Sunday, March 28, 2010

KITA KITS


Badtrip ako ng mga araw na iyon. Kasi kakaputok pa lang ng kuliti ko sa aking kaliwang mata! Alam kong nagbabalak akong manilip sa darating na reunion ko with my  former classmates.Pero bakit ganun? bukod sa nagsi atrasan ang iba at 2 na lang kming magrereunion.Nagkakakuliti agad ako kahit wala pa akong nasisilipan! Sobrang asar talaga! Ang bilis ng karma nauna pa sa kasamaan ko. grrrrrrr.


Maya maya pagkakita ko sa cellphone may tatlong messages akong nakita .  Dalawa galing kay glentot at isa galing kay chinggoy. Iisa lang ang laman kung sasama daw ba ako. Syempre nagdadalawang isip  pa ako kasi may pasok pa ako kinagabihan. Pero dahil nga sa minsanan lang dumating ang pagkakataon sinamantala ko na. Makita ko lang ang mga idol ko.

Si pareng glentot ang unang blogger na nakita ko. Sa unang sulyap kala ko si john pratz tapos sinulyapan ko ulit. john pratz talaga. Pero kapanahunan pa ng batang x. hehe. joke

Sumunod si pareng salingpusa na naging pusang gala at ngayon siya na si pareng pusangkaye. Wala lang knuweto ko lang bkit ba? haha. joke. Si pareng pusang kalye ay isang matipunong tao.gwapo at malakas ang appeal. Xempre naman! nilibre kmi nyan starbucks eh. libre mo ulit kmi ha? sunod nyan kamukha mo na si tom cruise pre.


Tapos hinintay namin si kuya chingchinining. parang magic lang.Hindi na sumulpot bigla. ahahaha. pero syempre naiintindihan namin siya at nauunwaan sa dahilan nya.Iba talaga pag edsel pogi ang pangalan. hehe

And then nagpunta kmi sa MOA para tagpuin sina Jepoy at Andy.

Actually hindi ko kasi kilala si Andy sa mga panahong iyon. Hindi ko pa nabibisita ang site nya. Kaya hndi ko alam ano itsura nya. ayun. henyong henyo kung titignan nakasalamin at nakabihis mayaman. tapos kala ko isnabero yun pala ay hindi mabait naman pala.

Si pareng jepoy. Unang sulyap kitang kita ko na siya. Huwag na ninyo itanong kung bakit.. malinaw lang talga ang mata ko. Tapos shakehands. hahaha. tatlong beses ulit ako umihi. wawang jepoy!

Tapos roadtrip sa tagaytay. Absent na kung absent. . Basta! Minsan lang toh. eh ang pag-absent ko madalas.ayan na. ennnggggggg...brrrrrrrrr...brrrrrrrrr. umaandar na yung spaceship ni jepoy. Kagaya ng mata ko na may naknak. Nagbatuhan din ng mga naknak jokes ang mga idolo kong blogger. tapos tawanan

Tapos nagulat ako english na ang pinaguusapan nila. tawa sila ng tawa. para akong alien na hindi makarelate. para akong isang vampire habang sinisinghot ko ang mga dugong lumalabas sa ilong ko at simpleng nilulunok ito para hindi mahalata. Na ang tanging masasabi ko lang ay hehehe.

Tapos dumating na kami sa tagaytay. Ang ganda  ganda ng view. Ang dark dark.  pukinamshit! earth hour kasi kaya sobrang dilim. Na ang tanging libangan namin ay ang kwentuhan , piktyuran at asaran.Habang dinadama namin ang sobrang lamig ng simoy ng hangin ng tagaytay.


Ang saya saya. Ni hindi ko na nga napansin na may problema na pala. hehe pero im sure magkakaayus na rin yung dalawa. konting kurutan at kilitian lang yan.

