Thursday, January 28, 2010

move on

Dati, Natuwa ako sa isang kaibigan, Hindi talaga siya nagsusulat ng blog pero dahil sawi siya sa pag-ibig, Gumawa siya ng blog na magtuturo sa sarili nya ng mga step  kung paano mag move-on. Tinanong ko siya bakit niya ginawa yun. At ang sabi niya payo daw sa kanya ng isa niyang kaibgan. Para daw  kung sakaling makamove-on na siya at binasa niya iyon ay matatawa na lang siya. Natuwa ako sa sinabi niya. Iba iba nga talaga ang mga nagagawa ng blog sa bawat  tao.

Hndi ko akalain, gagawin ko rin pala ang mga bagay na ginawa niya. Pero sa pagkakataong eto. Hindi ako mgtuturo ng tips and tricks kung papaano magmove-on. Dahil im sure! Wala rin  akong maituturo kasi  hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung papaano.

Matapos malaman ang balita tungkol sa amin ng aking nakaraan, Isang kaibgan ang nagforward sa akin ng ganitoang mensahe.

Kung nasira ang sasakyang sinasakyan mo. At wala na itong pag-asang muling umandar pa. Pwede ka namang maglakad para makarating sa kabilang dako na kung saan may taong naghihintay sayo.

Dahil martir ako. naiisip ko, Kung pwede sana tulakin ko na lang yung sasakyan. Na kahit magkandapagod pagod na ako, o kaya naman kahit mamatay na ako kakatulak basta ang mahalaga magkasama kaming darating sa paroroonan. 

Pero kahapon ng umaga, May nagtxt!! hehe. ang text ay "good mornig i miss u so much. mwah"oo wrong spelling pa ang morning nya. malamang inaantok pa. Ayaw ko na sanang replyan pero hinde ko napigilan ang sarili ko. nag reply ako at ang txt ko ay." wala bang i love u?" after a few  minutes sinagot nya ang reply ko. ang txt ay "love you mwaah!". txt  ko naman "love u too".

Napagtripan kong silipin ang FS nya.Matagal na niya akong binura dun nung nagaway kami one time. pero hanggang ngayun nagsstalk pa ko s profile nya. Nagulat ako sa shout out nya.

" Mahal na mahal kita alam  mo yan.. Alam kong masakit pero sa tingin kong tama ng kalimutan kita..sorry"

bang! bang! beng! sapul!! Waahhhhhhh!! ang gulo niya. Hnd ko siya maintindihan!Anu bang problema?

kaya tinawagn ko siya at  tanungin kong anung ibig sabihin nya dun. Sabi nya mageexplain daw sya later. magttxt daw siya kung pwede ko na siya tawagan kasi may importante daw siyang ginagawa . sadly to say. naghintay nanaman ako sa wala.  Pakiramdam ko ayaw na talaga nyang pagusapan pa ,Kasi hinde na siya nagtxt at tumawag pa simula nun.

Sinusubukan ko na nga mag MOVE-ON. Napansin ko Nagmomove nga ako pero pabalik naman sa kanya. DAMN!!

Wednesday, January 27, 2010

operation hanap pepe

Whaaaaaaaaaaaa!! code red! code red!!

Nauubusan na ako ng oras.Hindi ko makita ang pepe. Ang pepe na maitim. Ang pepe na lagi kong nilalaro tuwing gabi. Ang pepe na paboritong pindot pindotin ng malilikot kong mga daliri. Ang pepe na kinaadikan ko. ang pepe na pinahiram lang sa akin ng kuya ko.

