Sunday, October 31, 2010

sulong nurses

Simula ng ipinanganak ako hanggang sa bago ako pumasok sa kolehiyo. Kahit  minsan hindi pumasok sa isip ko na magiging nurse ako. Isang araw nagulat na lang ako, Pagtingin ko sa salamin nakita ko ang aking sarili. Tama si Mama. Ang kyut kyut ko nga pala talaga. Parang puwet lang ni Scooby Doo na nagcostume ng  kulay puti. At  ayun Isa na pala akong ganap na nurse.


Pero hindi ganun kadali.  Maraming mga kwento, Ibat ibang mga storya, at mga hindi kapanipaniwalang mga pagsubok ang aking napagdaanan. haha kelan ba may naniwala sa kwento ko? bwahahaha.

Mahirap ang naging kalagayan ko ng studiyante pa lang ako. Madalas nga hindi na ako nagbbreak dahil sapat lang ang baon na binibigay ng mama ko. Sapat lang para sa pamasahe sa taxi at pangkompyuter ng open time . Kaya kapag nagugutom ako pumupunta na lang ako sa aleng nagtitinda ng mani. Makita ko lang ang mani ni ate nabubusog na ako. haha


 Dahil isa akong anonymous blogger. Hindi po ako magpapakita ng mga letrato ko ng sobra sobra. 

BABALA ANG MGA SUMUSUNOD AY MAGPAPAKITA NG AKING MGA LARAWAN.

NAKAKASUKA.
Eto ang itsura ko ng studiyante pa lang ako. haha. gwapo pa ako niyan. Kung tatanungin niyo ako kung ano nangyari at bkit nagkaganito ang itsura ko ngayon. hindi ko din alam. pugelshit talaga. haha
                                                     



wala lang sinama ko lang to , parang ang kyut kyut ko kasi dito eh. bwahahaha mukhang may mga hepa ang kasama ko dito.

 


hindi naman halatang  nasa bilyaran kmi?


matapos kong magtapos sa pagaaral at maakapasa sa board exam. akala ko magiging madali na ang lahat. pero nagkamali ako.Umpisa lang pala ito ng bagong yugto ng aking buhay. Wala akong mapasukang trabaho. hindi kasi ako nagaapply. haha. kaya nga pumasok ako ng trainning sa isang hospital.  duon







BAWAL ANG PATXT TXT LANG




siyempre kelangan itxt si soulmate. haha




BAWAL ANG PAKAIN KAIN LANG
minsan sa sobrang busy hindi k na nga makakain



BAWAL ANG PATAMBAY TAMBAY LANG
BAWAL UMUPO SA JEEP
xensa walang maisip eh. hahaha






BAWAL ANG MARUMI ANG SAPATOS

OK fine. sa akin na ang madumi
Sa kabila ng maraming bawal, mas masarap gawin ang bawal kapag Sama sama.

Dahil holloween ngayon, merong ring Syempreng nakakatakot na storya sa hospital ito po ang katibayan

Kapg nasa ward ako at night duty madalas ako nakakaramdam ng kakaiba. 












hindi sinasadyang makunan ng camara ang isang white lady. Tignang mabuti ang larawan sa itaas na may arrow na kulay pula.

eto pang isa



Muling masdan ang babaeng may arrow na pula







Nakakagimbal hindi ba? Huwag kang mag alala. Masama lang talga ang ugali ko.Nagiimbento lang ako ng kwento. Patient lang siya. Nahospital kasi sinisinok.


tama na ang paligoy ligoy. hahaha. kung umabot kayo dito malamang nakaisang baldeng suka na kayo sa mga pics ko. hahahaha. pero eto ang importante


kanina habang nagiikot ako sa mundo ng facebook, may nakita akong isang event.  isa po siyang fun run para sa mga nurse tulad ko. at ito po ang knilang layunin.


http://www.facebook.com/home.php?#!/event.php?eid=104828959570252
http://www.facebook.com/home.php?#!/event.php?eid=104828959570252


STOP MAKING NEW NURSES PAY HOSPITAL FEES!

Join the FIRST and BIGGESTNURSE FUN RUN Para sa Kinabukasan ng mga NARS! December 5, 2010, CCP Complex, Manila

The event aims to:

1. Promote good health and wellness through a fun activity among nurses (students, graduates, licensed nurses)

2. Foster camaraderie and the spirit of helping each other in the quest for good opportunities in the nursing career

3. Raise awareness on the “challenges” facing nurses in the country:

- Not enough jobs for thousands of registered nurses (approximately 300,000 unemployed licensed nurses)

- The volunteering and unpaid on-the-job training for nurses where instead of being paid for work, they instead pay hospitals to gain experience

- Low salaries of nurses.

tatakbo po ako diyo. see yahh. ^_^


Wednesday, October 20, 2010

Balikbayan box

Naalala ko. Batang bata pa ako nun. Naglalakad pauwi galing eskwela,  Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kapag akoy napapatingin sa nakatatak na star sa aking kamay. Kahit simple lang para sa akin nagnining-ning ito sa ganda. Gayang gaya ko nga yung  star ng clasmate ko na nakaperfect ng quiz. Ok lang kahit peke basta may star. Ayos na. 