Sa buhay ng tao. kung ang papansinin mo lang ay puro kalungkutan, Hindi mo mararamdaman ang sarap ng pagiging masaya, Pero kapag papansinin mo lang ay puro kasiyahan, Hindi mo mararamdaman ang sakit ng pagiging malungkot.  I know it was both vital na maramdaman pareho. Pero db?Ano ang mas gusto mo? maging masaya o maging malungkot. Nakadepende yan sa bagay na bnibigyan mo ng attensiyon.

Thursday, March 25, 2010

unan

kagabi, Habang inaayos  ko ang ng aking kwarto. Napansin ko ang aking unan. Mahigit ilang linggo ko na rin palang hindi nalalabhan ang unan ko. Sinuri ko itong mabuti , Nagbabakasakaling baka pwede pang gamitin. hinawakan ko  at dahan dahang nilapit sa ilong ko. Bago ko amoyin naramdaman ko ang kaba na baka ayun na ang huling sandali ng aking masayang buhay. Rinig na rinig ko ang tunog ng  aking lunok habang naghahanda na amoyin ito.Pinikit ko ang aking mga  mata at inamoy ang nasabing unan. Isang kakaibang amoy ang bumulaga sa akin. PuT@N #$ %&*!!!!! Napamura ako ng malakas. Kaya pala ang bilis ko makatulog kapag gamit ko iyon. so comfortable!! hehe. Kaya dali dali ko siya nilabhan.

Napansin ko ang mga kakaibang marka sa aking unan. Animoy mapa ng kayamanan. May mga pulo at isla. Dito bumalik alaala   ng aking nakaraan. Mga panahon na animoy wala na akong magagawa kundi ipikit na lang  ang aking mga mata at damahin ang unti unting pagbuhos ng aking mga luha.Pakiramdam na hindi maintindihang pangungulila. Mahirap. Sobrang hirap. But the good thing is kinaya ko.

Life is so good. Hindi Niya ako pinabayaan. Binigyan Nya ako ng isang ordinaryong unan. Unan na pwede kong iyakan kapag pakiramdam ko pag-iyak na lang ang tanging magagawa ko. Unan na pwede kong yakapin sa mga panahong nangungulila ako. Unan na nagbibigay sa akin ng comfort kapag hindi ako mapakali. Unan na kasama kong nananiginip. Unan na pwede kong   suntuk suntukin kapag wala ng mapaglabasan ng sama ng loob. pero hindi umaangal. Unan na handang  sumalo ng aking mga laway. mabaho man o mabango.

Unan na maihahambing natin sa quality  ng isang tunay na kaibgan.

Sa lahat ng mga kaibgan ko
TNX FOR BEING MY UNAN.

to end the story. Nilabhan ko ang aking unan at natuklasan kong hindi pala luha ang mga nakamarka dun. LAWAY!!

ANG LUHA KAPAG NATUYO MUTA
ANG MUTA KAPAG NABASA  HINDI NA MULING MAGIGING LUHA PA

CRYING IS THE FASTEST PAIN RELIEVER
LAUGHTER IS THE BEST MEDICINE
FAITH IS THE  GREATEST CURE
AND A FRIEND CAN GIVE YOU ALL

Tuesday, March 23, 2010

Law of attraction

 Nanahimik ako ng ilang araw. Sa loob ng isang linggong pananaliksik. Madami akong natutunan. Madami akong natuklasan. At ang pinakamahalagang nadiscover ko  ay ang sikreto ng law of attraction.
Walang pinipili ang batas na ito. Nasaan ka man, Sino ka man o ano ka man. Kagaya ng law of gravity  na nagsasabing whatever goes up will go down. Ang law of attraction ay may prinsipyo ding iniikutan. Eto ay ang LIKE attracts LIKE.

Anu bang ibig sabihin nito? Anu bang pakialam ko dito? Siguro yan ang mga katanungang nabubuo sa isipan nyo ngayon. Well , Hindi ninyo naitatanong ang batas na ito ay ang susi sa kasiyahang inaasam ng bawat isa sa atin. Papaano?

