insecticide
Insecticide ako, Nilalayo kita sa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo.
                                                 -from i love you ipis ipis very much story




gusto ko maging isang octopus.Para mas marami akong mayakap ng sabay sabay.
- i love you ipis ipis very much story

Kapag binato ka ng bato
  “umilag ka! Tanga!”
-i love you ipis ipis very much story 

Kaya kong tiisin yung hapdi ng dulot ng mga sugat, kaya ko rin tiisin yung kirot ng hindi pagkain  ng ilang taon, kaya ko rin tiisin ang sakit ng magpa sagasa sa ten wheeler truck..Pero ang hindi ko kinaya..ang makitang unti unting nahihirapan ang pinakamamahal ko. Ang sakit sakit pala..ang sakit sakit..nakakamatay

"Sometimes it hurts more , nang masabihan ka ng i love you lalo na kapag alam mong hindi naman ito totoo"

"Minsan ang puso kailangan munang mabasag para malaman kung sino o ano ba talaga ang nilalaman nito"

Naisip ko! Maari pala natin ikumpara ang buhay natin sa Pagtae.
Na kahit minsan sobrang sakit na,  na kahit minsan na sobrang hirap na, at kahit minsan na nanaiisip mo na na hindi mo na kaya.. hindi pa rin natin nakakalimutang ngumite kapag umiire .

HUWAG MO HANAPIN ANG TAONG MAKAKAINTINDI SAYO ! HANAPIN MO YUNG TAONG IINTINDIHIN MO.

Kung nasira ang sasakyang sinasakyan mo. At wala na itong pag-asang muling umandar pa. Pwede ka namang maglakad para makarating sa kabilang dako na kung saan may taong naghihintay sayo

Sinusubukan ko na nga mag MOVE-ON. Napansin ko Nagmomove nga ako pero pabalik naman sa kanya. DAMN!!

Mahirap hanapin ang mga bagay na wala ka, Pero mas mahirap  hanapin ang mga bagay na meron ka pero winala mo!!

The more ko siyang kinakalimutan the more ko siyang naalala. Sa mga sandaling niloloko ko ang sarili kong hindi ko na siya mahal, Lalo ko lang napapatunayan na mahal na mahal ko siya.Lungkot at sobrang paghihirap ang nararamdaman ko sa tuwing nangungulila ako sa kanya kapag umaga. Tapos sa gabi, takot naman ang nangingibabaw na baka bukas pagkagising ko, Mas mahirap na pangungulila ang mararanasan ko.


"nagbabakasakali na sana muli siyang magbalik. Natigil ang lahat ng napansin ko na ang taong pinaglalaban ko at ang taong kinakalaban ko ay iisa lang"

Kasi ang isang minutong ginugugol mo sa paghahanap ng ikakapintas ng iba, Sinasayang mo ang Animnapung segundong pagkakataon mo para maging masaya. 

"Nagpapasalamat ako sa pagiwan niya sa akin dahil napatunayan kong hindi pala ako nagiisa"



hnd ko alam kung matatawag ba itong brockenhearted kowts  o emo kowts. hahaha. pero sana nag enjoy kayo sa mga compilation ng mga makabagbag damdaming kowts na nabuo sa isipan ko simula ng nagblog ako. enjoy ^_^


 More tagalog  Kikilabotz Quotes Here

Visit here for more LOVE QUOTES  <---------- br="" click="" here="">


  Pinoy  trending news by James Bang News Site

   

gusto mo b ng mga JOKE? suportahan at bisitahin bago kong blog na JOKES KO PO! please like and share to support