Pagdating ko sa may gate, Andun si mama. Nakatayo at nag-aabang sa aking pag uwi.Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya at nagmano. Tapos, Tinanong niya ako " anak kamusta ang eskwela?"

Siyempre mayabang ako kaya sinagot ko siya " Ma, Ang galing ko po, Sa aming magkakaklase ako lang po ang nakasagot sa tanong ni teacher. Galit na galit na nga si teacher wala pa rin makasagot."

Napangite si Mama, at sinundan ako ng tanong "Ang galing naman ng anak ko. Ano ba yung tanong ng teacher mo?"

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinabi ko na ang tanong " Kung sino daw po ang walang assignments."

Matapos nun. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakakapagtaka kasi maraming tao, Marami ring handa. Lahat nagkakasiyahan. Kaya tinanong ko si mama.

" Ma, sino pong may birthday?"
"wala naman anak" sagot ni mama
"eh ano pong nanyanyari" makulit kong tinanong ulit
"Si Ninang mo, Yung ate ni Papa mo? aalis na pupunta ng amerika" tugon ng aking mama
"pwede po ba akong sumama" aking tinanong
"Hindi pwede anak, Matagal pa siya babalik" sagot ulit ni Mama

"Matagal? Eh bakit po kayo masaya?"

Hindi ko na masyado maalala ang sinagot sa akin ni Mama. Basta ang naalala ko lang. Masarap yung handa naming spaghetti. Wala ng iba


Habang kumakain ako ng spaghetti naisip ko, Kaya siguro pupunta si Ninang sa Amerika kasi single siya ng mga panahong iyon. Mas malalaki daw ang sa mga Amerikano kesa sa mga Pilipino. Mas malalaki magpasahod.

After ilang months, Tinawag ako ni Papa. Bilisan ko daw kumuha ng ballpen at malinis na papel na pang grade4. Susulatan daw namin si Tita ninang.Kaya nagmadali akong iabot kay papa ang dala dalang ballpen at papel na panggrade4.

PAPA: Bilisan mo, hubarin mo na yang tsinelas mo at ilapit mo na dita yang paa mo.
AKO: Hala? bakit po PAA? kelan pa po naging legal magsulat gamit ang paa?
PAPA: basta.

Sabay inilapit ang papel.Ipinatong ang paa ko dito at sinimulan na gumuhit. Ginawang pang-gabay ang paa ko para maipadala ang eksaktong laki nito. Huwaw! Nakakaamoy ako ng isang bagong sapatos.

Ilang mahaba habang hintayan ulit ang naganap. Sa wakas dumating na ang inaabangang balikbayan box. Natural masaya nanaman ang lahat. Tumingin ako sa kaliwa, Si Ate may bagong bag. Huwaw!!. Tumingin ako sa kanan. Si kuya may Gameboy. Huwaw!! Tapos tinignan ko yung para sa akin. Huwaw!! Muntik na akong magmura. Isang tumpok ng medyas. Huwaw na huwaw talaga! Tapos tumingin ako sa likod. Yung isa ko pang kuya. may bagong relo, may bagong baseball cap at isang bagong kontrobersiyal na rubber shoes. Hanggang ngayon pakiramdam ko may anumalyang nangyari.

Lumipas na ang maraming taon. Matanda na ako. Pero kyut pa rin daw. Nakapag-asawa na si Tita. Nakapagpatayo na rin siya ng sarili niyang bahay dito sa Pilipinas.Marami na rin siyang napagtapos ng pagaaral sa aming magpipinsan. Taon taon umuuwi siya dito sa amin para magbakasyon at magpakasaya.At masasabi ko Tagumpay ang journey niya sa ibang bansa

Marami sa atin ang nagsasabing mahirap mangibangbayan at magtrabaho dun. Mapalayo sa pamilya at mapalapit sa tukso. Madalas makakaramdam ka ng pangungulila. Lalo mo mararamdaman ang pagod. Iiyak ka, luluha, masasaktan. At darating sa  point na gugustuhin mo ng sumuko

Ang totoo. Mahirap naman talaga. Wala naman nagsasabing madali. But the good thing is. Marami tayong magagawa para matulungan natin ang ating mga mahal sa buhay na nangibang bayan. Para makalagpas sa pagsubok ng kanilang mga pangarap. Kapamilya natin sila. At iparamdam natin ito.

Kapag nangungulila sila? Be there.Makipag SOP (Singing On Phone) Makipag-usap sa telepono o kaya naman mag internet. Iparamdam mo sa kanila na hindi sila nagiisa.Magkwento ng mga kaganapan sa buhay mo.  Malayo man tayo sa kanila. Nandun  naman ang presensiya natin. Nakaalalay. Sumusuporta.