Familliar ba kayo sa katagang  Same birds with the same feathers flock together. ? Isa eto sa mga halimbawa ng law na ito. Ang mga ibon na iyon ay nagsasama sama kasi pakiramdam nila that they belong. Duda ka? cg maghanap ka ng kalapati tapos kausapin mo! grrrrr

OK heres another example. Dito sa mundo ng blogging. May ibat ibang klaseng tao. Ibat ibang klaseng blog. Pero  despite sa pagkakaiba iba natin eh may force na nagcoconect sa atin. And what binds us all eh ung pagkaparepareho nating hilig.  At ayun ang pagsusulat.

Isa pang example eh yung mga klase ng mga post natin. Dati isa akong dakilang Emo.And guess what? suddenly bigla ko nakilala sila jam at kayedee na sa mga panahong iyon ay mga Emo rin. NAgkakaintindihan kmi eh. At ngayon! nasan na kami? cla yata ang isa sa mga best buds ko dito.

Isa pang example ang makukulit at mga sikat na blogger na sina jepoy at glentot. hindi natin maitatanggi na mgagaling at nakakatawa mga post nila dito. kaya yung dalawang yun ay na attracted sa isat isa.uuyyyyy cheeeesyyyy!! hahah.At naging magbestfriends .haha. And dahil hnd natin maitatanggi na sobrang tatalino rin nila naattracts nila ang ilan pang matalinong blogger like kuya edsel pogi , pareng drake at ro anne.

so anung koneksyon ng mga pinasasabi ko? 

Sa tingin ko kasi kapag pinofocuse natin ang mga bagay na LIKE natin sa isang bagay . regardless what we dislike! magiging magnda ang mood natin. gagandaang feeling natin. maaalis lahat ng negatives thoughts na gumugulo sa atin. And then magiging masaya tayo. 

Tuesday, March 16, 2010

ang sakit sakit pero masarap

Two months before nagpasa ako ng application sa isang sikat na hospital dito sa QC. At knina ang schedule ko for interview. Wahhh! may secret ako.  Huwag mo ipagkalat ha? Virgin pa ako sa isang job interview. Sa trabaho ko kasi ngayon hnd na ako ininterview. Pasok na agad. Syempre dahil virgin pa nga nagtanong ako sa mga MAPAGKAKATIWALAANG kong mga KAIBGAN!!!!.  Sabi nila daanin ko daw sa charm.

Edi ayan  na todo porma ang lokong si kikilabotz. Hmmm  hindi ko kinalimutang  magwisik wisik ng magic pabango. Yung tipong lahat ng  madaanan ko mapapasabing ang bango. Kahit langaw dapat maakit sa pabango ko.Pinapila kami isa isa at binigyan ng number. Ang swerte ko kasi number seix ang nakuha ko. favorite! Dun na nagsimula ang kaba ko.  Ang bilis ng tibok ng puso ko.Nagwawala at nagdadamog na. Parang gusto kumawala sa katawan ko at maglakad palayo.Nakita kong isa isa nang tinatawag ang ibang mga applikante. Parang mitya sa bomba na unti-unting nauubos. waahhh. Malapit na! 6,5,4,3,2,1 kapssssssssttt .......(ay supot)

Tapos nakita ko si interviewer. Wahhhhh. Sya yung crush ko na padaan daan. Yung tipong kapag nkikita ko siya nakakalimutan ko si ex ko. wahahahaha (sinungaling eh noh?). Pero totoo crush ko sya. Ang ganda ganda nya. Lalo na kapag nakangiti sya tapos nakatingin sya sa akin. natutunaw ako. Tapos lumalaki yung ano ko. yung ano ko. yung mata ko.

Nakita kong tapos na si aplicant number 5. Syempre punta na agad ako sa table n interviewer. Tapos eto na ang tanungan session.