Hindi ko alam , bigla na lang  nawala. Mag-iisang linggo na akong naghahanap ng pepe.Wala akong makita. Hindi sa akin ang pepe na yun. pinahiram lang sa akin yun ng kuya ko na binili naman niya sa isa ko pang kuya. In short madami na kming gumamit sa pepe na yon. Pero hnd pa naman laspag. medyo bago bago pa.



parang binagyo ang aking kwarto sa kakahanap ng pepe. Minsan nga tuwing madaling araw magigising na lang ako bigla tapos babangon sa kama para maghalugad ng pepe sa aming bahay. Pero hindi ko talga siya makita.. Ang sakit sakit na ng ulo ko kakahanap. Wala sa kwarto ko at wala sa rin sa sala. tinanong ko mga kapatid ko hindi daw nila ginamit yung pepe. huhuhu..

                                    
whaaa!! Yari ako nito sa dalawa kong kuya. Malamang alamang. Binigyan na nga nila ako ng taning. Dapat mahanap ko na yung pepe na yun.DAMN! Pag hinde ko daw makita. huwag na rin daw akong magpakita ng buhay at humihinga. huhuhu. whaaaaa!! nakakaasar talaga. Nadagdagan pa ako ng problema. Pagnaiisip ko mga pangyayari parang gusto ko manugod ng unang taonng makikita ko tapos aatakihin ko ng 12 hits combo.

napagtanto ko ang mga bagay..

Lagi paka-ingatan ag mga bagay na gagamitin mo, Lalo na kapag hindi sayo!

         Mahirap hanapin ang mga bagay na wala ka, Pero mas mahirap  hanapin ang mga bagay na meron ka pero winala mo!!

eto na po pala ang letrato ng pepe na yun


pe-es-pe
kung sino po ang nakakita sa pepe na yan,  kung maaari ay ipagbigay alam lamang sa akin. maraming salamat po.

Saturday, January 23, 2010

re unite with my bestfren

Matagal na ring hindi nabubuo ang tropa. Simula ng magtapos kmi ng kolehiyo ay watak watak na kmi. May kanya kanya ng buhay. May kanya kanya ng problemang dapat lagpasan. Kanya kanyang landas na dapat tatahakin. In shorts kanya kanya na.

Pero kamakailan lang. Nagkaroon ng chance na magkita kmi ng aking bestfren sa trinoma.Pero dapat ilibre ko muna siya

* legend
r- bestfren
k-ako

at eto ang storya.Nagtutut ang aking cellphone na naghihingalo ang battety. Tinignan ko at merong 1sang messagesosesesosex.binasa ko

r-d2 n me!
k-hala! db 6pm p usapn las 4pm p lng. tambay k muna jan
r-bilisan mo at nagugutom na ko
k-teka lng bantay pa ko ng tindahan



 at nagkita na kmi. eto po yung mga usapan namin na tumatatak sa isipan ko

r-san k ba nagsususuksok?
k-jan lang sa tabi tabi.

k-gusto m nuod sine
r-wala naman atang mgndang palabas eh
k-ayun oh avatar
r-napanuod ko na yan! hnd naman DAW mgnda yan
k-wahaha. napanuod tapos daw. hanggang ngayon hindi k p rin nagbabago.engot k p rin


r-ikaw ba yan!? bakit parang ambait mo ngayon! may sakit k b?
k-tumahimik ka! hindi kita kilala. batukan kita eh.wahahaha
r-ikaw na nga yan. haha

k- payat payat mo na
r-pakainin mo ko para tumaba ako.haha

k-samahan mo ko sa penshoppe
r-anu gagawin mo dun?
k-bibili akong ballpen
r-ANUUU!!!!! BALLPEN!! SA PENSHOPPE!!HALLLERRR!!

r-hanggang ngayon kornick k p rin!
k-ikaw naman boybawang!hehe

r-naalala ko dati ang hilig hilig mo magpatawa .wala naman tumatawa
k-pinipigil nyo kasi. panu kayo matatawa?. haha


k-cr lang ako.
r-anu ? dumaan na tayo sa cr kanina hnd k pa umihi
k-eh ngayon lng ako naihe anung mgagawa ko
r-ambilis naman.