Kapag nagbigay o nagpadala sila. Be happy. Ngumiti at magpasalamat. regardless of what  or how much it is. Dont make them feel na responsibility ka nila. Be their motivation. Be their inspiration. (nagpapanggap lang ako ng ingleshero. pasensiya naman)

Kapag gusto na niya sumuko. Sabihin mo sa kanya hindi naman siya holdaper. Wag siyang sumuko. At ipaalala mo sa kanya na si God ay laging nariyan. At hinding hindi tayo papabayaan. Na ang problema ay parang amoy lang ng utot. Lumilipas rin.

Love. according nga sa kyut na blogger na si kikilabotz.  Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo. Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.

Saludo ako sa mga matatapang at matatatag na OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Nang dahil sa inyo, Nang dahil sa mga kagaya ninyo. May isang blogger na nakapagtapos sa kursong narsing.At ngayon ay isa ng profesional. God bless us all

Salamat ninang, salamat tita, salamat sa babaeng tinuturi kong pangalawang mama. haha totoy pa ako dito. oh yeaahh!! 





Wednesday, October 13, 2010

nakaka EBback

sa maikling  panahon paghahasik ng lagim dito sa mundo ng blogosphere,Marami akong nasaksihang mga storya. mga nakakatawa,  mga nakakaiyak,  mga nakakainspire,mga  nakakamangha,mga  nakakagutom at mga nakakagulantang. Pero sa likod ng mga ibat ibang storyang ito merong isang tao ang nagtiyatiyagang mamahagi ng kanilang mga kwento.

sa loob ng isang taon ito na po ang mga nakita kong mga idol


sa shaw ang ang usapan, nakarating sa moa, tapos umabot ng tagaytay.. e










tapos nasundan ng kaffe razzo fever





tapos dumiretcho sa paboritong place MOA
                                     


after ilang months mga kaibigan naman sa wordpress  sa bandang cavite



tapos nagpunta ng davao, nakita ang isang hot blogger



tapos nakifiesta at nakipagpictorial sa rizal


syempre hindi pa natapos dun ang lahat nasundan pa yan ng isa pa sa aking lungga (trinoma)







at siyempre meron pa kong isang blogger n nakita isa siyang anonymous kaya wala kmi picture. haha.


at ang totoo nainggit ako sa huling kita kits nila. hihihi

syempre madami pa akong blogger na gusto makita.
yung mga  bestfren ko dito sa blogwrld ,
lalo na yung mga nasa top ten hottest blogger ko at magpapicture at autograph sa kanila. 
ayoko na isa-isahin baka hindi matapos.


masaya ako kasi nasilayan ko at nakakwentuhan mga idol ko.



Tuesday, October 5, 2010

isang taong kainusentihan

Para akong isang musmos, habang sinisinghot singhot ko ang tumutulong uhog sa aking ilong. Lagpas tenga ang ngiti.At hindi maipaliwanag ang tuwang nararamdaman. nang tinikman ko ang uhog. Lasang maalat alat na syrup. Isang taon na ang kwentong nakaka. nagsimula ang lahat ng......

 Nanahimik ang buhay ko, Hanggang one day nanaginip ako.Isang babaeng hubot hubad at sumasayaw. Mapang-akit, Mapanukso. Oh yeah. ayaw ko na magising. Sa hindi malaman na dahilan naalimpungatan ako. Pugelshit naman oh! Kaya natulog akong muli. Muling nanaginip. Pero sa pagkakataong iyon. Iba na.

Binangabag ako ng aking panaginip. Kelangan ko daw magpaligaya ng sandamukal na tao. Sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.Paano ko gagawin yun? Isa lang ang katawan ko. Isa lang ang kaya ko per day. Pinitik pitik ko nga pero ayaw ng tumayo...ng katawan ko. pagod na. pagod na.

imbento lang. bwahahahaha

Isang taon na ang inusentepapalaako.blogspot.com. At maraming salamat sa 169 na followers nito. At sa mga readers na walang sawang nagcocomment kahit madalas nonsense ang mga pinopost ko dito. Maraming maraming salamat. Alam ko naman na hindi ako magaling magsulat at wala rin akong talent magkwento. Buti na lang kyut ako. bwahahaha. joke. kaya nagpapasalamat ako sa pagtitiyaga ninyo. Sana kahit next year. pagtiisan ninyo ako ha? ha? ha?

Maraming salamt nga pala sa mga nagpadala ng mga pic greetings. Sa mga hindi pa nagpadala . wag worry pwede pa naman next yr.  Lahat favorite ko. hehe.
post ko  yung mga pic greetings na tumatak sa isip ko

  ARTISTIC
salamat ate salbe. bwahahahaha.



































BESTFRIEND JAM

 FUNNY
 INTERNATIONAL ?
tnx sir diamond R para sa pic









         DI KO PO BDAY





        k and drake


   SPECIAL
                                                             from my real life special friend


at eto po ang clip na dapat niyong pagpasensiyahan.compilation ng pic greetings.  first time ko lang gumawa ng ganito. hahaha. kaya sorry sorry sorry








maraming maraming salamat sa inyo.
nga pala may bago akong blog. bwahahahahaha.
sana bisitahin nyo rin siya. ^_^

http://www.kwentongeveryday.blogspot.com/

Monday, October 4, 2010

one year blogging




practice lang ^_^


to kayedee bestfren maraming salamat. hehe