Interviewer: Mr Gaspar?
ako: yes maam (sabay smile ng todo todo. sinusubukan ko magpacute.)

Interviewer : I havent call you yet. why are you here?

ako: im sorry maam. (pakshet hindi effective)

Interviewer: its ok. But next time please wait for instructions.

 (wala na  simula non gusto ko magsalita pero wala ng lumalabas na boses sa bibig ko)

Interviewer: ok when did you graduated?

ako: june 2008 po (ay putek mali nasagot ko. dapat march 2008 )

Interviewer: when did u took the board exam

ako: june 2008

Interviwer: hmmm same time?

ako: (hnd ko na alam gagawin ko! help me help me!)

Interviewer: how many times you took the board exam and what is your rating?

ako: one take lang po . uhmm 78 po

Interviewer: not bad. so where did you  ojt?

ako: (sa sobrang dami ng naisip ko wala ako masagot) ahhh.. ehhhhh. hospital po. (paktay tayo jan!)

Interviewer: are you nervous? your voice is shaking.

ako: just a little bit(waaaaaaaahhh!! Ano na ngyayari sa akin!? paktay nanaman)

Interviewer :i want you to calm down. and talk to me in formal manner

ako: yes mam (pugelshit! papaano ako makakapgrelax kung nakatingin sya sa mata ko tapos nakangiti pa? halikan ko sya eh)

Interviewer : what are ur strengths. give me 3 adjectives

ako: (nagisip pa ng mga 4 minutes kung ano ba ang adjective. pakshet) focused, determined and caring (may masabi lang)

Interviewer: ok. will you explain to me why u said u r determined?

ako:  uhmm ay..i will do anything just to to to  achieved my goal.(pugelshit!wala na..na mental blocked na ko)

Interviewer: ok how about ur weaknesses? give me 3 adjectives

ako:uhmmmm shy?? and.........

Interviewer: hurry up u have limited time o answer

ako: (mental block na nga bkit ang kulet nito..tapos ngiti uli).....nothing else

Interviewer : nothing?so u said ur shy. so how wwill you overcome it

ako:i just smile and everything becomes ok. (watapak! anu un?)

Interviewer:ok ill evaluate you

whats good in you is that you are presentable, amiable, (ano meaning nun? baka minumura na ko nito ah!?)and blah blah blah. what u have to improve is ur nervousness. remember u r just talking to me and what if this is a panel interview. And also when u r applying you should know yourself. remember your selling yourself to us. (talaga? bibilhin mo ko? ok lang kht libre basta ikaw) And whenever you tell ur weakness be sure that you tell the interviewer that you are working on it. for example. blah blah blah.(ganun? sabi nya 3 adjectives lang. pano ko maeexplain yun) I hope you wont take this personally. shakehands...
.

waaaaaahhh. yun yun eh. wahahaha. hindi nya alam tatlong beses ako umihi ng walang hugas hugas. wahahaha. anyway kahit ganun love ko na sya. haha. Sana next time ako naman magiinterview sa kanya kung may bf na sya o kaya  kung anu gusto nya sa lalaki. O kaya kung pwede ko ba syang mging gf. wahhaha. basta basta! uhmm hindi ko na huhugasan kamay ko. ang bango ng kamay nya dumikit sa kamay ko eh.


Madalas ko pagtawanan kapag nag-ienglish si pacquiao. Tapos kanina napagtanto ko. mas magaling pa pala siya sa akin. Natamaan tuloy ako sa commercial ni manny na sabi ay...

NOW U KNOW!! 
 
 for more News update, visit James Bang

Sunday, March 14, 2010

videos

uhmmm medyo wala akong maisip na entry eh. kaya eto na po. tentenenen.
tatlong favorite video ko ang ipopost ko d2. malamang mauumay kayo sa pagmumukha ko. haha
nwei tatlong araw lang ang itatagal ng video na toh at idedelete ko na agad. promised!