salesman- mam bili na po kayo ng bahay
r-naku matagal ko pa kakailganin yan
salesman- naku mam mga 2yrs lng kelangn mo n yan
r-hala hnd ah bata pa ako
salesman-mam naman ilang taon n b kayo ngayon? 26?
r- waahhhh. hnd na ko bibili sa inyo khit kelan. KHIT KELAN
k-sabi ko sayo mukha k ng 29 eh. pinabata na nga ng salesman. sales talk n yun ah? wahaha
r-22 pa lang ako noh.
k-asuuuss

k-ang daming tumitingin sa atin oh. siguro kala nila kasama mo si enchong dy
r-oo enchonggo dytao.wahahaha
k- kaw namn mukhang bebe gndanghari.wahahaha

r-bkit b ang bait m ngayon?
k-punta na ko las vegas eh
r-ulul!!
k-hahaha. kilala m talga ako noh?

sa bahay
r-ui tnx s treat m bestfren ha?
k- hehe. sunod kaw naman

k-lam mo ba hindi ako naligo knina?
r-kaya pala ang asim mo
k-hahaha.kaya nga eh.tapos yakap k p ha?
r-ok lng namiss kita eh





sa ngayon dalawa pa lang kmi ng bestfren ko na nagkasama ulet sa picture na yan. plano namin na sa susunod buong barkada naman.hehe. Sana magkatotoo. khit alam namin na impossible na.Sana mabuo ulit yung letrato na yan.

Thursday, January 21, 2010

bigla na lang naging love



Plano ko  sana ang gumawa  ng masayang blog posts ngayung araw. Pero matapos kong mabasa ang mga blog na aking mga kaibigan at mga fellow blogger . Bigla na lang love... at love... at love ang pilit pumapasok sa isip ko.Ewan ko ba. Marami ang  nagtataka. Bakit nga ba nauso yang love na yan? Kung marami rin naman pala ang  durugo ang pusot masasaktan.
Kilala ninyo ba si Sakura ng Naruto? Tulad ng nakikita ninyo. Sa isang episode ng naruto, Sinabi ni Sakura kay Naruto na mahal nya ito. Pero sinabi niya iyon  hinde dahil mahal nya nga si Naruto. Sinabi nya iyon dahil gusto niyang mabawasan ang hirap na dinaranas ni Naruto..In short it was a fake!

(o sya sya tama na tayo sa naruto na yan! napapalayo na tayo e. abangan mo na lang na ipalabas yan!! )

Going back to  love, Marami sa atin ang umiiyak, marami sa atin yang nasasaktan, Dahil kasi..Marami sa atin ang nakakalimot na sa tunay na kahulugan ng love. Actually 999,999,999,999 and so on and so on ang  makukuha
nating definition ng love kung lahat tayo ay tatanungin. At alam ko hindi mawawala ang "love is blind"

(love is blind ur face!!!brrrrrrrrrr! tusukin kaya kita ng ballpen sa mata!? mamahalin mo kaya ako? )

Ano ba kasi ang love na yan? Para sa akin. Ang love ay isang uri ng pakiramdam na kung saan ikaw ay  willing  ibigay ang lahat o gawin ang anumang bagay kahit ikapahamak mo para sa isang bagay, tao, hayop  ,tae, kulugo o ano pa man yan. NA WALANG HINIHINGENG KAPALIT. Pwede mong mahalin kahit sino o kahit ano. Maski sarili mo. Pwede mong mahalin. Kahit nga ipis na naninirahan sa kanal ng kapitbahay ninyo eh. Basta ang mahalaga masaya ka.

Kung nasaktan ka. Wag kang masyadong magalala. Natural lang iyon. Xempre mahal mo sarili mo. Gusto mong bigyan ng kasiyahan sarili mo.Nagkataon lang na  hindi nangyari yun the way u want it.

Yung mga taong binigyan mo ng love mo. Tapos hindi ibinigay ang love nila. sila ang tinatawag na UNFAIR. hayaan mo sila. hahaha.