Sabi nila kung gusto mo daw maging masaya. never ever think sa mga bagay na makakapgpalungkot sayo. kaya etong post ko na toh ay isang parte ng masaya kong nakaraan. hehe



etong isa namang eto. wala lang nanghihinge lang ako ng regalo nito eh. badtrip hnd effective walang nagbigay! grrrrrrrrrrrrrrrrrrrr.











tagal na rin tong inaabangan nila pareng jepoy at pareng glentot eh..Nakalimutan ko ksing iprvate.ahaha. yan na po. tenenenen




. pustahan magbabago tingin nyu sa mundo ko.

eto ay repost lang ulit dito hehe. hope magustuhan ninyo

Monday, March 8, 2010

sino ba talaga si kikilabotz

1st yr Highschool ata ako nun. Sobrang pagtitipid ang ginagawa ko kapag  pumapasok ako sa aking eskwelahan. Kaiba sa karamihan na ang favorite subject ay recess, Para sa akin walang salitang recess. Sobrang hirap ng mga naranasan ko ng mga panahong iyon. Yung tipong kapag nauuhaw ako, Iipunin ko na lang ang mga laway sa bibig ko kapag marami rami na , Saka ko na lang lulunukin. hmmmmmm...Ang  sarap!! lasang tinolang manok! Tapos kapag nagugutom naman ako at kumukulo na ang tiyan ko. Ipapasok ko ang aking hintuturo sa butas ng aking ilong. (pasintabi sa mga kumakain)Mamimili ako kung sa kanan o sa kaliwa. Papakiramdaman ko hanggang sa may makapa ako.. Kukunin ko ito tapos papaikut ikutin ko sa aking mga daliri. hangaang sa mabilog eto ng todo todo. Sabay. hummmmmmm aaaaaaahh. hummmmmm..aaaaaaah. inhale exhale ako. Medyo nakakrelax kasi yun ng katawan at nakakaalis ng gutom eh.

siguro inisip nyu na kakainin ko yun noh? huhu! ang bad bad nyo! grrrr. hindi naman ako ganun! May pride pa rin naman ako. Hindi ko gawain un !! Pero kung tatanungin nyo kung nasan na yung kulangot ko! Andun na sa gulaman na iniinom ng klasmeyt ko. Ang bad kasi eh hindi ako binigyan! buti nga sa kanya!

Ang paghihirap na iyan ay ginagawa ko dahil sa sakit ko!Opo may sakit ako! ang sakit ko ay! adik ako. Adik sa larong counterstrike. hindi kumakain makapaglaro lang. Pagkatapos ng klase direcho agad sa komputeran at dun magpapalipas ng guom sa larong counterstrike.

Xempre kapag counterstrike na pinaguusapan ! dapat pangalan pa lang astig na! kaya nagisip ako! dapat nakaktawa, dapat unique, dapat nakakatakot, dapat astig, at higit sa lahat dapat bastos! bwahahaha. dun ipinanganak ang code name kikilabotz

MORAL  LESSON? wala! bwahahahahaha.

pwede nyu na ako iadd sa fb. ahihihi.

iiyak na lang

hmmm. lately nagpost ako ng benteng things na like ko sa sarili ko. Totoo napakahirap talaga.Nakakadugo ng balunbalunan! Pero knina, Narealize ko na napaka-dali lang pala. Khit isang milyon pa baka kayanin ko. basta ikaw  langmgttype! ididictate ko na lang. kakapagod kaya un.

Ang sikreto! love evrything about you. simula sa pinakadulo ng buhok mo hanggang sa dumi ng kuko mo sa paa. At sigurado kapag nagawa mo yan! magiging masaya ka! magiging kuntento ka! hnd ka na maghahanap ng mga bagay na wala ka.

kung nagtataka ka bakit yan ang title ko? kasi wala ako maisip eh. Kaya IIYAK NA LANG.

Saturday, March 6, 2010

alamat ng bente

Nakikinig kay papajak sa radio. Bagot na bagot. pinipilit makatulog pero hindi makatulog. Yan ang mga ginagawa ko ng mga sandaling iyon. Kaya napagdesisyunan ko na kunin ang librong napulot ko sa kwarto ni kuya.Tenen!! ang title " Dont worry be happy" by bo sanchez. At para antukin sinubukan kong basahin.

It was a blessing indisguise. (tama b spelling?hehe.) Kasi hindi nga ako nakatulog, Pero ang dami ko naman natutunan. halimbawa na lang yung sinabi nya na to be happy dapat  Do not focus on what you dont have rather focus on what you have. At i agrree on what he said. tama naman db? For the past few months and days nabulag ako sa pagkawala ng isang importanteng tao sa buhay ko. Nakalimutan ko kung anung meron ako. Yung hinding hindi maalis sa akin. Yun ang sarili ko. Dapat mahalin ko ang sarili ko. Kasi mahal ako ni Lord at lahat ng mahal  Nya mahal din dapat natin.

bo said na write 20 things na u like about ur self. uhmmm nung una kala ko madali lang pero sobrang hirap pala. wala ako maisip.mas madali pa kung 100 things i hate about myself eh. grrrrr. pero try ko.so eto na nga ang 20 na bagay na gusto ko sa sarili ko. (sarili ko! so friends and love ones are not included)

1. Ang pagiging inosente ng aking itsura. Yung iba nagsasabing cute ako tapos yung iba naman sabi mukha daw ako tanga. well khit anu pa man. Nagpapasalamat ako sa aking itsura kasi dahil dito hindi ako nahihirapan magkaroon ng kaibgan. Kasi mukha daw akong pwedeng mapagkatiwalaan

2.mga jokes kong walang kasing korny. Hindi pa nga ako nagjojoke nagtatawanan na sila sa kakornihan ko. Sasabihin nila babanat nanaman  daw ako nang kakornihan ko. hehe.

3.mahilig ako tumingin sa magagandang babae.I love girls talaga. Nakakagaan ng pakiramdam kapag nakakakita ako ng mga cute at magagndang girls. dagdagan mo pa ng kaseksihan. Para sa akin wala namang masama kung naapreciate ko gnda nila. hindi ko namn sila minamanyak. Ginagalang ko pa nga sila. napaplingon lang talga ako to the max at napapasipol ng wootwoow

4. Mahilig akong magpacute. Anung magagawa ko? Eto ang kinabubuhay ko. wahahaha. yabang eh noh? basta. kapag may cute n girl na natanaw expect mo na magpapacute rin ako sa knila.wahaha

5. Wala akong bisyo. Hindi nagyoyosi. umiinom ng alak pero dahil allergic ako sa alak eh paminsan minsan lang ako  kung maglasing.

6. Alam ko ang responsibilidad ko sa pamilya ko.Nirerespeto ko sila at mahal ko sila

7. I love giving care specially  to those people i love

8.Hindi ko kayang iwan ang mga taong mahal ko.(sometimes hate ko rin toh)

9.ang tinatago kong artisitc side sa katawan.haha. nasa  loob ng kalooblooban  pa yun..

10. i like myself kapag nagiging competitive ako. Kaya lang kasi minsan pinipili ko magpatalo na lng para walang away. bkit ba nangingialam ka!? away gusto mo?

11. I love myself for hating violence. Gusto ko  kasi peace lang ang buhay buhay. ayoko ng may kaaway. ayoko na malaman na may isang tao na nagagalit sa akin. kahit isa lang hindi na ako mapakali.

12. I love to inspire. Ewan ko nakakagaan ng pakiramdam kapag yung mga kakilala ko sinasabihan ako na nainspired ko sila.hahaha.