Kung sa tingin mo naman walang nagbibigay ng love sayo. tandaan mo ang definition ko sa love!Yung kulay blue sa taas! At huwag na huwag mong kakalimutan si God! love na love ka nun.








Sunday, January 17, 2010

anung bago?

Kasabay ng pamamaalam ko sa aking 2009 ay ang pagsalubong sa aking 2010
 (kabaligtaran ng paborito kong laro na 10-20. haha joke lang)

Alam ko marami ang magbabago. Maraming bagong pagsubok, Maraming bagong matutunan, Maraming bagong lungkot, At higit sa lahat maraming bagong saya.

Kaya napagdesisyunan ko na palitan ang tema ng aking blog.

Ang dating goodsense ay hindi naman mamaaalam, Sa halip ay  magpapalit lamang ng  kanyang anyo para mabigyan daan ang kasamaan sa aking katawan. .BWAHAHAHA. Para makapagpost na ako ng mga porno dito. BWAHAHAHA. joke lang.



May mga konti lang namang babaguhin. Abagan nyo na lang. hekhek.

maraming salamat nga pala sa mga taong sumuporta sa goodsense.

ahpz_unit30
pluma ni jepoy
alkapon
salbehe
skippyheart
saul krisna
drake
glampinoy
batangistik
glentot
kox
missGuided
Mister Llama
KESO
Lee
jamine_10
elden
random student
chying
jam
manik reigun
♥ mhiz-yhel ♥
dhianz
chikletz
walongbote
pinkdiaries
Anna Monique
cyndirellaz
Pamela
m u l o n g
aneng
=supergulaman=
an_indecent_mind
Denturist
vonfire
Patricia ♥ Ashika
Rocky Garcia
darbs

salamat sa inyo..hehe.parang lilisan talga eh noh?

Friday, January 15, 2010

drawing

Tanghali na nang akoy nagising. Galing sa isang malungkot na kahapon.Galing sa isang mahabang over night duty. Puyat at pagod na pagod. Tumingin ako sa salamin para makita kung mukha nanaman ba akong stress. Then, I saw myself bleeding. Damn! Pumutok pala tagyawat ko. Pinunasan ko eto at naghilamos na.

Naalala ko ang babaeng pinakamamahal ko. Kamakailan lang i was too much inlove in her. Actually hanggang ngayon naman. Pero i never prove sa kanya kung gaano ko sya kamahal.And worst, I almost gave up. Sinabi ko sa kanya na suko na ako. Na sobrang nahihirapan na ako.Na sa mga pagkakataon na gusto ko siya makasama ay wala siya . Lagi na lang hindi pwede. Lagi na lang may kontra. Lagi na lang may pahirap. Lagi na lang may palusot. LAgi na lang may problema. Parang hindi na kapanipaniwala.

Lumayo ako, And i realized na hindi ko pala siya kayang iwan siya. Bad news eh wala na pala  akong babalikan. Nagtago siya at Hindi nagparamdam ng mahigit isang linggo. Tanggap ko na kung sakaling hindi na nya akong tanggapin muli. Alam ko na naging duwag ako, Sinira ko ang pangako kong sasamahan ko siya habang buhay. Na sinuko ko na siya at iniwan. Na ang kapal naman ng mukha ko kung basta ko na lang sya babalikan.

After several days, Muli kaming nagkausap, Sabi niya hindi na daw nya alam kung mapapatawad nya pa daw ako. Sabi ko maghihintay ako. Tapos kinabukasan tumawag ulit ako. Wala daw siya sa mood para pagusapan yung mga yun. haaaaayy. Wala akong magawa! kasalanan ko. Sinaktan ko siya at dapat lang na masaktan din ako. Himala na lang makakapgsalba sa amin. Ginawa ko na lahat. Pero talagang parang ayaw na nya.

Kaya , Paraan ng pagpapasalamat ko, sa masayang pagmamahalan na pinagsaluhan namin. iginuhit ko ang kanyang letrato sa cellphone ko gamit ang ballpen na malapit ng maghingalo.



wala po akong galit sa kanya! Hahaha. HIndi ko rin binaboy yan! Ako nga rin eh napangitan sa ginawa kong yan. kaya inulit ko.



ayan at medyo naayos ko na. medyo magnda na siya dito. Pero kulang pa rin eh. kaya medyo inayos ko pa.


nilagyan ko ng salitang "i love you" hehe.para takpan ang maling gawa ko sa magnda niyang lips.



At eto na po ang aking finishing touch. sa paint ko lang inedit kasi wala akong photoshop eh. huhuhu

Bata pa lang ako mahilig na ako mgdrawing. Favorite ko nga dati idrawing yung mapa ng Pilipinas eh.hehe. Ngayon naman mahilig pa rin naman pero sa kwento na lang.haha

hanggang ngaun umaasa pa rin ako na balang araw magkaayos na kami.


Monday, January 4, 2010

i want you back

MAHAL kong 2009,




Kamusta ka na? Sana nasa mabuti kang kalagayan. Ang bilis ng panahon noh? Parang kailan lang.



Bago ka pa dumating nun. I had a wish up above. Na sana...Na sana maging masaya ako. And when you came at bulagain ako. Hindi na ko nagulat.Napangiti na lang ako.I knew it. Alam ko nasa sayo lahat ng hiniling ko. Ikaw ang magbibigay ng katuparan sa bagay na pinapangarap ko.



Sinamahan kita sa unang yugto ng pagtakbo mo. At magkasabay tayong tumakbo. At wala akong pinagsisisihan dun. Minsan sobrang hirap at nakakapagod na. Nakakauhaw at minsan parang gusto ko ng sumuko. ilang beses na ako nadapa, Ilang beses na rin akong natapilok, Maraming beses na ako natisod. Hindi na rin mabilang ang mga pagkakataon nasaktan at tumulo ang mga luha sa aking tanta..lysing..tantalazing?..putik!!sa mata ko na nga lang. At pagkakataong sabihang tanga ang sarili ko. GRRRRRRR.



Pero iba ka! Maraming bagay kang itinuro sa akin. Tinuruan mo akong tumayo kapag nadarapa ako. tinuruan mo akong lpagpatuloy ang laban kahit ramdam ko ang hapdi ng bawat kirot ng sugat bunga ng pagkadapa ko. Pinaaalam mo sa akin ang direksiyon na tatahakin ko. Binulong mo sa akin kung paano maging matapang. And u show me some



reason para lumaban



motivation para abutin ang mga pangarap



an inspiration para maging masaya muli



at tinuro mo sa akin gaano kaganda ang buhay







i was very happy. sobrang happy. as in sobra sobrang sobrang sobrang sobrang happy sa mga panahong kasama kitang tumatakbo. Minahal kita. Pinangarap ko na sana maging forever na. At nagpapasalamat ako sayo at sa lahat ng mga bagay na itinuro at pinaranas mo sa akin. I was damn inlove sa mga tawanan, kasiyahan, iyakan at lectureran na naramdamn ko sa panahon mo.



Pero sa isang iglap lang. Nagbago ang lahat.Nag iba ka na..ang dating 9 nawala ng lahat at naging zero na. ikaw pa ba yan? bkit nag-iba ka? bakit iniwan na ako ng 2009 ko?Nasn na yung taong nagpasaya sa akin? Panibagong yugto nanaman ba ito? Panibagong problema? Panibagong iyakan? Panibagong pagkabigo? Nakakatakot. At natatakot ako



How badly i want u back. kung pwede lang ibalik ang panahon. i want my 2009 back. Gaya ng dati. hindi pa rin kita malilimutan. khit isang daang milyong beses pa akong pukpukin sa ulo ng malalaking bato. walang bagay makakapagalis sayo dito. sa pusot isip ko.



NAGMAMAHAL,



berto,joke lng



Ang kyut na kyut



KIKILABOTZ