13.Marunong ako umiwas sa tukso. Mas mahirap kasi kung lalaban ang tukso kaya iwas iwas na lang

14. Mahilig akong magcomputer. kahit galit na galit na sa akin ang mga magulang dahil minsan nagaadik ako sa harap ng PC. wala ganun talga eh. naging pangarap ko ang maging web designer eh. Saka i think ang pc at net ang binigay sa aking sandata ni Lord para ipaglaban ang what is right

15.tinatamad ka na noh? hahahaha. ako rin eh. Pero isa rin toh sa mga gusto ko sa sarili ko. uhmm hindi ako nagpapakamatay para sa isang bagay. Easy lang. ang mahirap ng bagay kapag hindi mo inisip na mahirap to pakiramdam mo ang dali dali lang.

16. im a good follower.

17.Mahilig ako sa spaghetti (tae wala na  talga masulat eh)Pero dahil sa hilig ko sa spaghetti na yan nabuo ang una kong pangarap. ang maging waiter para makakain ng maraming spaghetti

18.gusto ko sa ugali ko yung pagiging ayokong binibigo yung mga taong umaasa sa akin. Mas gusto ko nga na wag na lang nila ako asahan eh.

19. gusto ko rin sa sarili ko ang pagiging ayaw ko sa pakiramdam na walang silbi. gusto ko may ginagawa ako. gusto ko nakakatulong ang sa sarili ko, sa kapwa ko,sa pamilya ko, at sa marami pang iba

20. for trusting God sa buhay ko

actually sabi 100 things daw talga dapat eh. whahaha. pigang piga na utak ko. wala na laman. Pero sa on process palang ako ng pagiging masaya. so later magagawa ko na rin kahit isang libo pa.

DONT WORRY BE HAPPY

Tuesday, March 2, 2010

free

Knina habang kasama ko ang apat sa  aking mga katrabaho  nagyaya sila na manood ng sine sa Sm. Bago manuod napagdesisyunan muna namin na kumain kasi gutom na mga alaga namin sa tyan! Hindi ninyo natatanong ibat ibang hayop ang laman ng tiyan namin. Merong buwaya, kahit ano kain.  Manok, tuka lang  ng tuka. Meron ding daga, ok na ang tira tira. Basta ang sa  akin zebra. ! basta gusto ko lang zebra! walang pakialaman! peksheeet. hehe

Ayan edi order na. Kanya kanya kming pila at bili. Nung turn ko para sabihin order ko. Biglang nagsalita yung  magandang cashier . Ang sabi ay...

pogi ano order mo?

waaahhh!! walang galang! Hindi na siya nahiya! Hindi ako pogi! hindi ako pogi! cute lang!grrrrrr. Dahil sa inis-tuwa-whatever na naramdaman  ko sinagot ko siya habang nakangiti ako.sabi ko. Pwede ikaw na lang iorder ko?I think ur so special kasi. Ayun ngiti din sya.haha.

After kumain eh umaakyat na kmi sa taas para manood ng sine. Waahhh! nilinlang nila ako. Kala ko pa naman lightning thief ang papanuorin. Badtrip ang binili nilang ticket ay i miss you like crazy pala. asar. wala na ko nagawa kundi ang makinuod na rin. habang nanunuod kmi napansin ko umiiyak mga katabi ko kaliwat kanan. haaayy. Bakit pa manunuod kung iiyak rin pala sila. Hindi ba sila napapagod umiyak? ako kasi pagod na. ayaw ko na.

Ang totoo habang pinapanood ko yung pelikula maraming beses ako tinamaan at nasapul sa mga ibat ibang pangyayari sa bawat eksena. Dami ko natutunan. Dami ko nalaman.Dami ko naintindihan. Madaming mga linya ang tumatak sa isip kong walang laman. Walang  laman kundi sya.

Kaya nga paguwing paguwi ko. Sya agad ang naalala kong itxt. Txt ko sa kanya

may narealize ako. Naisip q na the best thing to show  u how much i love u is to let you go na. Paxensa na at naging unfair  ako. Pinagkait ko sayo na mging masaya ka. Paxensya na at lagi pa rn kitang iniistorbo at hindi na binibigyan ng peace of mind na hinihinge mo. Alam kong magiging sobrang hirap para sa akin pero para sayo. ill set u free na. kung tayo talaga tayo talaga db? masaya na ko na pinaramdam mo sa akin panu mahalin.

basta ganyan yung message ng txt ko sa kanya. hindi ko lang maalala anu exactly yung sinabi ko. kasi habang pinipress ko mga  button sa cellphone ko tumutulo mga luha ko.

sino b pwede mayakap jan!? Group hug?:D

Minsan kelangan mo masaktan para malaman mong hindi ka manhid

Monday, March 1, 2010

how to be a passer

Magdadalawang taon na nang marami akong ginulat sa pagkapasa ko sa NLE (board exam ng nursing). Maniwala kayo o sa hindi maging si erpats ay hindi rin naniniwala na magagawa kong ipasa ang board exam na marami ang bumabagsak. Papaano daw papasa ang isang tulad ko na magbasa lang ang title ng libro nakakatulog na. . Oo nga determinado at focus daw ako pero hindi sa board exam kundi sa panonood ng tv, pagkokompyuter at pagtetext text text text at text. Magsumikap naman daw ako

Muntik na sana ako mahabag ng pagalitan ako ni erpats dun. Makokonsensya na sana ako.Tutulo na sana mga luha ko. Kaya lang may sumabit sa mga sinabi nya eh. muntik na kong sumagot. Sasabihan ko sana si erpats ng " sinungaling sinungaling!! papaano ako magtetext text text at text eh wala nga ako cellphone! grrrrrrrr" Pero dahil may respeto akong anak nanahimik na lang ako at naglaro ng tamogotchi ng kapatid ko.

Hindi naman ako matalinong tao. Actually nga bumagsak ako sa comprehensive exam ng school namin. At muntik muntik na kong hindi gumraduate. Buti na lang nabigyan kami ng make-up exam at sa awa ni Lord nagawa kong maipasa yun.

Eh anung sikreto ko? hmmmm. Pag isipan ko pa kung sasabihin ko.haha. joke lang. Wala naman akong sikreto meron lang mga konting tips na gusto ko ipamahagi

Una sa lahat dapat huwag kang matakot bumagsak. Kasi ang exam ay parang pag-akyat sa puno.  Kung takot kang bumagsak  malamang sa alamang hinding hindi mo susubukang umakyat hanggang sa pinakatuktok.


Ang pinaka mahalaga dapat huwag na huwag kang makaklimot humingi ng tulong sa Itaas.Naalala ko kapag nagdadasal ako bago ako magboard exam. HIndi ko pinagdasal na sana pumasa ako instead ang dasal ko ay Lord kayo na po bahala sa akin. Kung saan ako mas makakatulong at kung saan ako mas pakinabang ihatid Ninyo po ako dun.

Marami akong pinagdaanan pagsubok . Nandiyan yung na hospital si mama, Tapos away bati kay former gf, tapos tuluyan ng hiwalay kay ex, Bigla pang tatamarin pumasok. Mahoholdup.haaaay grabe yung time na yun. Hindi ako makapaniwala na kinaya ko yun. Tnx God.

Eto pa ang ilan sa mga factor na makaktulong in particular order mula sa pinakaimportante
relaxation, motivation, inspiration,relaxaion, preparation, relaxation, determination

After kong pumasa, At sabihin ang balita sa aking mga magulang. Hindi ako masyado makatulog. Lagi ko naalala. Waaaaaaahhhh ang panget pala ni erpat umiyak..Hindi ako sanay. Pero nakakagaan ng pakiramdam.

after lahat ng pagsubok masasabi kong im a passer.